Untitled 01

14 3 2
                                        


Pusong kong patuloy na umaasa,
Sayo'y patuloy na nakatingala,
Patuloy na nagmamahal,
At patuloy pa rin ang pagiging hangal.

Ay isa ring pusong nasasaktan,
Isang pusong nahihirapan,
Pusong ang pakiramdam ay unti unting nawawala,
At pusong lahat ng hinanakit ay di alintana.

Ang puso ko'y katulad ng isang bulag na tao,
Tila kay hirap makita kung ano ang totoo,
Tila hirap maaninag ang nasa harapan,
Kung kaya't di ko rin nakita ang bunga ng aking kahibangan.

Ang puso ko'y tila isa ring taong bingi,
Tila hindi marinig ang mga nangyayari,
Hindi naririnig ang mga masasakit na salita,
Na alam kong sa'yo mismo nagmula.

Puso ko ma'y patuloy na kumakapit,
Hindi ibig sabihin ay walang itong hinanakit,
Puso ko ma'y patuloy na lumalaban,
Hindi ibig sabihin ay di na ito masusugatan kailanman.

Ang puso ko'y tila isang bato,
Di kayang masira kahit ng bagyo,
Ngunit parang isang papel kung kaharap ka na,
Madaling mapunit, magutay at masira.

Author-nim's Note
             Sarreh, ngayon lang po uli ako nagkatime gumawa ng tula, sensya may klase na po kasi e😂😅. Syempre kailangan mukhang "studious student", first grading pa lang kasi e😂😎.

P.S.: Huwag tularan si author-nim na pakitang tao sa school😂😂😂

#PaBITTERLangPoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon