Anim na dekada't tatlong taon

204 1 0
                                    

Mahal kong Eduardo,
Marahil kapag nabasa mo na ito'y nasa kabilang buhay na ako't namamahinga. Hindi ko akalain na makakapagsulat pa ako sa kabila ng edad kong ito. Sabi ng iba-- itigil ko na ang pagiging manunulat ko dahil sa tanda ko ba namang ito ay wala pa ring nakapapansin sa mga akda't aklat ko. Tila ba'y sinasayang ko lamang ang oras, panahon at pagod ko sa pagsusulat ng mga kwentong hindi naman kabighabighani sa paningin at panlasa ng iba. Pero tulad nga ng sabi mo sa'kin noon pa man na, ''Magsulat ka hindi para purihin ng iba. Magsulat ka dahil gusto mo at masaya ka.'' Iyon palagi ang itinatatak ko sa aking isipan. At dahil doon ay kaya ko pa ring magpatuloy sa kabila ng kasawian ko sa pinili kong propesyon. Ito na ang ika- anim na pu't tatlong pasko na wala ka sa piling ko. Labing-walong taon ako nang huli kitang makasama sa pasko. Ngunit tulad ng mga nagdaang Disyembre. Natutunan ko nang tanggapin na hindi na kita muli pang mayayakap at makakapiling. Nabalitaan kong nasawi raw ang iyong kabiyak dahil sa isang aksidente diyan sa Maynila. Ikinalulungkot ko ang balitang iyon. Sa loob ng ilang dekada'y naging matatag ang inyong relasyon. Tanging ang kamatayan lamang ang naging katapusan sa istorya niyong dalawa. Malimit na akong umalis ng bahay dahil sa sakit at katandaan kong ito. Sabi ng doktor ay maswerte na ako kung aabot pa ako ng bagong taon. Kung masisilayan ko pa man ang taong 2020, ang nais ko lamang ay makasama ka sa pagkakataong iyon. Hindi para ipagpatuloy ang kwento natin-- kundi ay para tuluyan nang palayain ang isa't isa at magkaroon ng kapayapaan at kapatawaran sa ating mga damdamin. Kailan ma'y hindi matatapos ang pagmamahal ko para sa'yo. Kahit sa huling hininga ko'y ikaw pa rin ang nais ko.

                            Nagmamahal at naghihintay,
     Maria

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagpatak ng butil ng mga luha mula sa aking mga mata. Kasabay ng pagputok ng makukulay na mga pampasabog-- tradisyon nating mga Pilipino bilang pagsalubong sa bagong taon ay ang pagkawasak ng aking puso. Nahuli ako. Huli na naman ako.

''Lo? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Tumingala ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng bunso kong apo. Si Nadia. May hawak pa itong puting plato na may lamang spaghetti at piniritong manok. Marahan akong ngumiti habang yakap-yakap ang sulat na ngayon ko pa lamang natanggap mula kay Maria.

''Umiiyak ka ba Lo? Hala! Bakit?'' Yumuko siya at inilapag sa may maliit na mesa dito sa balkonahe ang platong hawak niya at matamang tiningnan ang mga mata ko.

''Sasabihin ko sa'yo kapag tumahimik na ang buong paligid.'' Saad ko at napasimangot naman ito. Abala ang lahat sa selebrasyon, handaan at kasiyahan. Pero ang apo kong ito ang nag-iisang dumamay sa akin mula sa kalungkutan.

Maingay ang buong paligid kaya't sinabi ko sa kaniyang dalhin na lamang ako sa aming hardin. Agad naman niya akong sinunod at marahang itinulak ang kinauupuan kong wheelchair.

''So, ano ngang nangyari Lo?'' Pangungulit niya sa akin nang marating namin ang hardin na nasa likurang bahagi lamang ng aming tahanan. Mahilig magtanim ng mga halaman at bulaklak si Matilda. Ito ang libangan at pampalipas oras niya. Bumuntong hininga ako at ipinakita sa kaniya ang sulat-kamay mula kay Maria.

Binasa niya ito pero nagsimula siya sa huling bahagi. Kung saan naroroon ang pangalan at lagda ni Maria.

Namilog ang kaniyang singkit na mga mata. Manang-mana ito sa kaniyang lola.

''Hala! Diba ito ang first love niyo Lo? Mygad! Kayo Lo ah! Napaka colorful nga naman ng lovelife niyo.'' Humagikhik ito.

''Basahin mong mabuti para maintindihan mo.''

Tumango naman ito habang hindi inaalis ang paningin sa papel na hawak niya. Ilang saglit pa'y yumugyog ang balikat nito at humihikbing tumingin sa'kin. Luhaan ang mga mata nito. Ito lagi ang kaniyang histura lalo na kung katatapos lamang nitong manood ng mga madramang pelikula.

''Nagkita ba kayo lo?'' Sumisinghot ito habang yakap-yakap ang papel. Umiling ako at pilit na ngumiti.

''Bakit hindi? Mahal mo siya diba? Kasi kahit ilang taon na kayong kasal at nagsasama ni lola hindi mo pa rin siya matanggal sa puso mo. Iyon palagi ang kinkwento ni lola sa'kin. Na kahit anong gawin niya-- palaging talo pa rin siya sa laban. Kasi kahit nagkaroon na kayo ng mga anak at apo-- si Maria pa rin daw ang laman ng buong sistema mo. Pero Lo, may chance na kayo para magkita at magkausap-- ba't di mo ginawa?'' Nagpupunas na ito ng luha niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Si Nadia ang pinakamalapit sa akin at sa Lola niya. Lahat ng nakaraan ko-- namin ni Matilda ay alam niya. Kaya hindi na lingid pa sa akin na alam niya ang kwento namin ni Maria at Matilda.

''Apo, nahuli ako. Huli ko nang nalaman at natanggap ang sulat. Tumawag ako sa mga pamangkin at kapatid niya at sinabi nilang kalilibing niya lang kahapon pa. At iyong sulat na iyon ay kanina lang nila nakita. Sobra akong nanlumo sa mga nalaman ko. Sa loob ng anim na dekada ay ilang sulat na rin pala ang nabuo niya para sa'kin. May ilang kahon daw sa kaniyang kwarto at ang nilalalaman niyon ay sulat para sa akin. Kahit kailan Apo hindi niya ako kinalimutan. Ganoon rin ako sa kaniya. Siya ang una at huli kong pag-ibig. Batid iyon ng langit at lahat.'' Humihikbi kong tugon.

''Pero diba Lo? Kung mahal mo talaga si Maria dapat pinaglaban mo siya.''

Naglabas ako ng mahabang buntong hininga.

''Hindi lahat ng pagmamahalan dapat pinaglalaban. Minsan kailangan niyong palayain ang isa't isa para mas maipahayag ang pagmamahal niyo. Minsan kasi ang pagpapalaya ang pinakadakila at pinakamahirap gawin para sa taong umiibig. Nangangailan ito ng sapat na lakas at tapang para haparin ang bukas na hindi na siya kasama. Hindi lahat ng kwento ng taong nagmamahalan ay nagtatapos sa masayang katapusan-- ang iba nagtatapos sa malungkot na trahedya. Tulad sa'min ni Maria.'' Saad ko habang nakatingala sa madilim na kalangitan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Koleksiyon ng mga Dagli, Maikling Kwento at Mga Nakatagong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon