Chapter Thirteen

5.4K 112 0
                                    

SABRINA

"Pasaway ka talaga no?" Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko naman na si Liam iyon. Lumapit siya saakin at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan na itinayo ako

Wait, itinayo? sa pagkakatanda ko natulog na ako ah?

Pero okay na rin, as long as kasama ko si Sir Liam oks na ako

"Jasmine...ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo na pag lalabas ka, kailangan kasama ako" He said at kumunot naman ang noo ko

Jasmine again? Duhh, its Sabrina

Magsasalita sana ako pero biglang dumapo ang kamay niya sa tiyan ko. Tinignan ko naman ang tiyan ko and I saw a big tummy

Kailan pa ako nabuntis?

"Ayokong mapahamak kayong pareho ni Baby Zach" He said

I GASPED at mabilis na bumalikwas at tumingin sa paligid at nakita ko naman na nasa kwarto ako sa bahay ni Liam. I let out a sigh at saka inalis ang kumot na nakatabon saakin bago tumayo

Ilang linggo na rin simula noong ma-discharge ako sa hospital and Liam insisted na sa bahay niya daw muna ako manatili

Well wala naman akong reklamo duon

Pero some things happened after that

I started to dreamed about Me and Liam. Alam kong sasabihin niyo na dapat matuwa ko, but no

Because everytime na mangyayari iyon, he calls me Jasmine na para bang sumapi ako sa katawan ng namayapa niyang asawa

At yung napanaginipan ko kanina, yun ang pinakamalala. I saw myself as a pregnant Jasmine

Fuck, ano bang nangyayari saakin?

Lumabas ako ng kwarto ko at patalon-talon na naglakad sa hallway papunta sa hagdan. Pero huminto ako at lumakad paatras hanggang sa tumapat ako sa pinto ng kwarto ni Liam

Tinignan ko ang wristwatch ko, its 7:00 am time to wake him up. I turned the knob at dahan-dahan na binuksan ang pinto.

I smiled ng makita siyang natutulog, dahan-dahan naman na pumasok ako at isinara ang pinto.

Lalakad sana ako palapit sa kanya ng mahagip ko ang wedding portrait nilang dalawa ni Jasmine.

They are smiling na para bang nakamit nila ang pinakamalaking premyo sa lahat.

Sana ako na lang siya.

Sana kami na lang.

Never mind, back to the mission. Umupo ako sa space sa gilid ng kama ni Liam at tinignan ang maamo niyang mukha.

Pinigilan ko ang sarili na paglandasin ang mga kamay ko sa buhok niya.

He groaned at dahan-dahan na tumihaya, I heard his sigh at nakita ko naman ang dahan-dahan na pagmulat niya ng mata.

Mga ilang segundo siyang nakatingin sa kisame bago ibinaling ang tingin saakin. He smiled, OMO NGUMITI SIYA >.<

His Series #4: Liam WalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon