Isang boteng gawa sa salamin,
Kay ganda ngunit babasagin.
Lalo na kung tuluyan itong nahulog,
Magpipira piraso at kakalat ang bubog.Tila isang boteng pinagiipunan,
Ng mga sakit at mga luhang nais pakawalan,
Na sana'y kaya kong ibuhos na nang tuluyan,
At nang puso ko'y magkaroon na ng kalayaan.Mukhang matibay ngunit kabaliktaran pala,
At sa loob ay puso kong kay daling masira.
Ako'y tila isang boteng napakikinabangan,
Ngunit kung walang nang gamit ay itatapon na lamang.
BINABASA MO ANG
#PaBITTERLangPo
PoesíaAnother cliché book, kung saan bitter ang author kaya bitter din ang buong libro. In short ampalaya po ang author \^0^/