VII:The Annual Battle Part III

16 2 0
                                    

**

*GEORGINA*

I'm not used in this kind of situation pero pinanatili ko ang composure ko. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob lalo nat Alam Kong buhay namin ang nakasalalay sa labang ito.

As I whip my Flail, ginamit ko ang buong lakas ko hanggang sa mapatalsik ang Sickle ng isang kalaban ko. Natamaan sya ng spike sa mukha kaya agad syang nawalan ng Malay. Mukhang mahihirapan kami dahil hanggang ngayon Hindi pa din napapabagsak ni Rocky yung kalaban nya. Hingal na sila pareho pero ni isa sa kanila Hindi sumusuko. Kahit na Whip lang hawak nung kalaban, mukhang may ibubuga sya pagdating sa pakikipaglaban.

"Jazz, Are you alright?" Bahagya akong umatras  para mapalapit Kay Jasmin, dehado sya sa kalaban nya dahil mas  malaki ng apat na beses ang hawak nitong Shears kaysa sa Crescent Moon na hawak nya.

"Okay lang ako ,George",

Muli naming hinarap ang mga kalaban namin,

Pasimple akong naglabas ng Shuriken at ibinato yun sa kalaban ko na tinamaan sa kaliwang hita. Simantala ko ang pagkakataong yun habang abala sya sa pagdaing. I forcefully smash her at tinamaan sya sa balikat. That made her fall on the ground. Kahit hiningal ako sa ginawa ko, dinaluhan ko si Jazz, pinagpapawisan na sya dahil sa lakas ng kalaban nya. Konti na lang matutusok na sya sa mata ng Shears ng kalaban. Buti na lang at nalapitan ko agad kaya pinatamaan ko sya ng Flail na hawak ko na iwinawasiwas ko ng pa-ekis.

Napatulala si Jasmin dahil dun. Nanlalaki ang mata habang nakatingin sa bangkay ng kalaban.

Naiintindihan ko sya, pero kailangan ko yun gawin.

" Jazz, get all the flags .. I'm sorry. Pero kailangan natin tong gawin para makasurvive tayo. ", pagkatapos Kong sabihin yun, tinilungan ko na si Rocky sa kalaban nya na agad din namin napabagsak. She was slit on her throats by Rocky's Scythe. Tahimik naman na kinuha ni Jazz yung mga flags kahit na nababakas sa kilos nya ang labis na takot. And I won't Blame her for that.

" Nahirapan ako Kay Mollie, nakalimutan ko. . member nga pala yan ng Gymnasts. Thanks George ",

" Kilala mo yung kalaban mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo, sya yung nambully sa cousin ko na nagpakamatay dahil pinahiya nya sa buong gymnasts class. Serves her right. Nabigyan na din ng hustisya ang pagkamatay ni Renren. ", napailing na lang ako tapos nagpatuloy na din kami sa paglalakad.

Maririnig sa buong gubat ang ingay ng mga metal na nagsasalpukan.

Tahimik pa din si Jazz habang naglalakad kami. May mga panaka-nakang sumusugod pero ilang minuto lang din ang tinatagal at napapabagsak din namin agad. Mabuti na lang maliwanag ang buwan kaya Hindi kami nahihirapan na makipaglaban. Nagkikislapan ang mga patalim kapag natatamaan ng sikat ng buwan. Tahimik pa din si Jazz habang kinukuha yung mga flags ng kalaban na napapaslang namin.
Aminado akong ito ang unang beses na nakapatay ako at Hindi ko iyon pinagsisisihan. Alam kong Mali pero kailangan.

Hindi bababa sa dalawampu ang nakalaban namin at Madami na kaming naiipon na flag. Napatingin ako sa wrist watch ko. 2:13 am.. Ilang oras na lang matatapos na ang Bait Corpse Annual Battle. Patuloy lang kami sa paglalakad ng makasalubong kami ng dalawang babaeng mukhang tindig palang ay may ibubuga na. May hawak na Polearms yung babaeng nakabraid ang buhok at Sai  naman dun sa babaeng naka-pigtail. Mukha silang kambal sa unang tingin pero mahahalata din na magkaiba ang hitsura nila.

"Jazz, stay beside us", lumingon ako sa likuran ko pero Hindi ko nakita si Jasmin, bigla akong kinabahan at ibinaling ko ang tingin Kay Rocky na tila nagulat din ng makitang Hindi na namin kasama si Jasmin.

Suicide ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon