Tuesday 4:00 P.M.
Ang daming pumasok sa isipan ko simula nung binasa ko ang mga usapan natin noon Sophia, ilang taon na rin ang nakalipas simula ng mang yari ang mga bagay na yon. Ngayon, hindi ko alam kung nasan ka na. Ni hindi ko rin alam kung may asawa ka na ba o mga anak. Kung masaya ka na ba o hindi. Ako? ako pa rin itong kaibigan mong matalik na si Romeo Reyes. Ang tagal na kitang hinahanap, pero bakit hindi pa rin kita makita kita ? Nag tatago ka ba? Sa tagal ng panahong nawalan tayo ng kominikasyon kasi ang sabi nila ay lumipat ka daw ng Amerika, hindi ko alam kung maniniwala ako. Basta dumating na lang ang isang araw na hindi na tayo nag kausap. Siguro dahil finals yon, siguro kaya nakalimutan natin ang isa't isa.
Nandito pa din ako sa may lugawan kung saan tayo madalas kumakain, nag babakasakaling makita kita dito habang tinitignan yung mga litrato nating dalawa nung kabataan natin. Ang daming pumapasok sa utak ko, pero ang tanging dahilan lamang nito ay ang pag kasabik kong makita ka. Gusto na kitang makita, madami-dami na rin akong maikukuwento sayo. Alam mo bang bago tayo grumaduate ay gumawa ako ng 3 tula para sayo ? Gusto ko sanang mag tapat nung panahon na yon. Kaso, sa hindi inaasahang pag kakataon ay hindi ka sumipot sa Graduation day natin. Pumunta ako sa inyo, sa mismong bahay ninyo, pero ni kahit anino ng mga magulang mo at ikaw - Sophia. Ay hindi ko nakita. Hindi ko alam kung nasan ka.
Sa pag subo ko ng lugaw at ng tenga ng baboy ay siyang pag tulo ng luha ko ng hindi ko inaasahan. Lumapit saken si Boyet-isang class A lugawero dito ( taga-salok ng lugaw ). "oh ser! mukhang malalim ang iniisip mo ha? " Sumagot naman ako, " Hindi naman, may naalala lang akong kaibigan." Sumagot siya na parang nanunukso, "kaibigan nga ba? (sabay silip sa litrato) o ka-ibigan? Mag ka-iba kasi iyon ser e ! " Napatawa ako ng kaunti at sinabing " puro ka tukso! haha! ohsa, sandukan mo pa ako ng isang beses ( sabay abot ng plato kay Boyet). "Yes ser, your command is my follow. " napatawa na lang ako sa kanong ito.
YOU ARE READING
Nasan Ka Na Sophia?
RomanceHindi kita makita, hindi kita mahanap. Hindi ko malaman kung nasaan ka na, sabik na sabik na ako sa yakap mo.