Narinig kong may sumigaw, sa sobrang pag iyak at pag sabunot sakin ni Ashley biglang nag dilim ang paligid ko at unti unting lumabo yung paningin ko.
Ashley's POV
Walang hiya tong babaeng to nilalandi ang future asawa ko!!!
"Tama lang sayo to! Malandi kang babae ka!!!" ang nanggigigil kong sigaw sakanya.
Walang pwedeng umagaw kay Drake akin lang sya! akin lang!
Habang sinasabunutan ko sya may sumigaw na lalaki.
"Hoy Ashley anong ginagawa mo kay Clariss!!!" napalingon ako sa pinanggalinagan ng boses at nakita ko si...Clein?
So ngayon pinagtatanggol nya narin tong babaeng to?!
"Wag ka ngang mangialam samin Clein! Mind your own bussiness!!!" ang sigaw ko sakanya.
Lumapit samin si Clein at hinatak ako papalayo kay Clariss.
"Ano bang ginagawa mo Ash! nasasaktan mo si Clariss sa ginagawa mo!"
"Bakit concern ka?! wag ka ngang mangialam, problema namin toh!"
Ang sagot ko sakanya, hindi ako pinansin ni Clein at pinuntahan si Clariss. Hindi ko napansin na hinimatay pala sya ganon ba kalakas yung sabunot ko?
"Clariss gising huy! wag ka mag joke ng ganyan huy gising! ano ba Clariss hindi to nakakatuwa ah!!!!" ang naiiritang sinabi ni Clein, kahit anong gawin nya ay hindi parin nagising si Clariss.
Kinabahan ako kaya naman tumakbo ako papalayo.
Clariss Pov
"Anak miss nakita kaylan ka ba gigising? naghihintay lang kami palagi sayo."
Nagising ako bigla dahil sa narinig kong boses. Ano yun ang weird?
Nang tumingin ako sa paligid nakita kong nasa Clinic ako ng school, nakakaramdam parin ako ng sakit ng ulo at katawan. Grabe naman kasi si Ashleye sakin....
Ay teka.....sinong nagdala sakin dito?????
"Oh gising kana pala Clariss.." ang pag salubong na bati ni....Clein sakin?!?!?
Napakunot ang dalawa kong kilay, napansin ata to ni Clein, tumawa syang bigla at nag salita "Ayyy naki-nakita ko kasi ka-kayo ni Ashley kanina ano kaya-ayun ano nahimatay ka kasi kaya ano dinala kita dito.." habang sinasabi nya yun saakin nauutal at hindi aya nakatingin saakin.
"Ahhh ganon ba...Salamat ha!" ang masigla kong sinabi. Napatingin sakin at.......ngumiti syaaaa!!!
"Hahaha wala yun!" ang masigla niyang sinabi.Omagashh Clariss!!! nginitian ka ni Clein John Contiz!!!!! Bati na ba kami?!
"Don't get me wrong ha?! hindi patayo bati...." sabay pout...ahhhhh papatayin mo ko Clein tumigil ka "Natatandaan ko pa yung ginawa mo nung grade 7 tayo" sabay iwas ng tingin at pout ulit.Aishhh kinikilig ako sakanya!!! ano bayan Clein!!!
"Hindi ko naman...." napatigil ako sa pag sasalita dahil parang may nag flashback sakin ng sobrang bilis. Konti lang ang naalala ko, nakita ko ang isang babaeng masasagasaan ng truck ano yun?
"Ok kalang Clariss? Bakit nahinto ka?" halatang nag aalala si Clein pero ayokong umasa kaya hindi ko sabi ko ok lang ako.
Umuwi na ako dahil uwian na, ihahatid dapat ako ni Clein pero tinanggihan ko siya at nag thank you na lang ako.
Hindi parin ako maka move on sa nakita ko kanina ano yun? ang natatandaan ko wala naman akong nakitang taong nasagasaan dati. Bakit nag karoong ako ng flashback na ganon?
![](https://img.wattpad.com/cover/164290545-288-k925138.jpg)