XIX:Secrets has been Revealed

7 2 0
                                    

***ROCKY***

I was shocked about the declaration of Infinity War. But I had realized that everything is possible in this Island.

Kung noon nagagawa  ko pang idaan sa kalokohan lahat ng bagay, sa tingin ko , Hindi ko kayang gawin ngayon. This is a Serious Matter at dapat lang na mag-seryoso ako. Its a battle between life and death at na-realized Kong mahal ko pa pala ang buhay ko. Na may mga tunay pa Kong kaibigan na babalikan sakaling makalabas ako ng buhay sa islang  ito.

"Hey, Rocky.. Ang lalim naman yata ng iniisip mo", nakangisi lang si Hillary habang nakatingin sakin. Kahit na nababalot ng dugo ang suot nya, she still look gorgeous and Calm. Mukhang inaasahan nya din ang nangyayare ngayon.

" I was just thinking if there's no Suicide Island existing in this world, sa tingin mo ba mag-kukrus pa din ang lahat natin ?", biglang sumeryoso ang expression ng mukha nya. Hindi ko alam kung para sa kanya may laman yung sinabi ko , dahil aware naman ako na isa sya sa pinaghihinalaang traydor sa Crimson Harbor.

Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago sya nagsalita.

"If there's a chance that our paths will cross.. I'll hope that it turned out right. Sa pagkakataong yun… gusto ko nang itama lahat. What's happening right now is a fate and I don't have the strength to control it myself. May mga oras na dapat nating ipagpatuloy kung anong nasimulan. Maraming masasaktan pero mahirap pigilan ang damdamin, Rocky , I had chose my own path at Hindi yun sa yapak na gusto nyong  sundan",

Napatigil ako sa paghakbang. Itinuon ko ang atensyon sa kanya na tumigil din sa paghakbang at tumingin din sakin.
Halo-halong emosyon ang nakita ko sa mata nya. Lungkot, Takot, Pagkalito , Galak at pagkasabik.

" What are you trying to say.. Hill.. Hindi ka naman ganyan ka-drama... What I had said earlier was just a random question. Nasan na yung pagiging Fierceful mo?",

Nagpatuloy sya sa paglalakad bago muling nagsalita.
"I told you before not to trust people in this island and that includes me. But if we are not in this situation maybe.. Just maybe ..you can trust me. ",

" Yan naman yata ang Hindi mo maiaalis sa vocabulary ko. Trust. I trust people in my own will kahit pa isa yun sa ikapapahamak ko, because I being trusted, Hillary. Isa yun sa mga dahilan kung bakit marami akong kaibigan. Maybe you should try it sometimes. Maging friendly, kasi ako na mismo magsasabi sayo, sobrang sarap sa pakiramdam.",

"Sa tingin mo kapag ginawa ko yun ngayon, I'll gain friends in an instance ? ",

" Of course, I'll be the first one.. Kahit pa napakasama ng ugali mo. . Mapagtyatyagaan na kita", tumawa ako nun , yung totoong tawa dahil totoo naman lahat ng sinabi ko. She laughed too. Yung tawang Hindi ko pa naririnig sa kanya mula nung makasama namin sya ni Georgina.

Pero agad dun yung naputol nung may biglang pumalakpak sa likuran namin. Humarap sa taong yun at pareho kaming nagulat.

She's from Crimson Harbor like us. May nakasabit na Ninjato sa  magkabilang bewang nya at gumagalaw iyon dahil sa pagpalakpak nya.

"What a nice scenery.  Between a Loyal and Traitor Members of Crimson harbor.", napalingon ako Kay Hillary.  Sa pagkakataong yun, bakas na ang pagkabahala sa maganda niyang mukha. Nakahawak na sya sa Ninjato na nakasabit din sa bewang nya.

" Aimee Castro.. What an unfortunate meeting with you",

"Hindi kaba naku-curious sa gustong ipahiwatig sayo ni Hillary ? Are you dumb or you're just being numb?", 

" Well, Aimee.. Sa tingin ko mas  na-curious ako sa unexpected entrance mo. Wala ka bang manners ? O sadyang walang nagturo sayo ? Hindi mo ba nakikita na ang saya saya namin dahil sa wakas.. Magkaibigan na kami ni Hillary. Tapos para ka jang kabuti na bigla na lang susulpot at sisirain yung momentum namin. KSP lang teh?",

Tumawa sya nun Pero parang nainis. Tch. Manigas ka.. Alam kong isa ka ding traydor.

"Nagpapatawa kaba , Rocky---",

" Don't call me Rocky… hindi tyo close ",

" Whatever... Si Hillary.. Wala ka man lang bang sasabihin sa kaibigan mo? O talagang nilamon kana ng friendship na pinaglalaban ng kasama mo? Wag mong sabihin na tatalikuran mo na yung kasunduan nyo ni Lucas Carson ",
Sukat sa narinig ay namutla si Hillary. I didnt that Lucas Carson.. Pero alam ko at tiwala ako na babaliktarin na ni Hillary ang sitwasyon.

"Why don't you speak for yourself instead ? Diba dapat nagkukwento ka din kung bakit Isa kang traydor ?", she was caught off guard. C'mon.. Wag ako ,Aimee Castro.. Bago mo tuluyang mailabas ang baho ng katabi  ko, uunahin Kong ilabas yang bulok mong pagkatao. Try me.

" Will you just shut your mouth ?",

"Bakit ko naman gagawin yun. If I know.. You just want to drag Hillary into your filthy plans.  Para nga naman hindi ka Loner diba ? And if Hillary did the same thing as you.. Pakikinggan ko yung reason nya kung bakit nya yun ginawa. IIntindihin ko sya kasi kaibigan ko sya. Yun ang benefits ng pagkakaibigan.. You'll understand what reasons it might be kaya kung gusto mong sumali.. Magregister ka na for free", tumawa ako nun ng malakas. Hindi ko naman inaasahan na susugod sya dahil sa pikon.

Swerte lang na Hindi ako natamaan dahil sinangga ni Hillary yung atake sakin ni Aimee.

" Magsama kayo! Bunch of stupid.. ",

Doon  na nag-umpisa ang pagpapalitan namin ng atake.
At Hindi ko maitatangging magaling sa pakikipaglaban si Aimee. Hindi namin yun inaasahan ni Hillary. Her hands were occupied by two Ninjatos but she can still throw shurikens.

Natamaan ako sa kanang hita pero Hindi ko yung ininda. Patuloy lang kami sa pagtutunggali ng bigla na lang tumigil sa paggalaw si Hillary.. Hindi ko alam kung bakit nasa  harap ko sya ay nakatalikod dahil umikot ako matapos Kong itulak yung Ninjato ni Aimee para magkalayo yung weapon namin. Pag tingin ko sa unahan, Aimee coughed too many blood.. I saw a small teardrops on her cheeks while staring at the Ninjato drilled inside her left chest.

Nanlaki ang mata ko dahil dun.. Hindi ko alam kung pano nangyare yun pero mas  nanlaki ako ng ma-realized na Hindi pa din gumagalaw si Hillary kahit na bumagsak na ang katawan ni Aimee sa lupa.

" Hillary?" Hinawakan ko ang balikat nya at iniharap sakin.

Para akong sinakluban ng langit at lupa ng makita kung bakit Hindi sya gumagalaw.

Nakabaon sa sikmura nya ang Ninjato ni Aimee.

"Hindi !!! Hillary.. Bakit.. Pano .. Hindi.. Hillary", Hindi ko alam ang gagawin ko . Sobrang nalilito.

" R-rocky…", she said in between coughing. ", Th-thank you.. F-for making me feel th-that you're m-my friend. So-sorry.. This i-is t-the least I-I c-can do---",

Nagsimulang bumagsak ang luha ko. I made friends with just a while tapos ngayin eto? Mang-iiwan agad sya ? Kung kailan  tanggap ko na yung kasamaan ng ugali nya?

" Hillary , wag kang mamamatay please ? Hold on.. Just hold on. Hihingi ako ng tulong", pero umiling  sya . a smile has started to form on his beautiful Lips while a small teardrops fell on her eyes. She closed her eyes and stopped on breathing.

"Hillary !!!!!!!",

Hindi ko na mapigilang isigaw.
Kung kelang handa na syang magbago at naging kaibigan ko pa .. Tsaka naman sya biglang kinuha. At sobrang sakit dahil nawalan agad ako ng kaibigan sa unang pagkakataon.

Hillary may be a bully but she's a good comrade after all.. My she rest in peace.

Sa Una at huling pagkakataon, niyakap ko sya ng mahigpit bago nilisan ang lugar na yun.

Nalagasan na kami ng isang kalaban at isang kaibigan.

***



Suicide ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon