Ikalimang Kabanata

7 1 1
                                        

IKALIMANG KABANATA

*****
---ANCELLA---

Nabulabog ang mahimbing naming tulog dahil sa lakas ng pagkatok sa aming pintuan.

Bumangon si Jio kahit na inaantok pa siya at ako naman ay inayos ang hinigaan at inayos ang mga gamit namin.

"Jose! Selya! Kailangan na nating makaakis dito! Narinig namin sa radyo ang balita na paparating na raw ang mga hapones sa ating bansa. Kami ay uuwi sa bicol upang doon na lumikas. Kami ay sasakay ng tren pauwi. Baka gusyo niyong mag asawa na sumama sa amin." Hinihingal na bigkas ni Mang Fredo.

Pumayag na kami at mabilis na kumilos upang tulungan ang pamilya nina Mang Fredo na ilagay ang mga kagamitan sa kanilang Kalesa.

Makikita mo na talagang nagkakagulo na mga kapitbahay nila Manang Salome.

"Andyan na! Andyan na ang mga eroplano ng mga hapones! Kailangan niyo nang magsilikas." Di namin alam kung kaninong boses yan. Nagkakagulo na ang mga tao dahil sa takot na baka sila ay patayin ng mga hapones.

Naawa ako. Gusto ko man silang tulungan. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko pwedeng baguhin ang mga kaganapan.

"Kayong mag-asawa! Sumakay na kayo sa kabilang kalesa. Upang tayo ay makaalis na at magtugo sa estasyon ng tren." Pagkasakay namin, agad na pinatakbo ni Luis ang kalesa.

Medyo matagal ang naging biyahe namin dahil na rin sa dami ng taong naglalakad patungo sa estasyon ng tren. Mabuti na lamang kami ay nakasay sa kalesa kaya't di kami gaanong nahirapan.

Pagkarating sa estasyon, Nagtulungan ulit kami upang buhati ang mga kagamitan ng kanilang pamilya at agad na ring sumakay sa tren.

Halos hindi na kami makakilos dahil punong puno talaga ito ng mga tao.

Katabi ko si Jio at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip. Marahil gusto na niya ring makita ang kanyang mga magulang kaso hindi pa pupwede dahil di naman namin alam kung paano kami makakabalik sa kasalukuyan.

Tumunog na ang busina ng tren, hudyat na ito ay aalis na. Mayroong mag ina ang nasa aming harap kasama niya ang kanyang mga anak. At ang pinakabata sa kanila ay nasa dalawang taong gulang siguro.

"Mahal, sumama ka nalang sa amin. Magtago tayo. Alam mo naman na delikado kung mananatali ka dito, Sumama ka nalang sa amin. Maawa ka na. Hindi ako mapapanatag kung ikaw ay nandito at kami ay nasa probinsiya at nagtatago." Hawak hawak niya ang dalawang taon niyang anak at umiiyak. Niyakap siya ng kaniyang asawa kaya mas lalo silang naigyakan. Pati ang mga anak nila. Iyak din ng iyak.

Hinaplos ng lalaki ang mukha ng kaniyang asawa. "Alam mo namang gusto ko din sumama sa inyo pero 'di ko pwedeng talikuran ang serbisyo ko." Nalaman nalang namin na isa palang sundalo ang asawa ng babae. Kahit gusto niyang sumama sa kaniyang pamilya mas pinili niyang magpaiwan upang ipaglaban ang ating bansa. Naawa kami ni Jio. Pero kung kami din ay nasa sitwasyon niya gugustuhin naming magbuwis ng buhay upang ipaglaban ang ating bansa.

Mas lalong lumakas ang iyak ng kaniyang asawa at mas lalo kaming naawa. Bumaba na siya ng tren ngunit sumigaw ang asawa niya. "Maaawa ka na. Wag ka nang umalis!" Naiyak na din ako kasi na aaawa ako sa kanyang asawa.

Lumapit ako at pinapatahan ang asawa niya. "Misis huminahon na ho kayo. Babalik naman ho siguro ang asawa niyo." Pero alam kong walang kasiguraduhan kung babalik ka ng buhay ang kanyang asawa o babalik na bangkay na lamang.

Umandar na ang tren kaya wala nang nagawa ang kaniyang asawa. "Papaano na ang mga anak namin? Paano kapag namatay siya sa gitna ng digmaan?" Maiyak iyak na tanong niya. Wala kaming naibigay na sagot sakaniya dahil maski ako, di ko alam kung mabubuhay ba kami dito at makakabalik pa sa kasalukuyan.

