Walang ni isa man sa mga turistang nagtampisaw sa dagat at nagkasiyahan sa dalampasigan ang nakapansin sa nag-iisang sniper na nagta-target shooting, eleven hundred meters mula sa baybayin. Most mornings, Jarred hit his target without fail. Pero hindi ngayon. Malakas kasi ang hangin sa araw na yon na parang may paparating na bagyo.
Pero kahit balakid man ang masamang panahon hindi pa rin iyon hadlang sa kanyang pag e-ensayo araw-araw. Kailangan niyang maging mas magaling pa at hindi niya sasayangin ang dalawang taong ginugol niya para lang dito.
He lifted away from the rifle and peered through his scope at the buoy swaying in the waves and wind. Kailangang bullseye ang tama niya rito. Pumwesto na siya sa kanyang nakasanayang posisyon habang itinutok ang kanyang rifle sa target. Ngunit bigla nalang umagaw sa isip niya si Jenan. He thought about her the second to the last time they were together. Lalo na yong huli nilang pagniniig kung pano nasiyahan si Jenan sa kanyang ice cube technique.
He could still hear the hiss of protest she'd given when the ice cube had first touched her skin. Hanggang ngayon kasi naririnig pa rin niya ang hagikhik ni Jenan sa tuwing dumadampi ang yelo sa balat nito. At higit sa lahat nami-miss na niya ang ungol nito sa ibabaw ng kama. Sweet, vulnerable, girlie sounds that were totally opposite sa pagkakilala ng ibang tao kay Jenan. Malayong-malayo kasi ang astig na persona nito sa tuwing magkasama sila. Dahil may milagro talagang mangyayari pag magkasama sila. At yon nga ang lihim nilang dalawa sa kanilang mga kasamahan noon at sa kanilang ahensiya. Ang kanilang secret love affair.
Kumirot na naman ang puso niya sa isiping iyon, kaya minabuti niyang ibalik ang buong pokus sa scope. He studied the buoy's pattern of movement, then set his finger on the trigger. Hinga ng malalim, Jarred - ngunit si Jenan ang nakikita niya sa kanyang target. Ipinikit niya ang mga mata at nagpakawala siya ng malalim na hininga sabay ng pagkalabit niya sa gatilyo. The buoy bell gonged with the hit. Bullseye.
Nag load ulit siya ng panibagong magazine at binabalik-balikan ang proseso. Gong. Walang mintis. Ayos!
Ngunit bigla nalang tumunog ang kanyang computer alert system. Hindi niya ito pinansin nong una. Hanggang sa tumunog ulit ito. Ilang buwan na rin kasing hindi niya binubuksan ang kanyang email, viber, at iba pang social media. Kumbaga hindi na siya active sa mga ganoon, eh wala na nga rin siyang pakialam kung ano na ang nangyayari sa mundo. Subalit natutukso siya ngayon na basahin ang laman ng mensahe ni Reagan McCartney, ito nalang kasi ang nag-iisang kaibigan niya sa Interpol na naniniwala sa kanya.
Siguro tungkol kay Royet na naman ang ibabalita nito. Wala namang bago eh. Nakakulong naman yong tao. Pero pano kung tungkol naman kay Jenan ang ibabalita nito? Ipinagtapat kasi niya rito na gusto niya ang babae at kung may update siya tungkol dito ay babalitaan siya agad.
Pumasok na siya sa kanyang munting tahanan at ibinaba na niya ang hawak na rifle sa gilid ng kanyang fridge. Binuksan niya ang fridge at kumuha siya roon ng maiinom, saka linapitan niya ang kinaroroonan ng laptop.
Napadukwang naman siya para basahin ang mensahe ng kanyang email.
Royet escaped at 0700 hours. Jenan is missing.
He paused with his hand around the cola's twist-off bottle cap and read the message again. Bigla siyang nanigas at halos hindi makagalaw. Hindi na niya pinagpatuloy pa ang pagbukas sa cola at sa halip ay umupo siya at binasang muli ang mensahe ng kaibigan.
Sa panlimang beses na binasa niya, tulala pa rin siya. Hindi kasi niya matanggap ang balita na nawawala si Jenan. Ang hirap paniwalaan na basta-basta nalang itong mawawala. Pangalawa - nakatakas si Royet. Paano? Eh ang higpit ng security nila sa maximum prison. Potek! Hindi maaring makatakas si Royet dahil kailangan niya ito para patunayan sa Interpol na hindi siya nagtataksil sa ahensiya. Na inosente siya.
Seven hundred hours was only thirty minutes ago and Puerto Rico was only one hundred and twenty miles northwest. Doon kasi nakakulong si Royet sa loob ng Fort Buchanan - U.S. airbase ng Puerto Rico. Paano kaya nakatakas si Royet? Fort Buchanan was solid, security-wise. Kung nakakulong ka doon, wala ka na talagang kawala.
Subalit sumagi nalang sa kanyang isipan ang biglang pagkawala ni Jenan. Hindi kaya...hinahanap ni Jenan si Royet? Nanginginig ang buong kalamnan niya sa isiping iyon dahil baka mapahamak lang si Jenan.
Napatingin naman siya sa mala-asul na dagat. Mukha naman ngayon ni Royet ang kanyang nakikita. Naalala pa kasi niya kung pano siya pinagtaksilan nito. Ang itinuring niya sa mahabang panahon na matalik na kaibigan at kapatid na ngayon ay kinamumuhian na niya.
Hindi na siya dapat magsayang pa ng oras. Kaya agad niyang kinuha ang kanyang itim na canvas bag, kung saan nasa loob nito ang kumpleto niyang gear, pera, mga armas, at bomba. At kahit anuman ang mangyari sa paghahanap niya kay Royet, hinding-hindi na siya babalik sa islang ito. Mahirap na, baka may maiwan pa siyang bakas dito.
Pero bago siya umalis ng bahay, siniguro muna niya na wala talaga siyang maiiwang bakas. He took one last look around, then stepped into the morning sunshine. Naglagay naman siya ng C4 sa kanyang pintuan at humakbang na siya papalayo.
Nang malayo-layo na siya sa kanyang bahay, walang sere-seremonyas na pinindot niya ang detonator at kasunod non ay ang malakas na pagsabog. Dali-dali naman siyang sumakay sa kanyang pumpboat at napapakaway sa kanyang sumabog na bahay. "Adios, sayonara, farewell." aniya saka siya tumalikod at humarap sa malawak na karagatan. "Hello, World."
*****
BINABASA MO ANG
Tough Hunks Series (9) Jarred : The Undaunted
ActionGagawin ni Jarred Winters ang lahat maibalik lang niya ang tiwala sa babaeng labis niyang minahal, kahit pa abot hanggang sukdulan ang pagkamuhi nito sa kanya. Ika nga nila, "Trust is a fragile thing. Easy to break, Easy to lose and one of the hard...