--JIO--
Nagulat ako sa mga narinig ko galing kay Mama. Naaalala ko na may pinupuntahan kaming bahay dati. Pero di ko matandaan na si Ancella pala iyon.
"Ma anong aksidente ang nangyari kay Ancella?" Di ko talaga maisip na Ancella pala yung kalaro kong babae dati. Yung naging crush ko nung bata pa ako. Yung babaeng pinangakuan ko noon na kapag lumaki na kami. Siya lang ang papakasalan ko.
Kaya wala din akong nagugustuhan sa paaralan namin kasi nakatatak na sa isipan ko na hihintayin ko siya hanggang sa pagtanda namin. Na wala akong ibang magugustuhan, Na nakalaan na sakanya ang puso ko.
Naghilamos muna ako at tsaka nagbihis. Balak kong manuod ng mga pelikula dahil wala namang pasok bukas.
Gusto ko man kulitin si Mama tungkol kay Ancella pero alam ko namang di ako sasagutin nun.
--ANCELLA--
Masyado akong naguluhan sa sinabi ni Tita Juana, gusto ko man tanungin si Mama pero baka magalit lang siya sa akin.
Di pa din talaga maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tita. Anong gagawin ko? Subukan ko kayang hanapin ang mga luma kong gamit? Baka may makita akong bagay na makakasagot sa mga katanungan ko.
Bigla nalang tumunog ang selpon ko, Napangiti na lamang ako dahil nagpadala ng mensahe ang taong di ko inaasahan. Si Jio!! Nagpadala ng mensahe saakin si Jio!!
[From: Jio♡]
Marhay na banggi, Ancella!! Hahaha sabi ni Mama sabay nalang daw magsimba ang pamilya namin at pamilya niyo bukas. Itxt mo nlng daw aq kapag pwde daw. Salamat!
Magandang gabi ulit, Magandang binibini!.
-----
WAAAAAAAHHHH!!!!!! NIYAYA NIYA AKO MAGSIMBA!!! este niyaya pala pala ni tita yung pamilya namin na magsimba HAHAHAHA. Sana pumayag si Mama.
Pero teka lang nagulat ako dun sa huling mensahe niya. 'Magandang gabi ulit, Magandang binibini.' Jusko po, di ko alam kung anong mararamdaman mo.
Pumunta na ako sa silid nila Mama upang sabihin na niyaya kami ni Tita juana na magsimba.
"Ma, niyaya po tayo nila Tita Juana na magsimba." Nagulat si Mama nang banggitin ko ang pangalan ni Tita Juana.
"Ancella? Naalala mo na ba ang Tita Juana mo?" Nalilito na talaga ako sa mga tao na nasa paligid ko. Ano bang sinasabi nila?
"Po? Ano pong naaalala?" Nagugulumihan kong tanong kay Mama, kaya mukhang naguluhan din siya. "Wala anak. Sige, sabihin mo sa Tita Juana mo na sasama tayo bukas." Malapit siguro si Mama kay Tita Juana, Ambilis niyang pumayag eh.
[ To: Jio♡]
Marhay na banggi!!! Pumayag na si Mama :-). Pakisabi nalang daw kay Tita na magkita sa simbahan bukas :-)
*kinabukasan*
Maaga akong nagising dahil magsisimba kami ngayon. 'Di ko din alam kung ano ang susuotin ko. Hindi sa nagpapaganda ako kay Jio ah,gusto ko lang magmukhang presentable kahit papaano.
Sa huli, mas pinili kong mag suot ng oversized shirt at high waist pants at tsaka sneakers. Hindi kasi ako komportable mag suot ng bistida.
"Ancella! Ano ba? Ang tagal mo naman diyan. Magsisimula na ang misa!" Kala mo naman sobrang layo ng simbahan sa bahay namin.
Dumiretso kami sa Peñafrancia Basilica. Medyo madami dami na ang tao kaya pinauna na kami nila Mama na bumaba sa sasakyan para hanapin sila Tita Juana.
