Nag mamadali akong nag bihis at nag hintay sa may gate, panay tingin sa selpon ko. Sipat ako ng sipat sa gilid kung san siya madalas dumaan. makalipas ang ilang sandali ay nakita ko na siya, ngunit hindi kagaya ng dati na may ngiti sa mga labi tuwing mag kikita kami. "James.." namumula ang mga mata niya nung tinawag niya ako. Binuksan ko agad ang gate, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hanggang sa umabot ako sa " ba't ka naiyak ? anong nangyari ?". Sumagot siya, " si.... si Matthew, may iba na. " Hindi ko alam ang sasabihin ko, niyakap niya ako habang umiiyak. Nablanko ang utak ko, kung tutuusin, wala nang dahilan para pakawalan pa si Sophia. Maganda siya, mabait, may takot sa Diyos. Siguro nga masyadong naging komplikado ang mundo sapagkat sikat si Matthew sa lugar namin e. Madaming nag kakagusto sa kanya, mahirap yon.
nahimasmasan ako at sinabi ko sa kanyang " okay lang yon. Magiging maayos din ang lahat. Tara lugaw muna tayo."
Habang nag lalakad kami ay nag kwekwento siya saken na nakita niya daw kanina si Matthew na may kasamang ibang babae, maganda daw yung babae at yun ang pag kakasabi niya saken. Tapos tatawagin niya daw sana si Matthew ng biglang hinalikan ni Matthew yung babae. Nagulat siya, at nasaktan daw siya. Bumanat naman ako " Malamang! Kung ako rin naman yon ay masasaktan ako. Mahirap kasing mag mahal. " Napalingon siya saken at biglang napa tawa habang sinasabi na " mukha mo! wala ka pa ngang nagiging jowa e! Bading ka siguro ?!" Napa tingin ako sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya, "siraulo! Ayaw ko kasing mag madali sa mga ganyang bagay. Hindi ako bakla abnormal. " Sabay tawa siya ng malakas " HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! BAKLA ! " sumagot agad ako ng "hindi ako bakla! " biglang nag bago ang ihip ng hangin ng bigla niyang sinabi na, " kung hindi ka bakla e ba't hindi mo niligawan si Patricia? Tutal gustong gusto ka naman non? "
Tumingin ako sa kanya, " uulitin ko, hindi pa ko handa sa mga ganyang bagay. Masyado pang maaga." Pero ang tumatakbo sa isipan ko ay "kasi ikaw ang gusto ko, Sophia."
YOU ARE READING
Nasan Ka Na Sophia?
RomanceHindi kita makita, hindi kita mahanap. Hindi ko malaman kung nasaan ka na, sabik na sabik na ako sa yakap mo.