CHAPTER 1
MABILIS na naglakad si Heelan papasok sa simbahan. Shit! Late na talaga siya! Bakit naman kasi nahuli ang flight niya? Iyan tuloy, hindi na yata siya aabot. Heelan was huffing when she reach the church door.
“Shit! Why oh why?” Bulong niya sa sarili. Nag-umpisa na ang kasal at hindi siya umabot sa paglalakad ng bride sa aisle. ‘Yon pa naman ang gusto niyang makita.
Kainis naman!
Tumayo siya sa sulok ng simbahan at tiningnan ang kinakasal na puno ang mga mata ng pagmamahalan. Naiingit siya habang nakatingin sa mga ito. Minsan sa buhay niya may minahal din siya pero sinaktan—
Okay! Don’t even go there. Matagal ng the end ang kabanatang ‘yon ng buhay mo.
Nagpakawala siya ng buntong hininga at pinigilan ang sariling isipin ang nakaraan niya. It’s been seven years since it happened. She already moved on and she’s now happy with her life. Sobrang sakit ang naransan niya dahil sa lalaking ‘yon. Maraming nawala sa kanya dahil sa lalaking ‘yon. Kaya dapat hindi na siya bumabalik pa sa nakaraan. Wala namang magandang nangyari doon.
After she left, Heelan went to Paris to continue her study. Walang nakaalam ng tunay na dahilan ng pag-alis niya. Kahit ang pamilya niya, walang alam.
“I now pronounce you man and wife.”
Napukaw ang pag-iisip ni Heelan ng marinig ang pari. Grabe. Ang dali naman ng kasal, samantalang ang pag-iibigan ng dalawang ikinasal ay umabot ng ilang taon.
Aalis na sana siya ng simbahan at hihintayin nalang ang newly weeds sa reception pero tinawag ng bride ang pangalan niya.
“Heelan!”
Napalingon siya sa direksiyon nito. “Yes, couz?”
“Come here. Picture tayo.”
She smiled. “Mukhang busy ka. Mamaya nalang.”
Itinirik nito ang mata at naglakad papunta sa kanya. “Silly. Ikaw ang gumawa ng damit ko kahit hindi naman ito ang specialty mo at napipilitan ka lang.”
Napatawa siya habang hinahatak siya nito palapit sa altar. “Hindi naman ako napipilitan. And it’s my wedding gift to you, Anianette. Ikaw ang paborito kung pinsan.”
“Pfft! Ikaw talaga. Halika na at magpi-picture tayo.” Bumaling ito sa asawa. “Blake, umayos ka ng tayo, para kang kuba. Baka pag na-develop ang picture natin e mukha kang may sakit sa buto. Ngayon lang ako ikakasal kayo umayos ka!”
Niyakap ni Blake ang pinsan niya na hindi apektado sa pagiging bossy ni Ania. “Eh di magpakasal nalang tayo ulit. Para may second round honeymoon.”
Napailing nalang siya sa mga ito. Kaya ayaw niyang maglalapit sa dalawa. Ang sweet kasi. Nakaka-inggit.
“Picture na po. Ayokong makasaksi ng kahalayan.” Aniya.
Tumawa si Blake at hinatak siya sa gitna nito at ng pinsan niya. “Okay, ayusin mo ang kuha ha. Ito ang gumawa ng magandang damit pangkasal ng asawa ko.” Anito sa photographer.
Napailing nalang siya at nakangiting tumingin sa kamera.
“NASAAN na ba ang bagong kasal?” Tanung ni Blue habang nakatingin sa pintuan ng reception hall.
Tumawa ang kakambal niya na naka-upo sa tabi niya. “Baka nag-skip ng reception. Nauna ng mag-honey moon.”
Nagtawanan ang naka-upo sa mesa na inuukupa nila.
“Seriously, nasaan na sila?” Tanung niya. Kanina pa sila dumating sa reception hall pero wala parin ang bagong kasal. “What’s taking them so long?”
BINABASA MO ANG
ACE CENTREX UNIVERSITY: Romance with Mr. Candy 2 [To Be Published]
RomanceUmuwi sa Pilipinas dahil si Heelan dahil sa kasal ng pinsan niya at dahil na rin sa fashion line na balak niyang e-lauch dito sa bansa. Okay na sana ang pagbabalik niya, tahimik na, hanggang sa makita niya ang ulit ang lalaking nanakit sa puso niya...