Binigyan kami ni Manang salome ng tig isang tas ng kape. "Maraming salamat ho." Nginitian ko si manang salome dahil napakabait nila sa amin kahit dayu lang kami dito.

Habang umaandar ang tren tumingin ako sa may bintana at makikita mo ang ganda ng mga tanawin. Gusto kong sumandal sa may bintana kaso masyadong mahangin kaya nagugulo ang buhok ko. May inalabas na goma si Jio at itanali ang buhok ko. Nakakakilig ang kaniyang ginawa dahil siya amg kaunaunahang lalaking gumawa sa akin nito. "Maraming salamat, Jose." Inaantok na talaga ako at gusto ko nang magpahinga dahil ramdam na ramdam ko na ang pagod. "Sandal ka muna sa akin, Selya." Napangiti ako sakanya at sumandal sa kaniyang balikat.

Napapansin ko lang na di na ako masyadong naiilang sakanya dahil alam kong kailangan ko munang tanggalin ang pagiging mahiyain ko lalo na't nagpapanggap kami bilang isang mag asawa.

---JIO---

Nakatulog na si Ancella kaya tinitigan ko siya. 'Di siya gaanong kagandahan pero may dating siya kung saan gugustuhin mo nalang maging kaibigan siya.

Lagi ko siyang napapansin sa aming paaralan bilang isang masayahin at palangiti na babae. Nagagandahan ako ng sobra sakaniya kahit ang simple lang ng pananamit niya at kung minsan pang lalaki siya pumorma.

Napaganda ng kaniyang kilay at pilikmata. Napaka perpekto. Pero ang nagustuhan ko sakaniya ay ang kaniyang ugali na napakabait, seryoso minsan,matulungin at mapagmahal.

Huminto ang tren. Hindi ko alam kung anong estasyon kaya't ginising ko muna si Ancella.

tinapik ko ang kaniyang mukha at tinawas siya. "Selya! gumising ka na. Baba muna tayo at bumili ng karagdagang gamot at pagkain." Di pa rin siya nagigising kaya hinalikan ko siya sa pisngi na siyang kinagulat niya dahil 'di ko naman nakita na kadilat pala ang kaniyang mga mata. Nakita kong namula ang mukha niya at siya ay natulala saglit.

Biglang tumayo at hinila ako palabas ng tren. "Tara na nga Jose!" Natawa na lang ako sa inasal niya."Bilhin na kaya natin itong tatlong lata ng mga biswkit, ano sa tingin mo Jose?" Napaganda niya talaga kahit medyo magulo ang kaniyang nakataling buhok. "Huy! Ano ba magsalita ka nga!" Napagtitig na pala ako sakaniya. Ano ba naman yan nakakahiya ang ginawa ko.

"Sige. Ako na magbibitbit." Nagbayad na siya sa Ale at agad ding tumakbo sa isang maliit na botika malipit sa kinakatayuan namin. Napakabait at napakamatulungin niya talaga. Kaya madami din ang nagkakagusto sakaniya sa paaralan namin na di niya alam.

Bumalik na siya hawak hawak ang mga gamot. Binuhat niya ang isang lata ng biskwit. "Tara na Jose" nakangiti niyang saad kaya nginitian ko siya pabalik.

Pagkabalik namin sa taas labis na nagulat ang pamilya ni Mang Fredo sa dami nang lata ng biskwit na aming binili.

Panibagong araw na naman ang aming haharapin. Panibagong araw kung saan di naman alam kung makakaligtas pa ba kami. Panibagong araw na mararanasan namin mamuhay sa gitna nang giyera.

---ANCELLA---

Disyembre 8, 1941

Ito ang aming ikalawang araw sa panahong ito. Ito na ang simula. Ang simula kung saan mararanasan na namin ang buhay sa gitna ng digmaan. Kahit alam ko na ang mangyayari ako ay kinakabahan pa rin.

Para sa aking minamahal na Jose Antonio, gusto ko lamang sabihin na ako'y lubos na natutuwa dahil ikaw ang aking kasama dito. Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan. Salamat dahil nararamdaman kong ligtas ako sa mga bisig mo. Kung tayo man ay hindi palaring makabalik sa kasalukuyan ikaw ay mamahalin ko hanggang sa walang hanggan. At kung tayo man ay makakabalik sasabihin ko ang aking tunay na nararamdaman kahit hindi mo ito suklian ng pagmamahal na aking hinahangad.

Sana'y kayanin natin ang lahat ng ito. Mahal na mahal kita.

Nagmamahal,
Ancella Meredith

--------------------------ITUTULOYYYYY------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1941 - MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon