While Jarred was airborne, Royet noticed what he was doing and jerked the wheel left. Jarred's hand closed over the metal bar atop the rail, but he didn't make it on board. Sa halip ay sumampa ang katawan ni Jarred sa speedboat habang nagsimulang tumakbo ang speedboat ng mabilis.
At dahil nga sa bilis ng takbo kaya nabitawan ni Jarred ang isa niyang kamay na nakakapit sa metal. With the air and water pressure, he was pushed to the rear corner of the boat.
Ang susunod nalang niyang namalayan ay nakaapak na si Royet sa isa niyang kamay na nakakapit sa rail. Jarred tried to swing his leg up to catch on the ladder, but Royet's assault was too much. Tuloy nabitawan ni Jarred ang kanan niyang kamay na nakakapit sa rail pero ipinalit naman niya sa pagkapit ang kaliwang kamay.
With a shaky, smart left hand, Jarred moved his grip to the ladder so Royet couldn't stomp on him anymore, then reached for his gun. Malas lang niya dahil detachable rin pala yong ladder at sinimulan na nga itong kalasin ni Royet. Ang tanging opsyon nalang niya ay ang mahawakan ang lubid ng parasailing na naka-attached pa rin sa barko.
Nang maabot niya ang lubid, agad niya itong ipinaikot sa kanyang kamay. Ngunit nang makita iyon ni Royet, agad rin itong humugot ng patalim mula sa beywang nito at nakita niyang akmang lalaslasin na nito ang lubid na kinakapitan niya.
Pinilit naman ni Jarred na makaakyat sa speedboat habang abala pa si Royet sa paglaslas sa lubid. Then Jarred seized his chance to climb aboard with a growl of effort, until he fell to the floor of the boat.
Nang agad siyang makatayo mula sa pagbagsak ay binalingan niya ulit ang dating kaibigan. "Royet, you bastard. Patigilin mo itong barko."
Mabilis namang napalingon sa kanya si Royet, but he left the boat racing over the water at an impossible speed. "Not a chance, my friend. Bakit mo ba kasi ako sinusundan hanggang dito sa isla?"
"Dahil papatayin ka ni Jenan kung hindi ko siya uunahan."
Napahalakhak lang ng tawa si Royet. "Nah, di ba magkakampi kayong dalawa, tama ba ako? Alam ko namang patay na patay ka sa babaeng iyon, loverboy."
Wow ha. Alam pala ng talipandas na ito ang pagtingin niya kay Jenan. Alam din kayo nito ang relasyon nila noon? Kung alam nga nito, bakit nagawa nitong barilin si Jenan na muntik ng ikasawi sa dalaga? Bakit nagawa nitong saktan ang mahal niya kung may halaga talaga nito ang pagkakaibigan nila noon?
Looking into the face of the man Jarred had once considered his brother, Jarred felt his blood start to boil. Pero kahit ano paman ang rason ni Royet, nagawa pa rin nitong saktan ang babaeng mahal niya.
At dahil malapit lang siya sa manibela ng barko kaya't mabilis niyang nilapitan ito at kinabig pakaliwa. Pasugod naman sa kanya si Royet, pero agad niyang kinabig ulit ang manibela pakanan.
Jarred gave Royet a shove, sending him stumbling toward the rear of the boat. "Alam kung may namamagitan sa inyo ni--" naputol ang sasabihin ng gago kasi kinabig niya ulit ang manibela pakaliwa.
Royet bounced back swinging, this time catching Jarred with a blow to the chin. Ngunit ininda lamang niya ang sakit sa biglaang pagsuntok nito sa kanya at saka niya sinakal sa leeg si Royet.
Napaatras si Jarred ng konti, but Royet locked his arms around his middle and pedaled forward, pushing Jarred to the steering console. His midback hit hard against the rim of the console, knocking the wind out of him.
Kailangan talaga niyang malamangan si Royet para makuha niya ulit ang kontrol ng barko. Pero kahit sugatan sa binti si Royet ay malakas pa rin ito. Natigilan lamang silang dalawa nang marinig nila ang malakas na busina. Sabay nga sila ni Royet na napalingon sa paparating na barge. Ngunit habang distracted siya sa pinanood na barge, nakakuha naman ng tiyempo si Royet na upakan siya. Na out of balance siya sa pinakawalan na suntok nito dahilan sa pagkahulog niya sa dagat.
He came up spluttering and gasping for breath. At nang makaahon siya mula sa ilalim ng tubig, nakita naman niyang tuluyan ng nakalayo ang speedboat na sinasakyan ni Royet. Tas narinig nalang niya ang tunog ng paparating na chopper. Natuwa siya dahil baka mga pulis iyon na nagpapatrolya sa karagatan, at least makahingi na rin siya ng tulong.
Nang matapat sa ibabaw niya ang chopper unti-unti naman itong bumababa, but after blinking water from his eyes he took a closer look. Private na chopper pala ito at nakadungaw mula roon sa passenger seat si Jenan. She leaned over the edge of the open passenger doorway, her hair waving wildly in the wind created by the rotors.
"Ayos ka lang?" tawag nito.
Galing! Nag hire pa ito ng aerial tour pilot para lang makasunod ito sa isla. That was a smart move.
"Yeah." Sort of. Ang wasak na puso ko lang naman ang hindi pa naaayos.
Subalit nagulat na lamang siya nang makita niya ang isang kamay ni Jenan na nakahawak ng baril at nakatutok ito sa piloto. Kung ganon, hindi pala nag hire ng piloto ang dalaga para lang masundan sila rito sa isla, kundi gumamit ito ng pwersa para mapasunod nito ang piloto. Hindi nga niya maintindihan ang dating nobya kung bakit kailangan pa nitong maghigante sa halip na ipagpasalamat nito na binigyan pa siya ng tsansa na mabuhay. Sasayangin lang ba nito ang pangalawang buhay sa paghihigante?
"Paparating na ang mga U.S. navy." tawag ulit nito.
Hindi niya ito inasahan, pero kailangan niyang makalayo bago pa siya maabotan sa mga U.S. Navy. Nagtatago rin kasi siya sa awtoridad ng Estados Unidos, isinangkot kasi siya sa kaso ni Royet bilang kasabwat nito. Pero paano siya makakalayo sa lugar na yon kung nasa gitna siya ng dagat?
Ayaw pa naman niyang humingi ng tulong lalong-lalo na kay Jenan na sukdulan ang pagkamuhi nito sa kanya. At tuloy naalala na naman niya ang huling sinabi nito. Na sidekick lamang siya at kailanman hindi magiging bida. Damn it! Kailangan talaga niya ang tulong nito. "Bigyan mo naman ako ng makakapitang lubid oh." aniya pero wala sa kanya ang pokus ni Jenan kundi nasa malapit na isla. Kahit pa sa distansya ng kinaroroonan nila, nakikita pa rin niya sa mga mata ng dalaga na desperado talaga itong makuha si Royet.
Putragis na buhay naman ito oh. Mukhang magagawa nga akong iwan ni Jenan sa gitna ng karagatang ito mahabol lang nito si Royet.
"Please, wag mong gawin yan, Pandora." balik niyang tawag dito.
Ngunit inignora lamang siya nito saka tinapik nito ang balikat ng piloto. Hindi man niya narinig ang sinabi nito pero nabasa niya ang galaw ng bibig nito na nagsasabing 'go'.
Just like that, and she was gone with the wind.
Ganon na ba ito kalupit sa kanya at basta nalang siyang iniwan nito? Dalawa lang naman kasi ang pagpipilian niya, either mahuli siya ng U.S. Navy o lalapain siya ng mga pating dito mamaya. Kapalaran nalang ang maghuhusga sa kanya kung makakaligtas pa ba siya mula rito sa dagat. Alam naman niyang mahal siya ni Lord kaya hindi pa siguro siya kukunin nito.
Ngunit naisip nalang niya na hindi pa talaga oras niya na madakip o maging masarap na ulam ng mga pating. Swerte nalang niya dahil may paparating na luxury yacht at naaninag niya mula roon ang mga naka two piece na chika babes na nagsasayawan sa deck. Eh di bonus na bonus.
Kung sinusuwerte ka naman Jarred oh, matapos mong malasin.
Agad niyang itinaas ang isang kamay at ikinaway-kaway para matawag niya ang pansin ng mga ito. At umusal naman siya ng isang panalangin na sana maawa ang mga ito sa isang kaawa-awang lalaki na nagpautaw-utaw lang sa malawak na karagatan.
*****

BINABASA MO ANG
Tough Hunks Series (9) Jarred : The Undaunted
БоевикGagawin ni Jarred Winters ang lahat maibalik lang niya ang tiwala sa babaeng labis niyang minahal, kahit pa abot hanggang sukdulan ang pagkamuhi nito sa kanya. Ika nga nila, "Trust is a fragile thing. Easy to break, Easy to lose and one of the hard...