V: The Annual Battle

19 2 0
                                    

***

Jazz's POV

Dinama ko ang leeg ko kung saan may benda. Tinitigan ko din ang daliri Kong may bandage.

Halos Hindi ko na maramdaman yung sakit dahil siguro unti  unti nang nasasanay yung katawan ko.  Pero hanggang ngayon Hindi pa din nawawala yung pakiramdam ko na parang ginagapangan ng maliliit na langgam yung dibdib ko.

Nag-umpisa yun nung gamutin ni Master Azrael yung mga sugat ko na sya naman ang dahilan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung nararamdaman ko . Nawiwirdohan ako.

Napabuga ako ng hangin  bago tinungo ang pinto palabas ng silid ko. Mahigit isang linggo nako sa Leader's Den. Isang linggo na nya Kong Hindi pinapalabas sa Hindi ko malamang dahilan. Pinabigyan nya din ako ng panibago kasuotan na Hindi katulad ng nauna kaya mas  lalo akong nalito.

Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko ang Master na nakatayo at nasa  monitor lang ang atensyon. Naramdaman  nya sigurong  dumating ako kaya nagsalita sya.

"I'll be gone for a while. Don't you ever dare to do something that will make me kill you, got that ?"

Tumango lang ako nun tapos umalis na sya. Ito ang unang pagkakataon na iniwan nya ko sa Den.

Tinungo ko ang Mesa kung saan nakahanay ang nga deadly weapon na pinag-aaralan kung gamitin. Magulo pa ang mga ito dahil ginamit ko kaya sinimulan Kong ayusin kahit na Hindi ko masikmura ang mga nakakatakot na hitsura.

Nasa  gitna ako ng pag-aayos ng makarinig ng tunog na nagmumula sa mga speaker ng Monitor. Tumayo ako at tinungo ang ang harap nun. Napako ang tingin ko sa isang Monitor kung nasaan ang Grand Hall ng Crimson Harbor. Nakatayo sa pagitan ng dalawang mataas na hagdan ang Master, katabi nito ang right hand man nya na may takip din ang mukha at ang Faction Manager na si Kate Villarama.

"Bait Corpses, may mga pagbabago para sa nalalapit na Battle Between Factions. It will be 'The Bait Corpse Annual Battle. Ito ang kauna-unahang Annual Battle na gaganapin sa kasaysayan ng Suicide Island. Magsasama-sama ang lahat ng Bait Corpse ng bawat factions,  You are to fight for our flag. ",mula sa speaker ay narinig Kong sabi ni Kate habang tahimik lang na nakatayo ang master.

Bait Corpse Annual Battle.. Hindi talaga ako sang-ayon dun

Pinagkinggan Kong mabuti ang mga susunod pang sasabihin ni Kate.

" That will be held at Shadow Leaf. The legendary Deadly Forest in this island. You will be painted Yellow on your face to recognized each other. There are simple mechanics, kill those Bait Corpse that are not on our faction, get there flags and bring it on the Battle Arena. Remember Bait Corpses, dont let other factions snatch your flag. Other rules will be announce at the Arena next week before the battle starts so you better prepare. Dismissed!",

Suicide ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon