CHAPTER 6
“DON’T answer that. It was a stupid question.” Tinanggal ni Blue ang baba sa balikat niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.
Nakahinga ng maluwag si Heelan. Hindi niya kayang sagutin ang katanungan nito. Wala siyang lakas ng loob na sagutin ang binata.
May ibinigay itong tray sa kanya na naglalaman ng isang mangko ng sopas at pineapple juice.
“Eat.” Anito ng tiningnan lang niya ang tray.
Tiningala niya ito. “Did you cook it?”
“I don’t cook. Gawa ito ng isa sa mga construction worker ko para sa ibang trabahante. May sobra pa kaya dinalhan na kita. Kainin mo na. Masarap yan.”
Ginawa pa siyang isa sa mga trabahante nito.
“Thanks.” Aniya sa sarkastikong boses.
Sumandok siya ng isang kutsara. Nalukot ang mukha nito ng malasahan ang sopas.
“What?” Blue inquired when he saw her contorted face.
Pinandilatan niya ito. “Wala naman. Pinapakain mo lang naman sa akin ang niluto ng construction worker mo na sobrang pangit ang lasa.” Inilabas niya ang dila dito. “Ang pangit ng lasa.”
“Huwag ka ngang maarte diyan. May I remind you na walang restaurant dito na papasa sa panlasa mo. At saka, ano ba ang masama sa sopas na gawa ng trabahante ko? Wala yan lason kaya kainin mo na kaysa naman mamatay ka sa gutom.” Mahaba nitong sabi at padabog na umalis sa cabin niya.
Naguguluhang tumingin si Heelan sa pintong nilabasan ni Blue.
“Ano naman ang problema nun? Sinabi ko lang naman na pangit ang lasa. Kung makaakto naman ‘yon, parang ito ang nagluto.”
Sumandok ulit siya ng isang kutsarang sopas at dahan-dahang inamoy iyon. Okay naman ang amoy, ang lasa lang talaga ang hindi. Pero kahit ganoon, pinilit niyang kinain ang sopas.
Medyo masakit pa ang paa niya kaya naman hindi pa siya makakapagluto. Sisikmurain nalang niya ito kaysa naman magutom siya.
Pagkatapos kumain, inilagay niya sa sahig ang tray at nahiga ulit sa kama.
Nang hindi siya dinalaw ng antok, bumangon siya at sinubukan tumayo. Nang maramdamang kaya naman pala niya, naglakad siya palabas ng cabin, dala-dala ang sketch book niya.
Hay! Hindi nalang sana niya kinain ang sopas na ‘yon. Kaya naman pala na niyang maglakad. Nagluto nalang sana siya.
Naglakad siya patungong dagat. Wala siyang sapin sa paa maliban sa bandage niya. Nang dalawang metro nalang ang layo niya sa dagat, umupo siya.
Nag-focus siya sa sketch book niya at ginuhit ang nasa isip niyang desinyo.
Swim wear after swim wear.
Masyadong naka-concentrate si Heelan sa ginagawa kaya hindi niya namalayan ang paglubog ng araw. Kung hindi lang dumilim, eh hindi pa siya mag-aangat ng paningin mula sa sketch book niya.
Ipinalibot niya ang mata. “Madilim na pala?”
Dahan-dahan siyang tumayo at paika-ikang naglakad pabalik sa cabin niya. Sinapo niya ang tiyan ng tumunog yon.
“Hay! Gutom na ako!” Sumimangot siya. “Sopas lang kasi ang kinain ko—”
“Heelan! Bakit ka ba nasa labas?!” Galit na sigaw ni Blue sa kanya na nasa labas ng cabin niya at nakapamaywang na parang pag-aari ang buong isla.
“Bakit ba?” Mas humaba ang nguso niya. “May ginawa akong importante.”
“Ganoon ba ka-importante ang ginagawa mo para ilakad mo yang paa mo?”
BINABASA MO ANG
ACE CENTREX UNIVERSITY: Romance with Mr. Candy 2 [To Be Published]
Lãng mạnUmuwi sa Pilipinas dahil si Heelan dahil sa kasal ng pinsan niya at dahil na rin sa fashion line na balak niyang e-lauch dito sa bansa. Okay na sana ang pagbabalik niya, tahimik na, hanggang sa makita niya ang ulit ang lalaking nanakit sa puso niya...