Hindi ako mapakali pakiramdam ko may kulang. Kanina pa kasi ako naghihintay sa tawag o text man lang niya. Second anniversary namin ngayon. Pero ni hi o hello wala man lang akong natanggap galing sa kaniya. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan , at ang nakakainis pa ay busy ang line nito. Gusto ko nang makita siya. Gusto ko siyang makausap. Alas onse na ng gabi at antok na antok na ako pero ayaw ko pang matulog. Kailangan naming magkita. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko pero ayaw ko naman siyang pangunahan baka, masyado siyang nag ready–– baka madami siyang tinawagan dahil sila yung mag oorganize sa date namin ngayon. Tama. 'Yun nga.
Humiga na ako sa kama. Nakatitig lang sa kisame. Lintek kasi eh. Pinunasan ko ang ko ang luha kong patuloy na dumadaloy galing sa mga mata ko. Naiinis na ako. Bakit... Bakit ang sakit?
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang mag ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang pangalan niyang nakarehistro. Sabi ko na nga ba. Hindi niya ako matitiis.
Ngumiti ako at sandali ko pa itong tinitigan bago sinagot.
"H-hello babe? Happy anni––''
"Nasa'n ka China?" Putol niya agad sa sasabihin ko. Napalunok ako. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa totoo kong pangalan. Matigas ang boses niya at napakalamig nito.
"China! Ano ba! Sagutin mo ako! Naiinis na ako! Kanina ka pa tawag ng tawag! Tapos ngayong kakausapin na kita hindi ka naman makasagot. I'm starting to hate this relationship. Buti pa magkita tayo sa—"
"S-saan Z-zach?..." Hinawakan ko ang bibig ko para hindi kumala ang paghikbi ko. Nakakainis.
"Sa dati nating tagpuan. Be there. Bilisin mo at marami pa akong gagawin." Magsasalita pa sana ako pero agad niya akong pinatayan.
Mariin akong napapikit. Baka... He'll surprise me. Baka pagdating ko dun... May mga balloons, lights, may candlelight dinner pa kami, tapos patutugtugin ang themesong namin na Born For You. Tapos isasayaw niya ako. Tapos luluhod siya at ilalabas niya ang singsing na nakita namin noon sa mall. Diamond pa naman 'yun. Tapos sasabihin niyang "Will you Marry me Babe?" Tapos mapapaiyak ako at sasagutin ko siya ng "Yes! Yes I will marry you babe!"
Huminga ako ng malalim. Tama. It should be that way.
——
"Kailan mo ba maiintindihan na hindi lang sa'yo umiikot ang mundo ko? Na may mas mahalaga pang mga bagay na dapat isaalang alang ko.'' Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. Patuloy akong nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Kahit gustong gusto ng kumawala ng mga luha ko. Pinigilan ko. Kahit ang sakit-sakit na ng dibdib ko at parang pinipiga ito. Pinigilan kong ipakita sa kaniya. Alam kong magang-maga na ang mga mata ko.
Kakarating ko lang sa park at 'yun agad ang bumungad sa akin. Lintek ka! Madilim ang buong Parke at tanging ang lamppost lang ang nagbibigay sa amin ng liwanag. Isama na rin ang buwan at baka mahiya pa siya.
''Tapusin na natin kung ano mang namamagitan sa ating dalawa. Gusto kong maging masaya ka ulit, gusto kong makita ulit 'yung mga ngiti mo, gusto kong marinig muli ang mga tawa mo... kasama ang ibang taong magmamahal sa'yo sa hinaharap. Maging masaya ka, at kalimutan mo na ako." Ngumiti siya.
'May iba na ba Zach?'
Gusto kong itanong sa kaniya 'yan pero baka hindi ko kayanin ang isasagot niya.
"Hindi... Hindi mo na ba ako mahal Zach? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin, ipinaglaban mo pa nga ako sa pamilya mo diba? You even told me na you will love me until the end. Pero ito na pala ang katapusang tinutukoy mo. Wala na bang chance na— chance na maibalik ang dating tayo? Alam mo kasi... These past few days. Nanlalamig kana sa akin. Hindi lang ako nagrereact kasi baka mali lang ang pagkakaintindi ko. Pero, ito na pala yun."
"China, I'm sorry. Hin—"
"Tama na Zach. Nasaktan na ako ng sobra eh. Wala nang magagawa 'yang sorry mo— sige Zach. Alis na ako." Ngumiti muna ako sa kaniya bago tumalikod. Dahan dahan lang ang paghakbang na ginawa ko. Baka kasi magbago ang ihip ang hangin at baka habulin niya ako at sabihing nagbibiro lang siya.
Tumigil ako sa paglakad. Hindi ko na kaya. Ang hirap. Ang sakit. Dahan dahan akong napaupo sa damuhan. Tumingala ako sa langit. Naramdaman ko na lang na nababasa na ako dahil biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Great. Nakikiramay na rin ang langit sa nararamdaman ko ngayon. Hinayaan ko na lang na tuluyan na akong mabasa ng ulan.
"Mahal na mahal kita Zach. Pero tangina mo!" Sigaw ko sa pagitan ng aking paghikbi.
First love at first heart break pa! Ayoko na!
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Dagli, Maikling Kwento at Mga Nakatagong Salita
Historia CortaSinulat ko ang mga kwentong ito dahil trip ko lang.