Love advice from a wannabe-Love-Guru

172 0 0
                                    

Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Kung noon mahal ka niya. Walang kasiguraduhan kung mamahalin ka pa ba niya sa makalawa o sa susunod pang mga araw. Hindi mo hawak ang mundo para diktahan ang taong mahal mo na manatili pa sa piling mo. Hayaan mong ang tadhana at panahon ang magdala sa inyong dalawa pabalik sa piling ng isa't isa.

Kung hindi ka na niya mahal, then be it. Let him go. H'wag kang kakapit sa taong matagal nang bumitaw sa'yo. Kahit sabihin mo pang 'mahal' mo siya. Hindi pa rin mababago nun ang katotohan na sumuko na siya at nagsawa na. Kung totoong mahal ka niya, he won't take you and your relationship for granted .H'wag ka na ring lumaban pa, kung wala rin namang patutunguhan. Mas patuloy ka lang masasaktan kapag pinilit mo pa ang isang bagay na hindi na maibabalik sa dati.

Hindi na uso ngayon ang mga martir at tanga. Kaya h'wag puro puso ang pairalin. Matuto kang gamitin ang utak mo. Hindi lang siya ang taong magmamahal sa'yo. Madami sila, yun nga lang. Di mo napapansin. Binalewala mo lang sila dahil lunod na lunod ka na sa pagmamahalan niyong dalawa. Na kahit ikaw mismo, ayaw nang umahon pa. Sa sobrang pagmamahal mo nga sa kaniya, binuhos mo na ang buong pagmamahal na meron ka, na kahit sa sarili at sa pamilya mo 'di ka na nagtira. Nakakalimutan mo na ang iba. Nakalimutan mo na yung mga taong humubog sa buong pagkatao mo. Nakalimutan mo yung mga taong una mong nakilala at pinahalagahan bago siya dumating sa buhay mo. Kinalimutan mo sila dahil nabulag at naging tanga ka sa pagmamahal mo sa kaniya.

Maging masaya ka para sa sarili mo. Pakawalan lahat ng alaalang magbibigay ng sakit sa'yo. Kasi kung patuloy mo pa ring aalalahanin 'yun. Tiyak matagal kang makakapag move on. Tulad ng pag let go mo sa kaniya, let go mo rin ang feelings at memories niyong dalawa. Kung pwede e block mo siya sa Facebook, unfollow sa Instagram at Twitter. Delete his number. Pero wa epek rin kung memoryado mo naman. Delete all the photos, maging siya lang o kayong dalawa pa. Lahat ng bagay na makakapag-paalala sa kaniya itapon at ibasura mo na. Makipag bond sa family and friends mo. Iwasan mo muna ang mapag-isa, mahirap na baka magbigti ka. Try to erase his face, his voice, his body on your mind and heart. Kumbaga you need to shut down and restart, hindi lang basta-bastang refresh. Hindi pagpapaka bitter ang tawag dito. It's called forgetting the painful past and starting a new and happy present.

H'wag manghinayang sa relasyon niyong nauwi sa hiwalayan. Kung sa trabaho pa, marami pang opportunities na darating. Hintay-hintay lang. H'wag ring gumamit ng ibang tao para lang makalimot. Don't forget na karma is a bitch. Three month rule is a must. H'wag magmadali bes. It takes time to heal a broken heart and wounded soul. Kung tuluyan ka nang naka recover sa masakit na pangyayaring 'yun then start a new one. Pero kung hindi ka pa rin ready and fully recovered stay single and have fun.

Ang pinakamahalaga sa lahat, mahalin mo muna ang sarili mo. Dahil sa huli, siya lang ang makakasama't dadamay sa'yo. H'wag laging iasa sa iba ang kasiyahang nadarama. Dahil kahit gaano pa man kayo kalapit sa isa't isa. Gaano mo man siya pagkatiwalaan, dadating kayo sa puntong masisira niyo ang isa't isa. Magkakasakitan kayo't magkakaroon ng lamat ang maganda niyong pagsasamahan. And lastly, learn from your mistake. Kung naloko ka noon, 'wag nang magpapaloko ngayon. Be wise enough to choose kung sino ang mamahalin at pagkakatiwalaan. Pero h'wag ring kakalimutan na palaging nandiyan si God para gabayan at mahalin tayo. God's love is the perfect definition of pure and unconditional love.

Koleksiyon ng mga Dagli, Maikling Kwento at Mga Nakatagong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon