Chapter 3 : The Mystery Shooter

2.2K 128 15
                                    

Alam ni Royet na sumusunod si Jenan sa kanya dahil sa naririnig niya ang mga yabag nito. Ngunit hindi siya basta-basta nalang na magpapahuli ng buhay rito kaya't agad siyang pumasok sa malawak na lote papasok sa isang abandonadong bodega, tingnan lang natin kung makakasunod pa ba sa kanya si Jenan.

Samantalang mabilis na itinago ulit ni Jenan ang kanyang baril dahil sa nakatingin sa kanya ang mga sibilyan na naraanan niya. Nabubwesit naman siya sa taong nagpaputok kanina dahilan sa pagtakas ni Royet. Pero bahala na, kahit saanmang sulok magtago ang lalaki ay hahanapin pa rin niya ito at papatayin sa walang pag-aalinlangan.

Two years ago, right after she was shot by Royet. Mga limang buwan rin ang pagdurusa niya bago siya tuluyang naka recovered. Her need for revenge against Royet and the pain of Jarred's betrayal kept the fire of her determination lit until she wasn't merely as physically capable as she had been before.

Napahinto naman siya sa pagtakbo nang makita niya ang tatlong marurungis na bata na kumakain ng tinapay sa gilid ng kalsada. Ngunit naisip niya na hindi iyon oras na maawa kaya't nagpatuloy siya sa pagtakbo para habulin si Royet.

Umalingawngaw ulit ang isa pang putok, this time naririnig niya ito na nasa malapitan lang.

Mamaya ka na ulol, kung sino ka man. Uunahin ko muna ang target ko.

Pumailanlang na naman ang sunod-sunod na putok at narinig nalang niya ang pamimilipit sa taong natamaan. Napahinto nalang siya nang makita niyang si Royet pala ang natamaan sa binti nito nang papasok na sana ito sa abandonadong bodega. Ngunit nagpatuloy pa rin sa paghakbang ang huli kahit sugatan na ito. Good thing masusundan agad niya ito dahil sa patak ng dugo nito. This was her chance. Binunot niyang muli ang baril saka pumasok din siya sa abandonadong bodegang pinasukan ni Royet. Kitang-kita naman niya ang lalaki na pasuray-suray ng lakad habang iniinda nito ang sugatang binti. Sakto ring may nakita itong nakatambay na bike roon at sinakyan nito. Dali-dali naman siyang humakbang papalapit dito at inasinta ang lalaki sa kanyang baril. But before she could pull the trigger, a bang sounded from behind her. Natumba ang bike kasama si Royet.

Bwesit! Masyado na talagang nangingialam sa kanya ang mystery shooter. But the whine of a motorcycle's engine caught her attention. Pagkalingon niya sa kanyang likod, nakita niya ang isang lalaki na nakasakay ng motor at natatabunan ang mukha nito sa suot na helmet.

"Oh, shit." Ang tanging nausal niya.

The mystery shooter. Mukhang malakas ang appeal ng lalaki dahil sa porma pa lang alam mo nang magandang lalaki. Tas agad naman niyang napansin ang hawak nitong HK45 pistol.

Pero bakit ba ito nangingialam sa diskarte niya? Sino ba talaga ito, kakampi kaya ito ni Royet? O isa rin sa naghahabol sa lalaki para patayin ito?

Then again, it didn't matter how many people wanted Royet Moore dead. Kailangan niyang maunahan ang mystery shooter na ito kung pareho man sila ng layunin. Ngunit pagkalingon niya ulit kay Royet, wala na roon ang lalaki kung saan ito bumagsak. Narinig naman niya na papalapit sa kanya ang motorsiklo kaya't agad niyang binaril ang taong nakasakay non. Swerte namang nakailag ang gago sa pamamaril niya gamit ang motorsiklo kung kaya't binaril niya ulit ito. But then he jump the partition and land on the walkway passed her. Whoever he was, this man was a professional. A damn good one. Napalingon pa ito sa kanya ng bahagya na parang nanunudyo.

She stood, ready to shoot him in the back, but he was too skilled to give her an adequate target, moving the motorbike in unpredictable swerves. Tuluyan na itong nakalabas sa backdoor ng bodega at sinundan niya agad ito.

Langhiyang pakialamerong ito, naglaho ng tuluyan si Royet dahil sa pangingialam nito. Kaya't humanda ka sakin.

Pagkalabas niya ng bodega, bumungad sa kanya ang simoy ng dagat. Malamang may malapit lang na dalampasigan roon kaya't nagpatuloy lang siya sa paghakbang hanggang sa unahan. Nawala na rin yong bwesit na pakialamero.

Tough Hunks Series (9) Jarred : The UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon