Chapter 5

13 1 0
                                    

Sa gitna ng kawalan, ipinalibot nya ang kanyang paningin ngunit wala siyang kahit na anong makita kayat nagsimulang makaramdam ng takot ang kanyang munting puso,

"K-kuya niel?." Sinubukan niyang tawagin ang ngalan ng kanyang kapatid, ngunit tila walang nakadidinig sa kanya.

Nagsimulang manubig ang kanyang mata at hindi nagtagal ay paunti unting pumatak ang kanyang luha na pilit pinapahid nang kanyang mumunting kamay, "k-ku--k-kuya." Muli ay tawag niya rito.

"Alana, mahal ko" nang madinig nyang may tumawag sa ngalan niya mula sa likuran ay nilingon niya ito, doon nakita niya ang imahe nang kanyan ina. Nakaramdam siya nang galak sa isiping hindi na siya nag iisa.

"Ina!" Sigaw niya at saka mabilis na tumakbo palapit rito upang yakapin ito ng mahigpit.

Lumuhod ito upang makapantay siya at saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya "Alana anak, ito lamang ang maaari kong iwan sayo, pakaingatan mo ito mahal ko, pakatatandaan mo-----"

"KAmahalan, oras na para sa inyong aga-- KAMAHALAN!!" Nagmamadaling lumapit si Luela kay Alana upang pigilan ito sa ginagawang pag untog ng ulo sa lamesita na nasa harap nito. "Bakit mo ba sinasaktan ang iyong sarili? Hindi ito makabubuti sa iyo"

Nag-angat siya nang tingin rito at pinakatitigan ito. " Luela, sa wari ko ay may nakaligtaan akong napaka importanteng bagay"

Masuyo siya nito hinawakan sa balikat at sinigurong walang anumang galos o sugat sa noo bago siya tinignan. "kung ano man iyon ay hindi mo kinakailangan pa na saktan ang iyong sarili, sa tamang oras ay maaalala mong muli iyon aking kamahalan."

Inalis niya ang kamay nito at saka siya tumingin sa bintana, habang si Luela naman ay iniayos sa hapag ang kanyang almusal, "naipadala mo naba ang sulat para sa aking kapatid?"

"Opo kamahalan, siguradong matutuwa ang mahal na prinsepe kapag napagalaman niyang sumulat ka." Masayang turan naman nito.

"Sa mga oras na ito ay nasisiguro kong nasa mga kamay mo na ito ni Eramiel, ngunit patawad sapagkat ang taong nagpahiwatig lamang nito ang makaaalam ng tunay na nilalaman nito."

"Alana, pakatatandaan mo ito, na kapag kasal kana at ninais mong lumisan sa Zarahemla ay magpadala ka ng sulat saakin na nagsasabing naaalala mo ang punong mangga sa bakuran ng iyong silid." Paliwanag sa kanya ng kanyan kapatid na ikinatawa naman niya.

"Kuya naman, hindi pa ako nakikipag isang dibdib ay ninanais mo na agad na akoy lumisan, kapatid ba talaga kita? haha" ang maamong muka nito ay biglang naging seryoso.

Hinawakan siya nito sabalikat at marahang niyugyog. "Sinasabi ko ito sapagkat ako'y tunay na kapatid mo."

"KAmahalan, narito napo ang mga sulat na kinakailangang ipadala sa bawat kaharian ng iyong imperyo." Paliwanag ng tagasilbi kay Eramiel na hindi kakikitaan ng ano mang emosyon.

Inisa isa niya iyon at nang makita ang ngalan ng Emperatris ay kinuha niya iyon at inihagis sa tagapaglingkod.

"Basahin mo." Utos niya rito. Tumango ito at kinuha ang sulat bago binuksan.

"Mahal kong kapatid, kamusta kayo ni Ama? Nawa ay nasa maayos kayong kalagayan ngayon. Panibagong taon na naman ang nag daan at si Ama ay patanda na ng patanda. Ipagpatawad mo kung akoy wala riyan sa kanyang tabi upang siya ay alagaan. Sa tuwina ay naaalala ko ang puno nang mangga na malapit sa aking silid, kay tamis ng bunga nito at ako'y nasasabik na muling matikman uli ito. Pakiusap, parati kayong magiingat ni ama, ikaw na ang bahala sa kanya. Ang inyong kamahalan ay nasa maayos na kalagayan, nawa ay kayo rin." Nang matapos ito sa pagbabasa ay tumingin sa kanya.

"Ipadala na ang mga sulat" utos niya rito at saka ipinagpatuloy ang kanyang gawain.

"Siya nga pala kamahalan, ipinaanunsyo ng mahal na Emperatris na hindi mabuti ang kanyang---" nang mapansin ng tagapaglingkod ang madilim niyang ekspresyon ay itinigil nito ang nais sabihin at sinunod na lamang ang ipinag uutos nito.

"LUELA, sa tingin mo ba ay naaalala pa ako nang aking kapatid?" Bigla ay tanong niya sa tagapag lingkod habang malungkot na nakatanaw sa bintana.

"Oo naman kamahalan, pinakaiingatan ka ng mahal na prinsepe, kayat alam kong hindi ka nila nakakaligtaan" nakangiting sagot nito sa kanya.

"Sa tingin ko ay hindi na, napakalaki ng kasalanang ginawa ko sa kanila, sinuway ko ang utos nila. Siguro ay hindi na nila ako mapapatawad." Malungkot na turan niya.

Lumapit sa kanya si Luela at umupo sa harapan niya, saka nito pinunasan ang luha sa kanyang mata na hindi niya namalayan ang pagtulo.

"Kamahalan, ang iyo bang akala ay napakababaw ng pagmamahal sayo ng iyong ama at kapatid? Sa akin ay hindi, kung iyong naaalala, nang mga bata pa tayo ay iyong nakaalitan ang bunsong anak ng punong ministro sa ating kaharian, umuwi ka na may galos, natatandaan mo ba ang ginawa ng mahal na prinsepe?" Napangiti siya at tumango nang maalala ang pangyayaring iyon.

"Agad na nakipagtagpo ang prinsepe sa ginoo at ginantihan ito, mula non ay hindi na matagalan ng ginoo ang iyong prisensya na sa tuwing matatanaw ka pa lamang niya ay kumakaripas na siya ng takbo. Naparusahan man si prinsepe Ananiel nang inyong ama sa kamaliang nagawa nya ay hindi naman niya ito ininda at nginitian ka pa rin" tuloy tuloy na tumulo ang luha sa kanyang mga mata sa kanyang mga narinig.

Tama si Luela, hindi ganon kababaw ang pagmamahal nang kanyang kapatid para sa kanya. Nagagawa nitong sumuway sa batas nang kanilang kaharian para lamang maproteksyunan siya.

"Napakahangal ko upang lisanin sila at magtungo sa lugar na ito na napakalayo mula sa aking tahanan, upang magpakasal sa napakadilim at napakalamig na Imperyong ito." Tumalikod siya rito at bumalik sa pagtanaw sa bintana.

"Aking kamahalan, narito pa ako, paglilingkuran kita at poprotektahan na gaya ng sa Heneral at prinsepe at hindi ko hahayaang apihin ka ninoman." Paliwanag nito sa kanya.

"Mo! Wag!" Naalala niya kung paano ito namatay sa libro. Unti unti ay nakukuha na nya ang lahat ng alaala ni Alana. Napayuko siya nang pumasok ito sa alala niya na tila ba nangyari kaylan lamang. "Alam ko"

Humarap siya rito at masuyo itong niyakap. "Luela, sandaling panahon na lamang ay aalis na tayo rito."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na muli pang gagawin ang pagkakamaling nagawa ko noon, hindi ko na hahayaang may masaktan pa ni isa sa inyong lahat.

******************

The Phoenix's MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon