Glaiza.
"Palagi nalang ba tayo ganito Rhi?" Bungad ko sa kanya pagkatapos niya sagutin ang pang-sampu kong tawag.
"Lab, you know I am busy." Mahinang sagot niya.
"Pero kahit magpakita ka lang naman sa'kin kahit isang minuto lang, di' mo magawa!" Inis kong sabi at napasandal sa inuupuan kong couch. I heard her sighed on the other line.
"I'm sorry. Wag' ka ng magalit please." Malambing niyang sabi.
"Paano ba hindi magalit Rhian? Hindi na kita nakikita ng isang buwan, kahit tawag man lang nahihirapan kang sagutin. Ano ba talaga?! Gusto mo pa ba tong relasyon na 'to?! Kasi minsan, nakakapagod umitindi palagi eh."
"I'm with my family Glai, I-I just want to spend time with them kasi ngayon ulit kami na kompleto." She reasoned out. I just shook my head and closed my eyes.
"Sabihin mo, ayaw mong ipaalam sa kanila ang relasyon natin!" Diin kong sabi.
"Bakit? Takot ka rin naman ipaalam sa pamilya mo di ba?!" Her voice raised that made my blood boil but my eyes began to get watery. "Di ka makasagot di ba? Kasi tama ako!" Patuloy na sabi niya.
"I did. I did tell them about us Rhi and you don't know what I felt after that because I guess you never care for me at all. I badly want to see you kasi gusto ko ng karamay after hearing Nanay's harsh words thrown on me pero ito ka, ayaw mo. Marami kang dahilan para di tayo magkita. Minsan naisip ko kung mahal mo ba talaga ako o' naguguluhan ka lang talaga sa sarili mo." Galit kong saad habang nagpipigil ako sa aking luha.
"I-I didn't know-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at huminga ng malalim.
"Maybe they were right, this relationship is just shit! Let's break up." I ended the call and my tears just started to fall on my cheeks.
Last week, I went in our house to tell them about us, about our relationship. Akala ko, matatangap nila ako pero hindi pala. Nag mahal lang naman ako eh, hindi pa ba sapat yon' na rason para tanggapin nila?
I dialed Bela's number and wiped the tears on my cheeks.
"O' napatawag?" Bungad niya ng masagot ang tawag ko.
"Let's drink, pakisabi na rin kay Angge."
"Promblema mo uy?" She asked worriedly.
"Nakipag hiwalay ako kay Rhian." Malungkot kong sabi at bigla nalang tumulo ulit ang mga luha sa mga mata ko.
"Hay nako, wag' kang umiyak please. Di bagay sayo." Natawa naman ako ng konti sa sinabi ni Bela.
"Ang sarap mo talagang murahan." Natatawang sabi ko at pinahid ulit ang mga luha ko gamit ang hibla ng damit ko.
"Kaya mo ba?" Panunukso niya.
"Che! Punta kayo sa condo, kayo na bahala mag dala ng inumin."
"Wow naman, ikaw nagyaya pero kami ang bibili ng inumin. Grabe ka!" Natawa nalang kaming dalawa pagkatapos sa sinabi niya. "Sige na, baka iiyak ka ulit diyan." I just pouted my lip after what she said.
"Dalian niyo ha." Matamlay kong sabi.
"Oo na po." After we bid goodbye, I just lay down on the couch while I was blankly staring at the ceiling.
"I miss Rhian." Sabi ko sa sarili ko. Gusto kong umiiyak pero baka tuksuhin lang nila ako pagdating nila.
What happened in Siargao was the best feeling, yon' ba parang amin lang yung mundo pero pag uwi namin okay pa yung dalawang linggo na sa text o' tawag lang kami nag-uusap dahil ayaw namin biglain ang media. Okay lang naman na patago lang kami, pero kahit gusto kong bumisita sa kanya na patago pinagbawal niya sa'kin. Miss ko lang naman siya eh, gusto ko lang siya makita kahit konting oras man lang.