CHAPTER 5
NASA Yanzee’s restaurant si Heelan at ini-enjoy ang pagkain habang nagiisip ng idi-disenyo niya sa kanyang summer paradise fashion line. Kanina pa siya nandito at isang pares palang ng summer wear ang nagagawa niya.
Heelan hunched on her seat. “I can’t think of another design for summer wear.”
“Maybe you should go to a beach resort. Para magkaroon ka ng inspirasyon.” Ani ni Andrei na busy sa pagkain ng salad vegetable.
She sighed. “Ayokong pumunta sa matataong beaches. Hindi ako makakapag-isip doon. Gusto ko yung private island. Yong kulang sa tao.” Tumingin siya kay Andrei. “May alam ka bang ganoon?”
Kumunot ang nuo nito at ngumiti kapagkuwan. “As a matter of fact, yeah, may alam kong ganoong beach. Hindi pa siya masyadong kilala kasi under construction pa ang resort nila. Pero open naman ang mga maliliit nilang cabin.”
“Saan ‘yon at magpapa-book ako ng reservation?” Excited niyang tanung. Sa wakas, may narinig din siyang ganoong klaseng beach. Hindi ma-tao at may cabin. “Yon ang hinahanap ko.”
“Actually, it’s not yet open. I just heard it from a friend.”
Sumimangot siya. “Bakit naman?”
“Under construction nga diba? Meaning, hindi pa tapos.”
Mas lalo siyang napasimangot. “Kainis naman. Paano ako ngayon? Saan ako kukuha ng inspirasyon?”
“Doon ka nalang sa mataong beaches o kaya naman doon ka magtanung kay Mr. Google. I’m sure masasagot nun ang tanung mo.” Anito at kumain ulit.
Napabuntong hininga nalang siya habang tinititigan ang sketch book niya na blanko.
“Kahit si Mr. Google hindi masasagot ang tanung ko.” Aniya sa sarili.
Hanggang sa maka-uwi siya sa condo niya, wala pa rin siyang maisip na desinyo. Masakit na ang ulo niya sa kai-isip kung anung magandang desinyo na papatok sa mga Pilipino, pero wala talaga siyang maisip. Napag-desisyunan niyang tingnan ang mga dati niyang summer wear design para magka-ediya siya.
Nasa kalagitnaan siya ng paghahalungkat ng mga dati niyang design ng tumunog ang door bell niya. Naiinis na naglakad siya patungong pintuan. Sino ba itong isturbo sa ginagawa niya?
Nang pagbuksan niya ang nagdo-door bell, napanganga siya sa nakita.
“Oh my god…” Heelan gaped at the person on the door. “Kreiya?”
Kreiya smiled widely. “Yes! My gosh, Heelan, it’s been what? Seven years? Oh my god! I miss you, you bitch!” Anito at niyakap siya ng mahigpit.
Dapat siyang ma-offend dahil tinawag siya nitong bitch pero dahil si Kreiya naman ‘yon, hindi nalang niya pinansin.
Ginantihan niya ang yakap nito. “I miss you too, Kreiya.”
“Hindi mo ba ako papapasukin?” Tanung nito ng pakawalan siya nito sa pagkakayakap.
Heelan grinned and open the door wide. “Silly! Come on in.”
Patalon-talon na pumasok si Kreiya sa condo niya. Bakas sa mukha nito ang kasayahan.
“My god! How have you been?” Tanung nito ng maka-upo sa sofa niya.
“I’m fine.” Heelan sit on the sofa across Kreiya. “How about you?”
“Oh, I’m freaking awesome. I own a company that deals with technology and stuff. Nerd stuff. I’m sure you’re not interested. Samantalang ikaw, I heard you are a big time fashion designer.”
BINABASA MO ANG
ACE CENTREX UNIVERSITY: Romance with Mr. Candy 2 [To Be Published]
RomanceUmuwi sa Pilipinas dahil si Heelan dahil sa kasal ng pinsan niya at dahil na rin sa fashion line na balak niyang e-lauch dito sa bansa. Okay na sana ang pagbabalik niya, tahimik na, hanggang sa makita niya ang ulit ang lalaking nanakit sa puso niya...