Liham

5 0 0
                                    

Naka uwi na rin ako pag katapos kong kumain sa lugawan nila Aling Tessa. Napadami ata ang kain ko, kasi naman nag lalakad ako ng parang pato, naiipit ako sa pagitang uutot ba ko o nadudumi, parang naipit ka sa dalawang pamimiliang, matutulog ka ba o iihi? Ang hirap diba? Humiga ako sa kama ng walang palit palit ng damit. Umaalingsaw ang amoy ng Maynila sa mga damit kong nangangamoy usok. Nakakapagod ang araw na ito dahil sa tambak na trabahong natapos ko kanina sa opisina. napatingin ako sa litrato ko nung nag tapos ako sa high school. Napatingin ako ng matagal nung naalala kong hinawakan mo pala iyon, nung bumisita ka sa bahay. 

Dahan dahan akong tumayo mula sa pag kakahiga ko sa kama, ngunit ang tingin ko sa litrato ay hindi pa rin natatanggal. Dinampot ko ito, tinignan ang sarili kong mukha, "ang panget ko pala noon, mukhang espasol sa foundation na nilagay ni mama bago ako picturan" . may nakapa akong parang naka umbok sa likod, biglaan kong itinihaya ang picture frame at napaisip kung ano iyon ? may nakita akong isang sulat na nasa likod ng picture na iyon. Kinuha ko nag liham at nilapag ang high school graduation picture ko. 


Hindi ko alam ang madadama ko sapagkat nag halo-halo na ang emosyon ko. 


from : Sophia

To:Romeo

july 9,1996


Romeo, HI! siguro hindi mo pa ito mababasa sa ngayon kasi tinago ko ito at sana mabasa mo sa tamang panahon, siguro sa panahong iyon hindi mo na ako makikita. Wala na siguro tayong komunikasyon non. Romeo, may gusto kasi akong sabihin sayo. Lilipat na kami, kaming lahat, hindi ko alam kung saan. Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin sayo na aalis na kami, alam kong malulungkot ka. Ayaw kong makita kang malungkot, alam mo? masaya ako tuwing nakakasama kita. Ang tanging hiling ko lamang ay sana mag kita tayo ulit. May gusto rin kasi akong sabihin sayo, kaso tulad ng sabi mo " hindi ka pa handa sa mga ganoong bagay. " May tamang panahon para sa lahat ng bagay. Mag aantay ako. 


Ps. Naalala mo yung librong ibinigay ko sayo ? Basahin mo ulit iyon. Nandoon ang mag tuturo sayo sa kung ano ka sa buhay ko 


Nag mamahal, 

Sophia. 


"Sophia....." hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Ang tanga ko at hindi ako umamin noon na mahal ko siya. Na hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa kanya. Naduwag kasi akong baka masira ang pag kakaibigan namin kapag nalaman niya ang totoo kong nararamdaman. Natakot din kasi ako, natakot ako na baka layuan niya ako. Kung nabasa ko lang ito bago ka mawala. Paniguradong hinding hindi ko sasayangin ang lahat, sampung taon na rin ang nakalipas Sophia simula ng huli nating kita. Naalala mo pa kaya ako ? 


Pag katapos kong punasan ang luha ko, dinampot ko ang libro na tanging binigay niya sa akin. Nilapit ko ang libro sa puso ko. Gusto kong madama kita ulit. Mag hihintay pa rin ako at hindi ako mag sasawang hanapin ka Sophia. 


Nasan Ka Na Sophia? Where stories live. Discover now