Chapter 6

13 1 0
                                    

Lumingon sa paligid si Alana upang alamin kung may nakasunod ba sa kanya, sapagkat siya'y pumuslit lamang mula sa palasyo ng Lorenzo, at nang mapansing wala naman ay naupo siya sa gilid nang mangga na madalas niyang pagpahingahan at ipinagpatuloy ang pagbabasa nang kanyang paboritong libro.
"Mga bulaklak na namumukadkad,
Pinagliliwanag kanyang kagandahan.
Kung siya'y ikakasal,
Maging maligaya kaya siya sa piling ng kanyang katipan?
Dalagang nasa takdang edad---"

"Tonya! Hintayin mo ako!" Napatigil siya sa pagbabasa nang makarinig ng malakas na boses at similip siya sa kung sino man ito, nakita niya ang dalawang dalaga na tila nag uusap at may kasiyahan sa kanilang mga mata.

"Iyo nabang nabalitaan? Ang Emperador ay nagpadala nang isang prinsepe upang maghatid nang mga kagamitan pang militar."

"Oo! At akin na siyang nasilayan! Napaka gwapo niya.!"

"Sino.--- sino ang tinutukoy ninyo?" Bigla ay tanong niya sa mga ito nang makatayo mula sa kanyang lihim na pahingahan. Nagulat naman ang mga ito nang mapagsino siya ngunit kumalma din naman at ngumiti sa kanya bago bahagyang yumukod.

"Prinsesa, ito ay ang ikalawang prinsepe nang Zarahemla."

Iyon ang unang beses na makarinig ako nang patungkol sa kanya,

Ang unang beses ko siyang makita ay sa  unang bahagi nang tagsibol.

Ngunit ang lahat nang mga bulaklak,
Ay tila biglang namukadkad.

Pinakasalan ko sya,
Naging kanyang prinsesa at kanyang Emperatris,

Ang akala ko'y,
Mahal nya ako gaya nang ako sa kanya.

Ngunit,
Ito pala ay aking mga ilusyon lamang.

"Kamahalan, inutusan ako ng mahal na Emperador na dalhin ang gamot na ito rito, sa pag asang magiging mabuti kaagad ang iyong kalagayan."

"Ang iyong kamahalan ay may dinaramdam, ang Emperador ba ay hindi makakabisita kahit isang saglit?"

" kamahalan, masyadong maraming gawain ang mahal na Emperador, ikinalulungkot ko."

Minahal ko sya ngunit hindi niya ito sunuklian,

Kung kaya't ako'y namatay nang desperado.

Ngunit, akoy pinagkalooban ng isa pang pagkakataon.

"Sa buhay na ito, lahat ay gagawin ko maging akin ka lamang Eramiel."

" kamahalan! Patawarin nyo ako!"

"Aaahh! Ang aking anak! Hindi!!"

" Alana! Napakasama mo! Ang iyong wakas ay hindi magiging mabuti!"

Ginawa ko ang lahat upang alisin ang mga sagabal.

Ngunit ang wakas ay,

"Eramiel, kung akoy--- mabubuhay sa ikatlong pagkakataon---- hindi ko na nais pang---- makilala---- at mahalin kang---- muli."

Ayoko nang, mahalin kang muli.

Nagising si Alana mula sa kanyang panaginip, napahawak siya sa kanyang dibdib sapagkat nananakit iyon na tila ba ramdam parin niya ang pagtarak nang patalim sa kanyang puso.

Bakit ganito? Bakit tila ramdam ko ang sakit na nadarama ni Alana nang mga sandaling iyon?

Nagbangon siya at saka umupo hapag na may nakahanda nang pagkain pananghalian. Sa buong maghapon ay natulog lamang siya. Wala sa loob niya ang kumilos kaya't minabuti niyang manatili sa kanyang silid nang araw na iyon.

The Phoenix's MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon