Prologue

48 1 0
                                    

Sa loob ng isang malawak ngunit madilim at malamig na kulungan, makikita ang isang babaeng may puting kasuotan, nakaupo at tila wala sa sariling katinuan, may hawak na isang maliit na patalim at may iginuguhit na kung ano sa sahig. Ngunit sa kabila ng kawalan nito sa katinuan ay hindi maitatago ang angkin nitong walang kapantay na kagandahan.

Ang kulungan ay punong puno ng katahimikan at tanging ang kaluskos lamang ng patalim sa sahig ang maririnig. (Eram-)

Ilang sandali pa ay napatingin ang babae sa maliit na bintana ng marinig ang marahang patak ng tubig sa labas. Hmm.. ang taglamig ay papalapit na naman.

Akmang ipagpapatuloy nya ang kanyang ginagawa nang bumukas ang pintuan ng kulungan kung kayat agaran nyang itinago ang punyal sa loob ng kanyang kasuotan. Nang tingalain nya ang taong pumasok ay nabigla siya ng mapagtanto kung sino ito.

"Kamahalan." ito ay walang iba kundi ang Emperador kasama ang tagapaglingkod nito na may hawak na kahon, itoy marahan lamang nakayuko habang ang Emperador naman ay hindi kakikitaan ng kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Iniangat nito ang kamay at ang tagapaglingkod ay inilapag ang kahon sa kanyang harapan saka marahang binuksan. Sya ay nagulantang nang malaman kung ano ang nilalaman ng kahon.

"Aaaaaah! Kuya!!! Ama!!!" itoy mga ulo ng kanyang nakatatandang kapatid at ama. Puno ng galit na tiningnan niya ang Emperador.

"Paano mo nagawa to !? Ako ang gumawa ng mga masamang bagay na yon! Sa akin ka may galit! Bakit kailangang gawin mo sa kanila ito?"

Gaya niya ay tiningnan din sya nito nang may galit.

"Nakagawa si Alexis ng kasalanang walang kapatawaran. Umakto lamang ako ng naaayon sa batas."

"Nagsisinungaling ka! Ang aking ama ay tapat sa kaharian.! Paano siya gagawa ng kasalanan rito? Nakalimutan mo naba kung paano mo nakuha ang trono? Kung hindi dahil sa aking ama ikaw ay ----- hmm!! Hmmm!!" bago pa man nya matapos ang kanyang nais sabihin ay tinakpan ng tagapaglingkod ang kanyang bibig.

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay kapag sinasabi ng iba na nakuha ko ang trono ng dahil lamang sa isang babae."

"Mmmhf!" sinubukan nyang kumalawa at lumaban ngunit itoy walang silbi.

"Alana, masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili. Sa tingin mo ba ay hindi ko makukuha ang trono ng wala ang suporta ng pamilya mo? Sa tingin mo ba ay kayang agawin sa akin ng kapatid kong iyon ang trono? Kabaliwan! Ipinilit mo ang sarili mo sa akin sa pamamagitan ng kasalang ito. At sa tingin mo ay ipagpapasalamat ko iyon sa iyo? Nakakatawa ka!"

Matapos ang ilang ulit na paglaban ay napatigil sya sa mga narinig. Bawat salitang lumabas sa bibig ng Emperador ay tila mga patalim na unti unting itinatarak sa kanyan puso.

"Kung naging maayos na Emperatris ka lamang ay hahayaan kitang mabuhay. At si heneral Alexis, hahayaan ko nalamang sana syang mamatay sa katandaan. Ngunit hindi!, gumawa ka ng mga bagay bagay para sa pansarili mong kapakanan.! Ginulo mo ang palasyo at ikaw ay naging masama, malupit at walang awa .! Wala pa rin akong tagapag mana hanggang ngayon.! Isipin mo ito! Gaano karaming buhay na nga ba ang iyong kinitil !? si Amelia ay mabuti at mapagpatawad, pinagkatiwalaan ka nya ng labis ngunit itinulak mo sya sa lawa nang siya ay nagdadalangtao. Ang iyong kasamaan ay nakakasuka.!!"

Katahimikan ang naghari sa pagitan nila at tanging ang patak lamang ng ulan ang madidinig.

"Maswerte ka na napangasawa mo ako, yan ang sabi mo sa akin noon" tugon nya sa mahinang boses

"Naniwala ka? Isa lamang iyong kasinungalingan." sya ay nagulantang sa narining at nagsimulang tumulo ang kanyang luha.

Pagkaraan tumingin sya sa kawalan at malakas siyang tumawa na tila ba tuluyan nang nawala sa katinuan.

"Hmm. haha! Hahahahaha! Nakatutuwang buhay! Sobrang nakakatuwa!!! Hindi ko inasahan na ganito ang magiging wakas ng lahat. Ipinagsawalang bahala ko ang pagtutol ng aking ama na makipag isang dibdib ako sa iyo. Sapagkat inakala kong napakahirap para sa iyo ang lumaking magisa rito ng wala ang iyong ina. At ang iyong kapatid ay tinitignan ka na tulad ng isang mabangis na tigre na handang pumatay para lamang makuha ang trono mula sa iyo. Tanging ikaw ang nag iisa at walang sinumang maaasahan. Inakala kong mararamdaman mo ang kaligtasan sa pangangalaga ng aking angkan. Ngunit ang kinalabasan, ay hindi mo pala ginusto ang lahat ng mga bagay na ito."

Ibinalik niya ang tingin rito na puno ng sakit at galit.

"Sinabi mong ako'y masama at walanag awa, iyon ay sapagkat hindi mo pa nadarama ang selos at inggit para sa iba at hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng isang taong nasasaktan dahil sa pagibig."

"Batid ko ang bawat kamaliang nagawa ko, ngunit ano ang nagawa ng aking ama upang gawin mo ito sa kanya!? Inilaan niya ang kanyang buong buhay upang magprotekta sa kahariang ito. Ibinigay nya ang kanyang sarili para rito. Naging matapat sya sa inyong pamilya. Paano mo ito nagawa sa kanya? Paano mo ito nagawa?"

"Si Alexis ay may malaking bilang ng mga kawal sa hilagang hangganan. Kinailangan kong kitlin ang kanyang buhay."

Sabay sa pagbuhos ng ulan ay walang tigil rin ang pagtulo ng kanyang luha

"Kung gayon ay--. Iyon ang tunay na dahilan-- kung gayon----- ay ganito ka mamuno.?"

Puno ng sakit at pighating tinanaw nya ang kanyang ama at kapatid.

"Ama! Kapatid ko! Patawarin niyo ako! Ngayon ay makakapiling nyo na ako."

Sa susunod kong buhay, nais kong makasama kayong muli at maging pamilya ninyo.

Nang magkagayon ay inilabas nya ang punyal mula sa kanyang kasuotan at buong lakas na itinarak ito sa kanyang puso na syang ikinabigla ng Emperador. Tiningala nya ang Emperador nang walang kahit na anong emosyong makikita sa kanyang mukha.

"Eramiel, kung akoy--- mabubuhay sa ikatlong pagkakataon---- hindi ko na nais pang---- makilala---- at mahalin kang---- muli."

Bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman ay pinakawalan nya ang isang ngiting matagal nang hindi nasilayan ng Emperador.

Bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman ay pinakawalan nya ang isang ngiting matagal nang hindi nasilayan ng Emperador

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gubat at disyerto ay may hangganan,

Ngunit ang iyong panlalait sakin ay wala.

Mga batang naglalaro ng magkasama,

Masayang nagbibiruan

Batang lalaki ay nangako,

Ngunit hindi tumupad

Takot na makulong muli sa sakit na ito,

Kung kayat sa aking puso ay akin na lamang buburahin.

Pagsisisi at panghihinayang sa puso ay alisin,

Kayat panibagong buhay iyong ibigay.

******************

The Phoenix's MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon