Chapter Five

5.7K 135 0
                                    

SABRINA

"Ano bang nangyayari sa kanya?" I heard someone asked

"She's just stressed Liam, calm down" I heard Scorpio said

"Calm down? paano ako kakalma? parang kanina lang she's suggesting na pinturahan ko ng rainbow yung office ko then next thing I knew wala na siyang malay sa office niya, I know there is something wrong" Liam ranted, narinig ko naman ang mahinang tawa ni Scorpio

"Effective pala kapag tulog or walang malay si Sabrina no? nagiging madaldal ka" Scorpio said

"Just tell me, what's wrong with her" Ani ni Liam na may diin

"I told you, stressed lang siya masyado. Baka naman kasi masyado mo siyang pinagta-trabaho" Scorpio said

"Wala siyang ibang ginawa kundi asarin at kulitin ako" I said and Scorpio laughed again.

"Sir Liam, Boss Scorpio, pwede sa labas na kayo mag-usap? I'm trying to sleep here" I said habang nakapikit pa rin

"Yan kase, ang ingay mo talaga Liam" Scorpio said, I opened my eyes and I found Liam looking at me habang si Scorpio ay nakatingin sa clipboard na hawak niya. "Can you leave us first bro? may pag-uusapan lang kami" Scorpio said

"Magu-usap tayo mamaya" Liam said at saka lumabas na ng kwarto ko, Scorpio locked the door habang ako ay bumangon

"From my office nagmadali talaga ako makapunta dito, buti na lang at nadala ka ni Liam kaagad" Scorpio said

"What's the verdict?" I asked

"I told you, wag ka masyadong magpapadala sa stress at wag kang masyadong maligalig. Alam mo namang may butas yang puso mo eh" Scorpio said

I chuckled

"Bakit kasi ayaw mo pang magpa-transplant?" He asked

"I told you, mali iyon" I said

"Can't you understand? hindi iyon mali. Pumirma sila ng waiver at pinahihintulutan ka nila." He said, I rolled my eyes

"Still, ayoko pa rin" I said, he sighed

"Bahala ka, basta kapag nasa delikadong sitwasyon ka na. I will perform a surgery with or without your consent" He said at may sinulat ulit sa clipboard niya

"Bakit...ang bait mo saakin?" I asked, he smirked

"Hindi porke't ex ka ni Spade hindi na kita tutulungan" Scorpio said. "I can see naman na talagang tinamaan ka sa kuya namin eh" Dugtong nito

"Nga pala yung kambal mo? kamusta na yun?" I asked

"Ewan ko ba kung saang lupalop na yun napadpad. Bigla-bigla na lang mawawala tas susulpot na lang din" He said

"Sa inyong dalawa sino ang planado?" Tanong ko

"Ako, nakisingit lang naman yun eh" He said and I laughed. "Anyways, babalik na ako sa office ko. Pwede ka na ring i-discharge mamaya, basta wag mong kalimutan yung gamot mo" Pagpapaalala nito

"Yes Doc" Pagbirong sabi ko

"Nurse ka, dapat alam mo yan" He said, binuksan niya ang pinto and my eyes widened ng makita kong may bumagsak na dalawang tao pagkabukas niya.

"What the fuck?" Scorpio said

"Sabyyyyy!!" Ani ni Spade at mabilis na niyakap ako, nakita ko namang mabilis na tumayo si Liam mula sa pagkakadapa sa sahig

"Spade ano ba!" I said at saka hinampas ang braso niya

"Nahimatay ka daw? tell me buntis ka ba? sino ama niyan? si Liam ba?" Sunod-sunod na tanong nito, natatawang binatukan ko naman siya

"Tuluyan na bang lumuwag yang turnilyo mo sa utak?" I asked

"Can someone explain to me, paano kayo nagkakilala?" Tumingin naman kaming tatlo kay Liam. Ang waffuuu niya talaga *Q*

"Uhm...Sir Liam, Si Spade nga pala ex ko" I said and his eyes widened

"You're what?" Liam asked

"Bingi lang bro? Ex nga diba? EX!" Spade said

"Shocking right?" Scorpio asked, napahawak naman sa ulo niya si Liam

"Sumasakit ulo ko sa inyo" He said

"Wag mo kasi akong isipin masyado Sir, sige ka...baka ma-fall ka" I said

I waited for his reaction but all I can see is

His red face.

He's blushing? OMO!

XXXXXX

I forgot to mention, Half-brother po ni Liam si Scorpio at Spade ;)

His Series #4: Liam WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon