Naubusan na si Maine ng santong lalapitan.
Kalahating oras na siyang nasa traffic, at sampung minuto na lang magsisimula na ang meeting para sa pinakamalaking project na hahawakan niya. At siya, nasa kalagitnaan pa rin ng kalsada, halos isumpa lahat ng bagay na naisip niyang isumpa.
Isama na 'dun yung kamalasan niya as a person.
Kung bakit ba kasi dumaan pa siya ng coffee shop bago pumasok.
It's a nice day, she thought. Maaga pa naman, she thought.
She tot she tot she tot. Tapos yung kape na inorder niya, tumapon sa bitbit na damit ng nasa likod niya. Halos hindi siya magkamayaw kung pano makikipag-areglo. Pumayag naman na bayaran na lang—si Maine na 'yung sumagot ng binili niyang apat na grande ng kape. Sa boss daw niya yung damit, pero sabi nung lalaki maiirita lang daw boss niya pero di naman daw siya ipapakulam.
At least.
Kaso, ang kapalit naman, na-stuck na siya sa traffic. Hindi na rin siya makakapag-maniobre sa gitna ng kalsada. She's stuck.
Rolling down her window, Maine peeked her head out of the car, craning her neck and slamming her fist on her car's horn repeatedly. Mainit na nga, mainit pa ulo niya, at mukhang di siya balak santuhin ng EDSA.
Nagbaba din ng bintana yung katabi niyang sasakyan. Napasilip din sa labas.
"Pambihira!" bulalas ng ale sa katabing sasakyan. "Ngayong araw pa talaga sila nagshooting diyan?"
"Shooting? May barilan po?"
Kumurap ang ale at natawa. "Hindi, iha. Shooting. As in, palabas. Nagshoshooting sila ng palabas!"
"Ah! Hahahahaha!" napailing na lang si Maine sa sarili. "Gutom po ata 'to. Salamat po!"
Dahil pakiramdam niya namumula ang mukha niya hindi lang dahil sa init, ipinasok niya na lang ulit ang ulo sa loob ng sasakyan at sinara ang bintana. Saktong nag-ring ang cellphone niya na nasa dashboard. Inipit ni Maine ang earpiece sa tenga at sinagot ang tawag. "Hi, Mendoza speaking."
"Hi Ms. Maine! Si Charlie po ito, assistant ni Sir Romero. Apologies daw po ma'am, kaso nagpatawag ng emergency meeting 'yung executives and hindi siya pinayagan mag-skip. Okay lang daw po ba na ilipat yung meeting ng after lunch? Would you be free by then?"
"Oh my god! That's actually great news, Charlie! Kanina pa ko stuck sa traffic and I was worried I won't make it on time. Yes, I'm still free after lunch. I'll really make sure to get there on time."
"Okay po," humagikhik si Charlie. "Thank you for understanding. I'll see you later!"
"Yes, see you later! Salamat din sa abiso! Bye!"
"Bye!"
Maine hissed in victory after the call was cut. The day started off bad pero mahal pa rin talaga siya ng Diyos at 'di siya pinapabayaan.
It was only 10AM. Now suddenly with a lot more time than she expected, she relaxed against her seat and moved accordingly. Inch by inch pa rin ang move ng sasakyan. Maine tapped her fingers against the steering wheel and glanced around.
And then she heard a tap on her window.
Ibinaba niya ang bintana sa passenger's side at nangiti nang malaman kung sino ang nasa labas. "Sheena!"
"Maine! Sabi ko na ikaw 'yan eh!" Nilipat niya ang hawak na box ng donuts sa kabilang kamay. Actually, Maine realized, hindi lang box ng donuts 'yun. Mga apat na boxes din 'yun. "Papunta kang studio?"
BINABASA MO ANG
Stars & Strangers
FanfictionJay Richards is a man born and bred in the world of shining stars. As such, the lights don't blind him-at least, not anymore. So Maine knew that he was a far reach. Suntok sa buwan, ika nga. But would that stop her from having him star in her show? ...