Ilang taong tinago lahat ng sakit,
Kinimkin lahat ng naipong pait.
Para ipakita sayong kakayanin ko pa rin
Kahit na alam kong kahit kaila'y hindi mo ako magagawang mahalin.Kahit kailan hindi ko ipinakitang ako'y nahihirapan,
Hindi ko pinakitang ako'y nasasaktan,
Bagkus ay pinagtakpan ang katotohanan
Gamit ang ngiting hinding hindi mo malalaman ang kahulugan.Ngiting kumukubli sa lahat ng luhang naipon sa aking puso
Ngiting walang ginawa kundi ang itago ang tunay na ako.
Itago ang sayo'y matagal ng nais bigkasin,
Mga salitang alam kong hinding hindi mo tatanggapin mula sa akin.Mahal kita, para sa akin iyon lang ang mahalaga.
Ipagpapatuloy na umasa kahit na masakit,
Ipagpapatuloy pa rin ngumiti kahit may bahid ng pait.
Ngingiti hangga't kaya ko pa,
Basta't makita kang kumpleto't masaya.Masaya habang kasama mo siya,
Habang ako'y patuloy na umaasa pa rin sa wala.
Patuloy na nangangarap ng sobrang hirap abutin,
At pinapanood ang pangarap na iyon na tangayin lamang ng hangin.Sa sobrang habang panahong sa kanya ako'y nagpakabaliw,
Ngayon pa ba naman ako bibitiw?
Maramdaman ko lang na may katiting na pagasa,
Ngingiti pa rin ako kahit sobrang sakit na.Ngingiti kahit ang puso ko'y tuluyan nang bumibigay,
Ngingiti para sa'yo,kahit panghabang buhay.
Ngingiti kahit na may kaakibat na sakit,
Ngingiti hanggang sa hindi ko na kayang kumapit.P.S.
Actually matagal ko na pong nagawa itong tulang to....tinamad lang po akong ipublish😅.
BINABASA MO ANG
#PaBITTERLangPo
PoetryAnother cliché book, kung saan bitter ang author kaya bitter din ang buong libro. In short ampalaya po ang author \^0^/