Chapter 7

8 0 0
                                    


Madilim na sa labas ngunit napakaliwanag pa rin nang kanyang silid aklatan sapagkat abala pa rin si Eramiel sa mga pagsusuri nang mga panukala mula sa ibat ibang kaharian, habang siya naman ay maingat na ginigiling ang tableta nang tinta, nakikiramdam at nag-iisip.

Eramiel, ano kaya ang iniisip mo, patungkol sa akin at sa aking angkan sa mga oras na ito? Sa aking unang buhay ay hindi ganoon kalalim ang ating pagsasama ngunit hindi mo ako trinato ng masama ni minsan. At sa aking pangalawang buhay ay pinaslang mo ang aking ama gayon din ang aking kapatid. Ang lahat ba nang iyong kilos ay maiuugnay sa aking pagbabago gaya nang iwinika mo?

Gayon pa man, ayoko nang magkaroon nang kahit na anong ugnayan sa iyo sapagkat ako ay labis nang nagdusa sa  aking dalawang buhay. Sa buhay kong ito naman, ang tanging nais ko na lamang ay mabuhay nang payapa ang aking ama at kapatid. Kailangan kong umiwas sa mga kaguluhan rito, upang makabalik ako sa Kaharian nang Lorenzo sa lalong madaling panahon.

Kung ako'y hindi makatatanggap nang anumang mensahe mula sa aking kapatid ay susubukan ko ang aking pagkakataon sa magaganap na paglalakbay tatlung buwan mula ngayon.

Ilang sandali pa nang kanyang pag iisip ay nakaramdam na siya nang kaunting antok na naging dahilan nang kanyang pagtigil sa paggiling nang tinta para sa Emperador at agad naman nitong napansin iyon.

"Maaari kanang magtungo sa silid kung ikaw ay pagod na." walang emosyong tugon nito na hindi man lamang siya nilingon at patuloy pa rin sa ginagawa nito. Na syang  ikinagising naman nang kanyang diwa. Bahagya siyang ngumiti rito bago sumagot.

"Kamahalan, ikaw ay masyadong abala sa iyong tungkulin sa iyong Imperyo. Hindi kita dapat na ginagambala, ipagpatawad mo ang aking kapangahasan."

Bahagya namang napatigil si Eramiel sa kanyang isinusulat.

"kung gayon, ako ay lilisan na kamahalan." yumukod siya rito bago tuluyang tumayo at walang lingong likod na nilisan ang kanyang silid aklatan. Hindi na niya natanaw ang pagtataka at gulat na ekspresyon ng Emperador sa kanyang ikinilos.

Alana paano mo siya pinag isipan bilang isang  matalinong Emperador na masigasig sa politika at nagmamahal sa kanyang Imperyo. Sadyang ayaw lamang niyang magkaroon nang ugnayan sa iyo. Napakalaki mong hangal, hindi ka na dapat pang nagpupuyat sa gabi para lamang masamahan siya. Nahihibang kana ba?

"Magiingat ka kamahalan." napalingon siya sa nagsalita at bahagyang nakaramdam nang takot nang mapagsino ito. 

Biglang pumasok sa kanyang isipan ang kanyang imahe nang tinatakpan nito ang kanyang bibig upang hindi makapagsalita sa loob ng selda noon. Sa kabila nang takot niya ay nagawa pa rin niyang ngitian ito.

"Ginoong Mateo, pakiusap, ingatan mo ang kamahalan, sapagkat siyay abala sa kanyang tungkulin sa Imperyo mapa araw man o gabi."

"Kamahalan, isang karangalan para sa akin na mapaglingkuran ang mahal na Emperador." sagot nito sa kanya habang nakayukod pa din. Hindi na niya ito sinagot at tumalikod na saka inalis ang pekeng ngiti para dito at tumuloy na sa kanyang silid.


ILANG oras pa ang inilagi ni Eramiel sa kanyang gawain bago siya nilapitan nang kanyang tagapaglingkod. "Kamahalan, masyado nang malalim ang gabi, pakiusap kinakailangan mo nang magpahinga."

Hindi naman na sya nangpapigil pa at tumayo na upang magtungo sa silid nang Emperatris. Ngunit hindi niya inasahan ang mabubungaran sa mga oras na yaon. 

Malalim na ang tulog ng Emperatris at bahagya itong lumilikha nang ingay sa pagtulog, nakaunat rin ang mga paa at kamay nito at sakop ang buong higaan. tumalikod siya upang lumisan na nang mapagpasyahan niyang bumalik at iniayos ang kumot nito sa katawan bago tuluyang lumisan patungo sa kanyang palasyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Phoenix's MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon