Chapter 4

12 1 0
                                    

Ang masamang tingin ni Noela kay Amelia napawi din pagkaraan ng ilang sandali at nakangiti itong bumaling sa kanya "Kamahalan, hindi mo na kinakailangan gawin yon, ang bagay na ito ay isang napakaliit na suliranin lamang, gaya nga nang iyong turan ay isa akong respetadong Konsorte ng Emperador, kayat napag isip isip kong palipasin na lamang ang pangyayaring ito." Nakangiting turan nito ngunit mababanaag ang hindi pagsangayon sa nais niyang maganap.

"Kung gayon ay maaari na kayong lumisan, maari nyo nang iwan ang alipin upang maipagpatuloy nito ang kanyang gawain, at isa pa ay nais ko ring mapag isa sa hardin na ito." Simpleng pagtataboy niya rito. Muli ay bahagyang yumukod ito tanda ng pamamaalam. Patalikod na sana siya nang bigla nitong pukawin ang atensyon niya.

"Siya nga pala kamahalan, nakarating sa akin ang balita na ipinag luto mo raw ng panghimagas at tsaa ang Emperador kahapon, ngunit hindi ka niya nagawang bisitahin nang araw na yaon sapagkat nasaakin ang kanyang atensyon, ako ba ay sisisihin ng kamahalan sa bagay na ito?" Turan nito na may himig ng panunuya.

Lihim syang napa sampal sa kanyang noo sa isip niya. What is she thinking provoking my anger? It is no wonder Alana started her plots against this woman. Mahina siyang umismid bago hinarap ito at tinaasan ng kilay.

"Ano ang nais mong ipakahulugan sa iyong itinuran? Isang mabuting bagay na masaya ang Emperador sa piling mo, hindi mahalaga kung sino ang kasama niya sa mga sandaling iyon, ang kapakanan ng Emperador ang dapat nating inaalala, hindi ang iba pa," napansin nya ang pagkagulat nito sa mga saliyang binitiwan nya, dala ng hiya ay yumukod muli ito.

"Paumanhin kamahalan, kung gayon ay hindi na kita gagambalain pa."

Paalam nito at saka lumisan.
Napabuntong hininga naman sya saka lumingon pabalik kay Amelia na ngayon ay nakaluhod pa din.

"Maraming salamat sa iyong kabutihan kamahalan,"

"Alipin, sabihin mo sa akin, ano ang iyong ngalan?" Tanong niya rito.

"Kilala ako sa ngalan na Lia kamahalan ngunit ang aking tunay na ngalan ay Amelia."

Bahagya nyang ibinaba ang katawan rito saka hinawakan ito sa baba upang makita nya ito ng mukhaan. Nang tumingin ito sa kanya ay bahagyang sumakit ang kanyang ulo at tila ba isa isang nanumbalik ang bawat panaginip nya. This dreams, it isn't a dream at all, it's a memory, Alana's memory of her past lives. And I am able to regain it since I came to possess her body. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ako? Totoo kaya ang sinasabi ni lola na ako ang reincarnation ni Alana?

Bahagya nyang ipinilig ang ulo at ngumiti kay Amelia.

"Kay gandang ngalan, nababagay sa isang magandang dilag na gaya mo, simula ngayon ay nais kong iyon na ang ngalan na iyong gagamitin,"

"Masusunod po kamahalan."

"Kung iyong nanaisin ay maaari muna kitang ilipat sa ibang lugar, kilala ko ang Konsorte Noela, sa ngayon ay pinalampas nya ang bagay na ito sapagkat narito ako, ngunit nasisiguro kong siya ay magbabalik upang pagbayarin ka. Kung kayat nais kong masiguro ang iyong kaligtasan."

Tila naluluha itong muling yumukod sa kanya at nagpasalamat
"Maraming salamat kamahalan, hinding hindi ko malilimutan ang iyong kabutihan. Tatanawin ko itong isang napakalaking bagay hanggang sa aking kamatayan"

Nang magkagayon ay umayos siya ng tayo at nagsimulang lumakad palayo. Naging malupit ka kay Alana Eramiel, ngunit tama ka nang sabihin mong napakabuti at napaka maunawain si Amelia, sa kabila ng mga nagawa sa kanya ni Alana ay patuloy nya pa rin itong pinatawad. Sa ngayon ay nais ko munang huwag kayong paglapitin ni Eramiel, ngunit huwag kang mag alala, ako mismo ang gagawa ng paraan upang makuha mo ang puso ni Eramiel, maging ang aking posisyon ay buong puso kong ipagkakaloob sa iyo.

MABAGAL ngunit kakikitaan nang otoridad ang lakad ni Eramiel patungo sa hardin ng Zariya, nais niyang makalanghap nang sariwang hangin kahit sandali bago bumalik sa kanyang mga gawain bilang Emperador.

"Kamahalan" walang emosyon na napabaling sya sa nagsalita at nagtaka sya ng makita ang tagapag lingkod ng Emperatris.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay nasa tabi ka ng Emperatris?" Tanong nya rito at lihim na ipinalibot ang kanyang tingin kung kasama ba nito si Alana.

"Patawad kamahalan, tunay nga na akoy nararapat na parating nasa tabi lamang ng Emperatris ngunit habang siya ay namamasyal sa hardin ng Zariya ay nakaramdam siya ng lamig kung kayat inatasan niya akong kumuha ng kasuotang panlamig"

"Kung gayon ay lumisan kana at sundin ang ipinag uutos ng Emperatris" malamig na turan niya dito.

"Masusunod kamahalan" nang magkagayon ay lumisan na ito. Siya naman ay napahugot na lamang ng malalim na buntong hininga sapagkat mukang hindi matutuloy ang ninanais niyang paglanghap ng sariwang hangin. Makaraan ang ilang sandali ay napagpasyahan niyang magbalik na lamang sa kanyang tanggapan at ipagpatuloy ang kanyang mga gawain.

TAHIMIK lamang na naglalakad si Alana at tumitingin sa paligid nang matanaw niya si Luela. Unti unti ay pumapasok sa kanyang isipan ang bawat ala-alang mayroon si Alana. Isa si Luela sa pinaka iingatan nito. Tunay na matapat na tagapaglingkod si Luela kay Alana, nagawa nitong ialay ang kanyang buhay upang mailigtas lamang si Alana. Nakangiti itong lumapit sa kanya at bahagyang yumukod. "Aking kamahalan nagawa ko na ang ipinag uutos mo."

"Ano ang siyang naganap?"

"Gaya nang iyong ipinag utos ay nag kubli ako sa tarangkahan ng hardin, at nang marinig kong may paparating ay humantad ako at ipinaliwanag sa Emperador ang ipinag utos mo sa akin, at nang ako'y humayo na ay laking pagtataka ko nang lingunin ko ang Emperador na patungo sa lugar na kanyang pinagmulan."

Nag iwas siya ng tingin dito upang ikubli ang kanyang ngiti. Na inakala naman nitong nalungkot siya.

"K-kamahalan, marahil ay marami lamang gawain ang mahal na Emperador, kung iyong nais ay maaari natin siyang bisitahin sa kanyang silid tanggapan." Pagpapagaan nito sa loob niya na ikinatuwa naman niya.

"Luela, nais kong magtungo ka sa palasyo ng Alithi at ianunsyo sa tagapaglingkod ng Emperador na hindi mayos ang aking pakiramdaman." Utos niya dito at saka naglakad na pabalik sa kanyang palasyo. Ang kaharian ng Zarahemla ay binubuo nang iba't ibang palasyo ayon sa bilang ng mga kaharian. Sapagkat dito maninirahan ang bawat Konsorte ng Emperador, sa sentro ng bawat palasyo nakatayo ang pinakamalaking palasyo ng Alinthi na syang pinaninirahan ng Emperador. Sa paligid naman ng bawat palasyo ay ang iba pang tanggapan gaya ng silid ng mga babae ng Emperador, bulwagan ng pamahalaan, kulungan, mga hardin, pabelyon, at ang malamig na palasyo.

Eramiel, yaman din lamang na hindi mo nais na makita ako ay pagbibigyan kita sa bagay na ninanais mo.

**********************************
A/N: this is an update using my mobile so sorry for the typos. Also, I'm not that good in gammar, so.. sorry for the grammatical errors.😅😅😅

The Phoenix's MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon