II: Crimson Harbor

33 2 0
                                    


***

"Jazz ?"

"H-Huh?"

Napalingon ako Kay Georgina.

"You're spacing out again. Don't you remember that we need to be on our Designated Faction before sunset? Ayaw mo na naman sigurong mamatay agad bago malaman ang kalakaran dito",

" h-huh o-oo.. Magka-faction ba tayo?" Nauutal Kong tanong dahil hanggang ngayon at Hindi pa din nawawala ang matinding kana sa dibdib ko.

Ang isipin na nasa  isa kaming  isla para pumatay, Hindi na ko mapalagay. Hindi ko nga kayang manakit ng pusa, yun pa kayang pumatay ng tao. Gusto Kong isipin na panaginip lang ang lahat.

"Yes we are, kaya Tara na. It's almost 5:00 pm. Kailangan nating mahanap ang Crimson Harbor",

Crimson Harbor. Yun ba ang pangalan ng faction namin ?

"P-pero pano tayo makakarating dun ?' May inabot syang mapa sakin na tinanggap ko naman at tiningnan kahit na Hindi ko naman maintindihan.

" Jazz, Get a hold of yourself. Hindi ka makakasurvive sa lugar na to kung laging lumilipad ang utak mo.",

Hinawakan nya ko sa kanang braso at hinila bago tuluyang naglakad. Napag-aralan nya na siguro yung mapa kaya parang  sigurado sya sa lahat ng dinadaan namin.

Akala ko pa nung una, Hindi namin mahahanap ang Faction na kinabibilangan namin. Habol ko na yung paghinga ko dahil sa haba ng nilakad namin pero nawala ang lahat ng pagod ko ng tumambad sa harap namin ang isang tila mansyon sa laki na bahay. Mukhang itong Ancestral house dahil lumang luma  na pero bakas ang katatagan at karangyaan. Ngayon lang ako makakapasok sa ganitong lugar, sa maling pagkakataon pa.

Sa taas ng malaking pinto , may naka-engrave na 'Crimson Harbor'.

"Welcome to Crimson Harbor", mahinang bigkas ni  Georgina bago ako hinila para pumasok.

Kahit kinakabahan ay sumunod naman ako sa kanya. Sa pagkakataong ito ay wala akong ibang makakapitan kundi sya. Wala akong ideya kung pano makakaligtas sa lugar na ito kung wala akong kilala. Kinapitan ako ng swerte ngayon dahil nakilala ko si Georgina.

Pigil ang paghinga ng mabuksan Niya ang higanteng pinto. Naestatwa ako sa kinatatayuan ng tumambad samin ang lahat ng nasa  loob na halatang hinihintay ang pagdating namin. Lahat sila ay naka-suit maliban sa ilan na mukhang katulad namin na kadarating lang din.

Halos mapuno ang buong hall pati na ang magkabilang hagdan na Hindi siguro bababa sa limampung baitang. Lahat sila ay nasa  amin ang atensyon.

"To complete the 25 newbies and part of the Bait Corpse, welcome to Crimson Harbor!", malakas na anunsyo ng isang babaeng Hindi ko namalayan na nasa  tabi na pala namin. Hiningi nya ang gatepass namin ni Georgina bago kami pinahanay kasama ng iba pa.

Suicide ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon