Ikalawang Kabanata

12 1 3
                                        

!!!!!!!PAALALA:ANG MGA NAKA ITALIZE 1PO AY TRANSLATION PO NG BICOL WORDS TO TAGALOG,, LAMATZ.!!!!!!

Palabas na sana ako ng paaralan ng may bumisina sa likuran ko. Napatalon tuloy ako sa gulat. Diyosmiyo, una ko magagadan na ako (jusko, akala ko mamamatay na ako) Nakakagulat naman to. Sino ba to?

Bumukas ang bintana nung sasakyan at nagulat ako ng makita ko ang nagmamaneho nito,si Jio pala!! Magpasalamat ka sakoya ta padangat ta ka, kung dai tig apunan ko ning gapo yang kotse mo! (Magpasalamat ka sa akin kasi mahal kita, kung hindi tinapunan ko na ng bato yang kotse mo!) Kala ko ibang tao. Minsan tong crush ko nakaka ano eh.

"Uy Jio! Ikaw pala yan" teka medyo napaisip ako sa sinabi ko, gaga ka talaga Ancella. Kita mo nang si Jio yan eh, di pa ba halata yun? AISH. Ang gulo ko talaga.

"Uy! Bat ka mag-isa? Bat di mo kasama si Alfie?" grabe may paki din pala tong si Jio sakin. Charot, bawal umasaaaa. "Nauna na si Alfie eh, Ang tagal ko daw kasi haha." Napatawa nalang ako ng mahina dahil ang akward nito para saakin dahil kausap ko lang naman ang crush ng bayan!!! HAHAHAHA.

Gusto ko na umuwi kasi andami ko pang tatapusin. "Uy Jio! Una na ako ha, dami ko pa kasing gagawin eh." Sumenyas na ako sakanya at naglakad. Di pa ako nakakalayo ng sumigaw si Jio. "Ancella! Hatid na kita. Gabi ma din kasi eh,delikado na." Lumabas si Jio at pinagbuksan ako ng sasakyan. "Taga saan ka nga pala Ancella?"

Pumasok muna ako sa sasakyan ni Jio at sinabi ang address namin. "Taga Bagumbayan Norte lang ako." sa totoo lang magkalapit kami ng bahay ni Jio mga 5 minuto ang layo kung lalakarin. "Nako malapit lang pala ang bahay niyo sa bahay namin eh."

Umalis na din kami sa paaralan at dumiretso muna sa isang tindahan ng mga tinapay at keyk. Bibili daw kasi siya ng pasalubong para sa kanyang bunsong kapatid na si Juan Antonio.

Masyado namang makaluma ang mga pangalan nila ha. Ang bait niya ding kuya kasi binilhan niya pa ng cake yung kapatid niya. Namiss ko tuloy si Kuya Francis. Si Kuya Francis kasi ay nag aaral sa estados unidos kaya di namin siya kasama dito. Tanging si Ate Isabella at Mauricio ang mga kapatid kong kasama ko. Buti nga pinayagan si Kuya na mag aral doon eh.

Pagkatapos naming bumili ng keyk, dumiretso muna kami sa bahay nila kasi mauuna itong madaan bago ang bahay namin. Lahat nga pala ng bahay dito sa bagumbayan ay makaluma pero maganda pa din ang istraktura at pagkakapinta nito. Huminto kami sa isang kulay asul na bahay. Maganda ang desinyo ng bahay nila, priniserba din nila ang desinyo ng bhay na sa pagkakaalam ko ay ipinatayo pa noong mga panahon ng kastila.

Bumaba na kami sa sasakyan niya. Medyo nakakahiya naman kung papasok ako sakanila diba? Baka kung ano pa ang sabihin ng kaniyang mga magulang. "Jio? Salamat ha! Una na ako." Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni Jio. "Teka lang, Ancella. Kain ka muna saglit tas hatid kita sainyo." Grabe ang bait talaga ni Jio!!!!! Pero Lord, salamat sa araw na to. Di ko naman hiniling na mangyari eh.

Di ko alam kung papasok pa ba ako sakanila o hindi na. Kasi Nahihiya ako eh, baka kung ano pa ang sabihin sakin ng mga magulang niya. Baka sabihin pa nila inaabuso ko Jio at baka kwestiyonin din kung bakit kami magkasama ngayon. "Nako Jio, wag na lang. Nakakahiya din kasi sa mga magulang mo eh. " Gusto kong tanggapin ang alok niya pero nakakahiya eh.

"Ano ka ba Ancella, wag ka nang mahiya. Mabait naman yung mga magulang ko eh. Tsaka ihahhatid pa kita diba?" Tatanggi ba ako Oo o hindi? Nako Jio ang hirap mong tanggihan. Sige na nga. Tutal minsan lang din naman to mangyayari eh."Sige na nga Jio, kulit mo din kasi eh hahaha." Napakamot nalang siya sa batok niya dahil sa sinabi ko kaya lalo akong natawa.

Pagpasok namin sa kanilang bahay, yung larawan nilang magpamilya ang unang bubungad. Masasabi mo talagang may pinagmanahan si Jio. Parehas sila ng kilay ng tatay niya, pati yung mata niya. Ang kulay kayumanggi niyang mata na kumikinang. Ang ilong at ang labi ay namana niya sa kaniyang ina.

"Uy Tara na, Andun na daw sa may kusina sina Mama." Nakita niya ata akong nakatitig sa larawan nila. Medyo nakakahiya lang naman. Medyo lang naman.

Dapat pala tumanggi nalang ako tapos umuwi na. Grabe biglaan to ha di ko talaga inaasahan na mangyayari to. Parang ambilis diba hahaha.

"Marhay na banggi po." (Magandang Gabi po) Kinakabahan talaga ako ng sobra kahit di naman ito yung unang beses na nakita ko yung magulang niya pero kasi. Hays ang baka kung ano sabihin nila.

"Maupo ka iha. Medyo pamilyar sakin ang mukha mo."Nagulat ako sa sinabi ng Mama ni jio. "Bakit po?" nakatingin pa din saakin ang Mama niya, nahiya tuloy ako. "Tita nalang itawag mo sakin ha. Napapansin ko ding nahihiya ka. Kilala mo ba si Annaliza  Valdez?" Nagulat ulit ako ng binanngit ni Tita Juana ang pangalan ni Mama ko.

Napansin niya siguro iyon kaya tinanong niya ako kung bakit daw. "Ano po kasi, Si Mama po ata ang binabanggit niyo." Baka kaibigan ni Tita si Mama o kaya naman naging kaklase noong sioa ay nasa sekondarya.

"Ang ganda mo na pala, Ancella. Di mo na ba ako maalala? Kami nila Jio yung laging dumadalaw sa bahay niyo noong mga bata pa kayo. Kaya lang nalaman ko na naaksidente ka daw at di ka makaalala kaya di na kami masyadong nakakabisita. Dinala ka rin nila sa Maynila noon upang ipagamot." Teka lang, Hindi ko maalala na naaksidente ako.

"Ikamusta nalang po kita kay Mama." Medyo naguguluhan pa din ako sa sinabi ni Tita. "Tara kumain na nga tayo." Nagpray muna kami bago kumain. Masarap yung mga pagkain na niluto ni Tita.

Nagpaalam na din ako para umuwi kasi masyado nang malalim ang gabi at baka nag aalala na sila Mama at Papa. Hinatid din ako ni Jio sa bahay. Si Cio, ang nagbukas ng gate ng bahay. Nako, ang malas malas ko. Epal yun eh. Baka kung ano pang sabihin kila Mama lalo na't nakita niyang lalaki ang naghatid sa akin.

---------------------------ITUTULOOOOOY------------------------

1941 - MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon