Nakatulog na ako kaka isip sayo. Inabot na ako ng umaga. Sa pag mulat ng aking mga mata, ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong makita. Nasasabik ako sayo Sophia. Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang pag hahanap sayo. Nakakapagod ding araw araw mag tanong-tanong sa mga nakakasalubong ko sa kaslada o kahit sa LRT kung kilala nila ay babaeng tulad mo . "hindi" iyan ang kadalasang sagot nila sa akin. Pagod na ako pero gusto pa rin kitang makasama. Makita.
7:00 A.M.
Saktong sakto ang pag alis ko sa bahay. Tulad ng dati, nasakay ako sa Vito Cruz ng tren papuntang EDSA. Tumatagaktak ang pawis ko sa halos dikit-dikit na braso at init ng katawan sa loob ng tren. Sa Libertad, habang papatigil nag tren nasa loob ako at natanaw tanaw sa labas, sa mga taong nag aabang ng tren para makasakay. Nag salisi ang ating mga mata, NAKITA KITA ! HINDI AKO PWEDENG MAG KAMALI AT ALAM KONG NAKITA KITA !!! Kahit siksikan e itinatabi ko ang mga tao sa harap ko para makababa. Nakbaba ako pero sobrang daming tao, hinahanap kita . Tinitignan ko ang bawat mukha ng mga babaeng nakakasalubong ko at baka sakaling makita kita ulit. Napaka bilis ng tibok ng puso ko na halos kasing bilis ng mga paa ng mga taong nag mamadali sa kani-kanilang pupuntahan. Nakaalis na ang tren, naubos na rin ang mga tao sa lugar na iyon, ngunit ... hindi na kita nakita muli.
Ang daya, ang daya-daya ng tadhana.
7:30 A.M.
Nakarating na ako sa trabaho ko, ibinaba ko ang bag ko, binuksan ang computer ko at ang simula ng mag trabaho. Hindi ako nag kakape noon, alam kong alam mo yan. Natuto lang akong mag kape simula ng ipinag timpla mo ako. Napaka pihikan ng dila ko ngunit nahuli mo . Nahuli mo kung anong gusto ko, alam mo rin kung anong ayaw ko at kung ano ang gusto ko. Nakakatuwa lang. Nakakatuwa lang kasi nahuli mo ang kiliti ko, at alam mo kung papaano kukulayan ang mundo ko.
"James, mukhang malalim ang iniisip mo ha?" isang tinig lang ang narinig kong alam kong bihira ko lang marinig. Tumingin ako sa kanya at biglang ngumiti ng bahagya, "hindi naman po boss, may naalala lang ako." Ay ganun ba? Si Sophia na naman ba yan?" Noong narinig ko ito ay napatungo na lang ako sa kanya bilang senyales na totoo, na siya nga. "James, hindi ko alam kung makakatulong ito, pero may kaibigan akong kilala niya si Sophia, yung hinahanap mo (sabay abot sa isang papel na nakatupi sa akin). Kinuha ko ito, "maraming salamat po boss, sana nga po makatuong." Bago pa man siya umalis, ay nag salita pa siya muli. " Ay, James. Pwede kang hindi pumasok bukas, mas gusto kong makatulong sayo." Napangiti ako sa kanya.
Hindi ko alam itong nararamdaman ko kasi papalapit na ako ng papalapit sa kanya. Sophia, konti na lang. Konti na lang mag kikita na tayo at sa panahong mag kikita tayo ? Hinding hindi na ako maduduwag. Aamin na ako sayo.
YOU ARE READING
Nasan Ka Na Sophia?
RomanceHindi kita makita, hindi kita mahanap. Hindi ko malaman kung nasaan ka na, sabik na sabik na ako sa yakap mo.