Unang Kabanata

16 1 0
                                    

Hindi ko malaman ang aking magiging reaksyon nang sabihin saakin ng punong guro ng aming paaralan na ako ay natanggap bilang isa sa mga nananaliksisk tungkol sa ikalawang digmaan.

Lubos akong natutuwa dahil matagal ko ng pangarap na makapasok sa kanilang grupo.

Marhay na aldaw! Ako nga pala si Ancella Meredith Valdez, isang labing 16 na taong gulang, nag aaral sa Universidad De Sta. Isabel at nasa ikaapat na taon sa sekondarya.

Hilig ko ang pagbabasa tungkol sa ating kasaysayan. Minsan inuubos ko ang aking oras kakabasa ng mga akda tungkol sa mga digmaan at mga pananakop sa ating bansa.

Ay! Bago ko nga pala makalimutan, ipapakilala ko muna ang aking matalik na kaibigang si Alfonso Fransisko Villanueva. Siya ang aking matalik na kaibigan simula nung kami ay nasa elementarya pa lamang.

Naging magkaibigan kami ni Alfonso noong sinira ng mga malditang babae ang kanyang paboritong krayola na kulay rosas. At siya'y pinagkatuwaan dahil halos lahat ng kaniyang mga gamitan ay puro pambabae. Oo, alam ko na ang iniisip niyo. Si Alfonso ay isang binabae ngunit siya yung tipo ng binabae na mabait,may respeto sa kapwa,maginoo kahit na ano haha na binabae siya at matapang.

Ay! Oo nga pala, ayaw niyang tinatawag siyang Alfonso dahil masyado daw itong tunog lalaki kaya kung maari eh, Alfie nalang ang itawag niyo sakanya.

Nandito kami ngayon ni Alfie sa silid aklatan at naghahanap nanaman ng bagong libro tungkol sa ating kasaysayan.

Pero itong si Alfie ay nakikinig lamang sa musika sa kanyang selpon. "Huy Alfie! Magbasa ka din kaya!" saka niyugyog ko siya dahil nakapikit at mga mata niya at mukhang dederetso sa pag tulog.

Idinilat niya ang kanyang mga mata, at pagalit na tumingin saakin. "Ano ba Ancella?!" pasigaw niyang sambit kaya sinita siya nung katiwala ng aklatan.

Binelatan ko siya at saka tumawa ng mahina. "Hay nako Ancella Meredith, Kaya di ka nagkakajowa eh." saby irap sakin. "Ano na naman ang gusto mong iparating ha. Alfonso Fransisko?" siya'y nainis dahil sa pag banggit ko ng kanyang pangalan, na siya naman kinatuwa ko.

Umupo siya nang maayos at umirap muna bago nagsalita. "Kasi naman teh, puro ka libro!libro!libro!libro! Magkakapalit na ata kayo ng mukha ng mga libro eh. Ayan nawawalan ka na ng pake magkajowa pati na din sa paligid mo. " bakit siya pa yung naiinis? Gulo din nito eh.


Sinara ko ang libro hawak ko at tiningnan siya ng masama. "Alam mo namang---" pinutol niya ang dapat kong sabihin at sinabing "Alam mo namang wala akong oras para diyan diba? Tsaka ang bata pa kaya natin." Talagang ginaya niya pa ang paraan ng pagkakasabi ko nun."Nako teh, tatanda ka atang dalaga. Alam mo ba yung crush mong si Jio tsaka yung babaeng nagkakagusto sakanya na si Lalaine. Wala lang." Kala ko naman sasabihin niyang si Lalaine at Jio na.


Si Lalaine ay isa lamang sa mga nagkakagusto kay Jio. Oo, isa lamang. Kasi ang daming nagkakagusto dun dahil yon ay pogi,magaling mag tennis,magaling sa math,english at science,mabait at higit sa lahat MAGINOO na medyo bastos---PERO MAS LAMANG ANG PAGIGING MAGINOO NIYA. Isa din ako sa mga nagkakagusto kay Jio. Sino ba namang hindi maglalagusto doon diba?


Pero si Jio nagustuhan ko siya dahil siya ay mabait at maginoo.


Nauuhaw na ako kaso wala namang laman ang tubigan ko kaya pupunta muna ako sa kantina upang maglagay ng tubig. "Alfie, kuha muna akong tubig." Lumabas na agad ako kasi alam ko naman na tamad yun eh. Di ako nun sasamahan.

Palabas na sana ako ng kantina ng may mabangga akong isang pamilyar na lalaki. Pero di ko muna tiningnan ang mukha nun, dahil tumapon sakanya ang tubig na hawak ko. Di ko namalayan na di pala mahigpit ang pagkakasara ko sa tubigan ko.


Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang lalaking natapunan ko ng tubig. "Hala, Pasensya talaga Jio. Di ko sinasadya, Di d ako tumitingin sa dinadaan ko eh. Pasensya na talaga." Nakayuko kong tugon dahil labis akong nahihiya sa aking nagawa.

Tinapik niya ang balikat ko, tumawa ng mahina at sinabing "Ano ka ba, Ancella.Ayos lang yon. Tumatakbo rin kasi ako kaya tayo nagkabanggaan. Pasenya na din." Tsaka niya ako nginitian kaya kinikilig ako ng onti HAHAHAHAHAHAHA. Pagkatapos nun nagpaalam na si Jio kasi 10 minuto lang pala ang binigay ng coach nila upang magpahinga o kaya uminom ng tubig.


Paakyat na sana ako ng hagdan ng harangin ako ni Lalaine kasama ang kanyang pabebeng tropa. Nako, nakita ata ni Lalaine ang nangyari kanina.

Si Lalaine ay baliw na baliw kay Jio. Tila siya isang stalker nito at kung umaasta ay tila jowa ni Jio. Nakakatakot din si Lalaine kasi madalas niyang pagbantaan ang mga taong lumalapit kay Jio. Ewan ko ba sa babaeng yan kung bakit ganyan siya kabaliw kay Jio. Siguro dahil na rin sa mga kaibigan niyang pinagtutulakan siya dito.

Di ko alam kung matatakot ako o matatawa sakanya eh. Kasi nakataas ang isang kilay niya ay nakatingin saakin ng masama. "BA.KIT.MO.KINA.USAP.ANG.JIO.KO?!!!" teka lang mga teh, narinig niyo ba yon? 'JIO KO?' kelan pa kaya naging kanya si Jio? napaka ilusyunada naman nitong baliw na to.

Lumapit ako sakanya kaya napaatras sila. Si Lalaine ay maliit lamang kaya nakatingala siya saakin. "Bakit? Bawal ko bang kausapin si Jio?" Mahiyain ako sa crush ko pero malakas ang loob ko makipagsagutan sa ibang tao. "Oo. Bakit." Wow. Bawal daw kausapin si Jio. Tsk. "At bakit bawal siyang kausapin? Sa'yo ba siya?" Grabe, di ko ineexpect na totoo pala ang chismis tungkol dito kay Lalainenano.


Hinawi niya ang buhok niya sa likod at umirap ulit sakin bago magsalita. Hays, kala mo naman ang ganda niya. "Kasi akin siya." Napatawa na lamang ako ng malakas dahil sa kanyang sinabi. "Wow! Di ko alam na kayo ni Jio. Baka di din ata alam ni Jio na kayo eh. Wag kang ilusyunada teh. Di ka na tatangkad niyan, taas kasi ng pangarap mo eh." Mukhang napahiya siya sa aking sinabi kaya't di na siya nagsalita pang muli,tinulak ko siya patagilid at tsaka siya nilampasan. Narinig ko pa siyang tumili na tila isang batang inagawan ng kendi.
"NAKAKAINIS KA TALAGA ANCELLA MEREDITH!!! MAY ARAW KA RIN SAAKIN!!"


Nako Jose Antonio!!(SI JIO YAN) Tingnan mo ang epekto mo sa mga kababaihan dito! Mga nababaliw na. Buti pa ako hindi HAHAHAHA!



Tinext ako ni Alfie na uuwi na daw siya dahil ang tagal tagal ko daw. Hay Nako, kung 'di lang ako hinarang nung baliw na Lalaine na yun edi sana di ako mag isa uuwi.






-----------------------ITUTULOYYYYY-----------------------

1941 - MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon