Tangang tanga ka na ba?

13 0 0
                                    

3:00 A.M. 


Gising pa din ako, wala naman akong magawang matino. Tingin tingin sa may bintana na walang makita kundi dilim at ang dalawang asong nag kakahulan at umaalulong. Hindi naman malamig pero nakakumot ako, ewan ko ba. 

Pag kalipas ng ilang sandali, dinampot ko nag selpon kong mas matanda pa kay Enrile para libangin ang sarili ko. Pag bukas ko ng selpon ko ay nanuod muna ako ng mga video clips sa YouTube. Nakakaboring, search-search ng kung anu-anong kalokohan ng mga tao sa mundo. Napunta ako sa medyo scary na video, tapos may recommended na video sa isang sikat na "couple vlogger" sa Pilipinas- Ang mga "Ka-igan". Hindi ko maintindihan yung video. Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o yung internet namen o yung kulangkot kong matigas o basta, mas magulo pa sa buhok ni Tito Boy. Hindi ko na tinapos, nakakaantok kasing manuod- nang ibaba ko na ang selpon ko ay biglang may nag pop-up na chat head sa selpon ko. Si Sophia -ang long-time kras ko hehe. Pinindot ko ang chat head, nagulat ako at biglaang nawala ang antok ko nung nabasa ko ang sinabi niyang " nasan ka ? Gala tayo now ? " . Put* ! Sa sobrang dami kong gustong sabihin nag tapos ako sa 4 na letrang salita. "Sige! " Nag reply naman siya, " see you ! Daan ako jan wait mo ko sa gate. "  sssheeeemmmaayyyyyyyy !


Nasan Ka Na Sophia? Where stories live. Discover now