Chapter Six

5.6K 132 4
                                    

SABRINA

"I'm starting to hate apples" I said at kumagat sa mansanas na hawak ko.

"Yan daw muna ang kainin mo" Froilan said

"Wala naman akong ginawang masama ah! this is torture! ire-report ko siya sa bantay bata!" I said pertaining to Liam na siyang nag-utos na kailangan puro apples lang daw ang kainin ko.

"Sabi nga diba, an apple a day keeps the doctor away. Baka nagseselos yun kay Scorpio kaya ayaw niyang lumapit sayo yun" Froilan said at saka tumingin saakin mula sa lamesa niya. "And seriously? bantay bata talaga?" He asked

"First of all, si Spade ang Ex ko sa kanilang dalawa, second. Bata pa naman ako ah!" I said

"Isip bata kamo" Tumingin ako sa intercom na nasa lamesa ni Froilan kung saan nagmula ang boses ni Sir Liam.

"Isip bata? ako? Sir Liam ah! wag kang magpapakita saakin kundi nakuuu!" Pagbabanta ko

"Ano? anong gagawin mo?" He asked from the other line

"Susumbong kita sa Mama ko" I said, Froilan chuckled and Liam just sighed

"Take your medicine, kanina pa ako kinukulit ni Scorpio at Spade sa Whatsapp group namin" Utos ni Sir Liam

"Sir are you retarded?" I asked, tumingin ako sa bintana kung saan tanaw ang office ni Liam at nakita kong nakakunot ang noo niya

"What the fuck?" He asked

"Kasi....you look very special" I said, natahimik naman ang kabilang linya. Tinignan ko ulit siya at nakita kong namumula na naman yung mukha niya

"Go back to your work" Utos nito at tuluyan nang naputol ang linya, I chuckled at napa-'yes' ng mahina

Sabrina - 1
Liam - 0

.

.

.

.

"Sir!" Pagtawag ko kay Sir Liam ng makita ko ang kanyang sexy back. Yup, likod pa lang niya kilala ko na ;)

"Bakit na naman?" Tanong nito, I smiled sheepishly at saka inilagay ang kamay ko sa likod ko

"Sir, alam mo ba na magnanakaw ako?" I said

"I should report you to the police" He said

"Sige ba, basta sa puso mo ako ikukulongI said, he just rolled his eyes

"Bakit?" He asked, pertaining to my hanging pickup line awhile ago, I smiled

"Pwede bang nakawin ang puso mo?" I asked, kumunot naman ang noo niya at in-absorb ang sinabi ko.

"Ciao!" I said at parang bata na tumalon-talon papunta sa office, pero tumigil ako ng maramdaman ko ang hingal

"Okay ka lang?"

"Ay kabayong impakto!" I said at saka tumingin sa nagsalita. "Gwapo pala, gwapo" Dugtong ko ng makita na si Sir Liam iyon.

"Something is really wrong with you, tell me may sakit ka ba?" He asked

OMO! concern ba siyaaaa?? waaahhh kinikilig akez!

"W-wala Sir, to naman!" I said at saka lumakad ulit

"Sabrina" He said in a warning tone

"Sir Liam, I told you. Wala akong sakit mas healthy pa yata sa kalabaw to no!" I said, nanatiling nakatingin lang siya saakin. "Uuuy sir, wag mo naman akong masyadong titigan. Sige ka mahulog ka saakin" I said at saka lumakad ulit

"Sabrina.." He called me at huminto naman ako sa paglalakad at tumingin ulit sa kanya.

"Yes Sir?" I asked

"Kung ano man ang nararamdaman mo, you better stop it. Wag ka nang umasa saakin" He said

Okay, strike one

"Ha? sinasabi mo Sir? di ba pwedeng crush lang? to naman" I said

"Good..." He said at saka lumakad palayo saakin

"Paano kung may mag-confess sayo Sir? tatanggapin mo ba?" I asked

Tumigil naman siya sa paglalakad at saka tumingin saakin.

"I think, no one can replace Jasmine in my heart" He said

Strike two

Okay pag-naka-strike three, ayoko na talaga.

"Cancel all my meetings, dadalawin ko si Jasmine..." Pahabol nito at tuluyan nang lumakad palayo saakin

Strike three

Ouch bes :(

xxxxxxx

His Series #4: Liam WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon