Jealous of the way

634 36 4
                                    

Glaiza.

"Hindi pa ako nakapaalam kay Rhian. Baka magalit yon'." Sabi ko sa kaniya.

"She will understand Glai. Ano ba yan napa-english pa ako dahil sayo." Natatawang sabi ni Angge kaya natawa na rin ako.

Angelica invited me to go somewhere peaceful after a long busy day because of work.

"Ilang araw ba tayo don'?" Tanong ko sa kanya.

"Hm, baka dalawa o' tatlo."

"Mamimiss ko si Yoyon kung ganon." I said as I pouted my lip.

It's been a week since the last time I saw my girlfriend. Mas sobrang busy niya ngayon dahil sa mall show nila sa iba't ibang lugar para e-promote ang bagong movie niya. As a supportive girlfriend, I understand her.

"Ang sarap mo batukan teh no? Nakakadiri ka pakinggan." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Angge.

"Hindi ba sasama si Bela?"

"Busy eh. Kaya si Carlo nalang ang isasama ko." My eyes widen after what she said.

"Gagawin mo akong third wheel?!" Pasigaw kong tanong sa kanya habang nakangisi lang siya. "Grabe ka ha!" Hinagis ko sa kanya ang throwpillow pero agad siyang umilag para hindi matamaan.

"Sige na Glai. Gusto ko lang isama kita dahil alam kong stress na stress ka na." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Anong stress ka dyan? Hindi kaya." Depensa ko sa sarili ko.

"Sus! Stress ka kaya dahil hanggang ngayon wala pa rin lumevel up yung relasyon niyo."

"Anong level up ka dyan?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Eh, yon' ba hanggang ngayon kami lang ni Bela ang nakakaalam sa relasyon niyo at yung kaibigan ni Rhian na si Bianca. Kelan pa ba malalaman ng iba Glai?" Nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Sabihin mo, di ka kayang ipaglaban." Patuloy na sabi niya.

"You're making me sad." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Totoo naman kasi." Tinabihan niya ako ng upo at inakbyan. "Bakit ka pa kasi don' sa taong di' ka kayang ipaglaban?"

"Mahal ko kasi at kaya ko naman siyang ipaglaban." Sagot ko sa kanya.

"Oo na. Pero Glai, hindi ka ba napapagod?"

"Napapagod din naman ako pero kaya ko pa naman magpahinga at gigising para lumaban ulit." I heard Angelica sighed as she leans her head on my shoulder.

"Nag-usap ba kayo ni Nanay?" She asked. She was talking about my Nanay. Nanay na rin kasi ang tinatawag nila sa nanay ko.

"Hindi pa nga eh. Alam ko naman na pagsasabihan lang na naman ako para hiwalayan si Rhian."

"Eh, yung tatay mo? Kapatid mo?" Tanong ulit niya.

"Okay naman si Tatay at ni Alchris kasi mahal naman namin ni Rhian ang isa't isa. They supported me about having this kind of relationship but Nanay was against it."

"Siguro gusto ni Nanay na magka-asawa ka," Sasagot na sana ako ng mag salita ulit siya. "Ng lalaki." Dugtong niya.

"Hindi kasi pinipili yung love eh. Malay ko ba, babae na pala ang gusto ko. I always have a big crush on boys at alam mo yon'. It's just Rhian was different from anyone else."

"Dahil ba half siya?" Napatingi naman ako kay Angelica. "Half din naman ako ah! Hindi ka ba nagka-interest sa'kin?" Natawa ako sa sinabi niya. Tinulak ko ang ulo niya mula sa kanyang pagkahiga sa aking balikat.

How So EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon