Dear First Love,
Alam mo bang simula pagkabata'y naniwala akong ako'y maganda.
Pero simula nang makilala ka,
Lahat ng tiwala ko sa sarili'y tila nawala,
Kay daling naputok na parang bula.
Bakit ba pagdating sa'yo parang may kulang sa akin?
Parang may mapanghusgang matang nakatingin.
Parang hindi ko na kilala kung sino ako,
Parang hindi na ako ang may-ari ng katawan ko
Unti-unti hindi ko namalayan insecure na pala ako,
Unti-unti parang ginugusto ko nang magbago para sa'yo.
Nagbabakasakaling makita mo ako,
Nagbabakasakaling makuha ang atensyon mo.
Alam mo bang umasa ako nang ngitian mo ako?
Akala ko may chance na maramdaman mo yung nararamdaman ko.
Hanggang sa madalas na kitang makausap,
Sobrang sarap sa pakiramdam.
Hanggang sa mas lalo pa akong umasa,
Hindi ko namalayan mas lumalim na ang aking nadarama.
Hindi ko namalayan ang taas na ng lipad ko,
Ang taas ng lipad ko habang nakatingala sa'yo.
Nung mga oras na mapansin mo ako,
Alam mo bang para akong siraulo?
Kasi pakiramdam ko may puwang na ako sa'yo,
Pakiramdam ko may puwang na ako sa puso mo.
Pero huli na nang mapagtanto ko,
Hanggang akala na lang pala ako.
Hanggang akala na lang yung pangarap ko,
Hanggang akala na lang lahat pagdating sa'yo.
Di ko namalayang sobrang sakit pala,
Ang umasa nang sobra para sa wala.
Totoo din pa lang sobrang hirap,
Na sa isang iglap ay mawasak ang iyong pangarap.
Akala ko dati abot kamay na kita,
Di ko alam hindi pala ako sapat para maabot ka.
Pero nahuli na naman ako,
Kasi tuluyan na pala akong nahulog sa'yo.
Ang masasabi ko lang sa'yo ngayon,
Ay salamat dahil binigyan mo ako ng pagakakataon,
Pagkakataong maging parte ng buhay mo,
Ang maging unang babaeng nagpakadesperada sa'yo.
Hanggang ngayon
nagmamahal pa rin sa'yo,
Ms. TangaAuthor's note:
P.S. Yung gwapo pong nilalang jan sa may multimedia ang first love and only love ko😂😎
BINABASA MO ANG
#PaBITTERLangPo
PoetryAnother cliché book, kung saan bitter ang author kaya bitter din ang buong libro. In short ampalaya po ang author \^0^/