XX: Everyone's Gone

5 1 0
                                    

***Georgina***

Hindi ko alam yung magiging reaction ko habang nakikitang nagwawala  si Jazz. She's not on herself anymore. Hindi sya yung Jazz na Kilala ko. Malayo-malayo sa babaeng puro takot ang emosyong pinapakita, laging nalilito at tulala.

She's not scared anymore. She became a monster.

"Georgina..",

" Seb…?",

"She calmed down.. Azrael calmed her downed",

" Seb… makatao pa ba to ? Kelan ba to matatapos ?", hinaplos nya ang pisngi ko bago ako kinabig at niyakap ng mahigpit. Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko ayos lang ang lahat. Walang Suicide Island, Walang Infinity War, walang Jasmin na nawawala sa sariling katinuan. Pero alam ko na kapag kumawala ako sa yakap ma yun, muling babalik ang takot at pagkabahalang lumalamon na sa buo Kong pagkatao.

"Everything will be fine. Everything.. ", he comforted me with all his might pero alam Kong lahat kami Hindi sigurado sa lahat ng kahihinatnan. Hangga't nandito kami at humihinga ang kalaban , Walang kasiguraduhan ang lahat.

Pansamantala kaming lumabas sa silid na yun at tanging  si Azrael at Jazz ang naiwan. Nakasalubong namin sa hallway papuntang grand hall si Rocky na duguan at namumugto ang mata. Something might happened at pakiramdam ko may pinagdadaanan sya.

Hindi naman ako nagkamali nung bigla nya kung niyakap ng mahigpit. She began to cry like no one is in that place except us two.

Sa maikling panahon na nagkasama at nagkakilala kami ni Rocky, Hindi sya yung tipong bigla na lang iiyak. She's a straightforward person, loves to joke around at walang kinatatakutan maliban sa mawalan  ng kaibigan.

" George…wala na sya.. Wala na si Hillary",

Napakunot ang noo ko dahil dun . Did she meant Hillary Dawson ? If I'm not mistaken , She's a traitor.. Pero bakit sya iniiyakan ni Rocky ?

"Care to tell me the whole story ?",

" Hillary saved me. Iniligtas nya ko Kay Aimee.. George wala na si Hillary.. ",

" but Hillary's a traitor..",

"Alam ko. . Hindi nya yun itinanggi nung sinabi yun ni Aimee.. George, Hillary is a nice person inside.. She's just a loner.. Hindi ko alam kung anong rason nya para traydorin ang faction natin pero naniniwala ako na magbabago sya. ", she answered in between sobbing.

I believed in her. She won't just say things like that  randomly. Alam Kong nasasaktan sya. At Hindi yun simpleng bagay lang para sa kanya. She lost a friend.

" Maybe God has a reason..Rocky.. You need to be strong.. We need you. . Jazz needs us ", kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako. Puno ng pagtataka ang mata nya kahit na nababakas pa din ang labis na lungkot.

" Anong nangyare? ", ikinuwento ko lahat sa kanya. Sa pagdating ng isang Cedric Silva, leader ng Raven Sanctum, Steven Policarpio, pagsasanib pwersa ng tatlong Faction,  sa pagkamatay ng isa pang traydor na si Crystal Bermudez, at hanggang sa pagwawala ni Jazz nang malaman  nya ang tunay nyang pagkatao.

" Hindi matatapos ang lahat ng ito hangga't humihinga yung taong dahilan kung bakit nagdudusa tayo ngayon ",

___________
***THIRD***

" Jasmin…", she just stared blankly at the man in front of her. Jasmin isn't in her normal state anymore. Muntik na syang makasakit kung Hindi lang sya napakalma ni Azrael.

Sa isang iglap lang, nagbago ang bawat isa sa kanila. For the first time in Azrael's life, nakaramdam sya ng takot at pagkabahala. Jacob and Georgina too. Its seems like their old self has gone.

Hanggang ngayon, patuloy pa din ang pagpatak ng luha sa mata ni Jasmin. Walang katapusan. Walang tigil. Kumalma na sya pero tumatak na sa isip nga ang sakit at galit. Nabalot na ng galit ang puso nya na dati ay puro takot lang ang nararamdaman.

"Papatayin ko sila", she kept saying to herself na para bang wala itong ibang nakikita kundi sarili lang.

Nagsimulang pumatak ang masaganang luha sa mata ni Azrael. Staring at the girl he treasured the most. She's gone.. Jasmin's Gone at Hindi nya alam kung pano ito ibabalik.

" Jasmin, please… come back!", his voice has cracked but he doesn't mind it.

"Papatayin ko sila",

" Come back to me !!!",

"Papatayin ko sila!!!!", marahas na tumayo si Jasmin. Hindi napaghandaan ni Azrael ang pagkilos nito.

" Jasmin!!!", Hindi nya alam kung pano nito nakuha ang Lunar Staff at ikinagulat nya ang sumunod nitong ikinilos ng subukan nya itong pigilan. She attacked him with out hesitation. Nag-iwan ng mahabang sugat sa kanang braso ni Azrael ang Lunar Staff na hawak ng dalaga bago ito Mabilis na lumabas ng silid.

Tinakasan ng tapang si Azrael pero agad din syang nakabawi at Mabilis na sinundan si Jasmin.

Nakasalubong nya si Steven na papasok na sana ng pinto. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkabigla.

"What happened? Nasan ang kapatid ko",  nakatingin ito sa sugat nyang dumudugo.

" Steve.. She got away.. Kailangan natin syang sundan", nauna na itong tumakbo na sinabayan naman ni Steven. Nakasalubong din nila sina Rocky, Georgina at Jacob sa daan na halatang nagtataka din sa kinikilos nila.

"Anong nangyayare ?", Hindi mapigilang tanong ni Georgina habang sinasabayan na din sila sa pagtakbo.

" What's with that wound , Azrael?",

Hindi lumingon si Azrael Kay Jacob.. Para itong walang narinig dahil deretso lang ang tingin nito sa dinaraanan.

Isang malakas na alingawngaw naman ang bumalot sa kabuuan ng Crimson Harbor Territory.

"Azrael…  turn right.. She goes in that way.. Hurry up.. Wala na si Jasmin .. Kailangan mo syang maibalik. ", Boses iyon ni Kate.. Na-access na nya ang signal ng satellite ng Suicide Island.

Mula sa lugar na nilikuan nila kung saan sila itinuro ni Kate, rinig ang daing  ng mga taong nalalapatan ng Lunar Staff ni Jasmin.

She did it. She didn't hesitate to do what she wasn't able to do that day when she arrived at the island.

The monster inside her has awaken. At Hindi  nila alam kung pano pa ito mapipigilan.

She's gone.. They're gone.. Everyone's gone...

" Jasmin !!!", umalingawngaw ang malakas na Boses Azrael. Panay ang tulo ng luha sa mata nya kasabay ng pagtulo ng masaganang dugo sa braso nya.

"Jasmin!!",

" Jazz !!!",

Pero Hindi sila nito pinakinggan.
Sa halip ay mas  binilisan ni Jasmin ang pagtakbo hanggang marating nya ang lugar kung saan alam nyang kinaluluklukan ng taong susi nya para maipaghiganti ang sariling INA.

"Papatayin kita !!!! ",

***

Suicide ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon