Puso at isip ko'y nagkakagulo,
Nagaaway kung dapat na ba akong huminto.
Humintong maghintay para sa'yo,
At humintong mahalin ang katulad mo.
Idinidikta ng isip ko,
Tumigil na at maghanap na ng iba.
Maghanap ng handa akong mahalin,
Handa akong saluhin at pasayahin.Ngunit sabi naman ng puso ko,
Huwag bibitaw dahil kaya niya pa.
Kaya pang magpakamartir at magpakatanga,
Para lang ako'y iyong makita.Kailangang magdesisyon nang walang paghihinayang,
Ano nga ba ang mas matimbang?
Ang puso ba na ang sakit ay hindi alintana?
O ang isip na nagsasabi kung ano ang tama?Pagmamahal ko ba sayo'y sapat na?
Para masabi kong ako'y masaya?
Masaya dahil ngiti mo'y muling nasilayan,
Ngunit hindi ako ang dahilan.Hanggang kailan pa kayang pasanin,
Mga patuloy kong hiling at dalangin.
Sabihin mo lang sa'kin kung tama na,
Makakaasa kang masakit man ay hindi ko na itutuloy pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/165039799-288-k23688.jpg)
BINABASA MO ANG
#PaBITTERLangPo
PoetryAnother cliché book, kung saan bitter ang author kaya bitter din ang buong libro. In short ampalaya po ang author \^0^/