Medyo mahirap makita sila Tita at Jio kasi andami nang tao sa loob ng simbahan.
Kinalabit ako ng isang batang lalaki. Si Yuan pala to, ang nakababatang kapatid ni Jio.
Nakalapit na kami kila Jio at umupo na dahil nagsisimula na ang misa.
Pagkatapos ng misa agad kaming lumabas ni Jio dahil may ipapakita daw siya sa akin.
Pero bago pa kami tuluyang makalabas ng simbahan bigla nalang kumidlat ng malakas. At ang huli kong naalala ako niyakap ako ni Jio upang protektahan.
-----
Ang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang sama talaga ng pakiramdam ko.Ako'y naguguluhan dahil kanina lamang ay kasama ako ang aking pamilya ngunit wala akong makita ni isa sa kanila. Nakapagtataka din na nandito ako sa loob ng simbahan nakahiga. At ang mas nakakapagtaka eh yakap yakap ako ni Jio at si Jio ay walang malay o tulog. Hindi ko alam! Hindi ko alam ang nangyayari!!!
"JIO!!"tinatapik ko ang kanyang mukha upang siya'y magising. "Jio! Gumising ka, Nagmamakaawa ako. Gumising ka na!!" naiiyak na ako dahil 'di ako alam kung nasaan ako. 'Di ko alam ang gagawin ko.
Lumabas ang kuro paruko galing sa likod ng simbahan kasama ang isang sakristan.
Puno ng pagtataka ang nasa mga mata nila. Maski ako nagtataka din eh. Hindi ako pamilyar sa itraktura ng simbahan at mukhang luma ito. Hindi naman ganito ang itsura ng basilica sa Naga.
Nag aalala pa din ako kasi hindi pa nagigising si Jio. Nilapitan kami ng pari at tinanong kung bakit daw ganto ang mga kasuotan namin. Mas lalo akong nagtaka.
"Ako nga pala si Padre Isidro iha. At itong kasama ko naman ay si Isko ang sakristan ng simbahan." pagpapakilala niya sa kanyang sarili at sa kanyang kasama.
"Ano po ba ang meron sa kasuotan namin, Padre?" nagtataka kong tanong. Unti-onti nang idinidilat ni Jio ang kanyang mga mata kaya di na ako masyadong nag aalala.
"Wala pang ganyang istilo ng damit ngayon." Huh? Anong wala pa. Teka nga lang masyado nang nakakabaliw kausap tong si Padre. "Teka lang ho, Ano na po bang taon ngayon at petsa?" Mamaya nag time travel na kami. Kaso di pala totoo yun HAHAHA.
"Disyembre 7,1941 ngayon iha. Bakit?" Ha?? NASA TAONG 1941 AKO? Teka paano nangyari iyon? Paano kami napunta ni Jio sa panahong ito?
"Disyembre 7,1941!?! hindi po ba kayo nagbibiro Padre?" natawa ang Pari kaya mas lalo lamang akong nawalan ng pag-asa. "Hindi iha. Tignan mo pa ang kalindaryo ng simbahan ng malaman mo na ako ay hindi nagsisinungaling." Tiningnan ko nga ang kalindaryo na nakasabit sa dingding. at Oo nga. Disyembre 7, 1941 ngayon.
"Ancella?Bakit nandito tayo?" Naguguluhang tanong ni Jio, na kanina pa pala nikikinig sa pinag uusapan namin ni Padre.
"Iha, kaano ano mo ang lalaking ito? Parehas din kayong may damit na wala sa panahong ito." ano bang sasabihin ko? 'ah padre kaibigan ko lang ho ito. Di ko po alam kung anong nangyari kung bakit kami napadpad dito.' Di ko naman pwede sabihin yan dahil hindi nila kami papaniwalaan. Si Jio na ang sumagot kay Padre Isidro. "Siya po ay ang aking asawa. Sige po Padre Isidro, mauuna na po kami. Maraming salamat po." lumabas na kami sa simbahan at ako eto, gulat na gulat dahil sa mga narinig ko galing kay jio.
"Jio bat mo sinabi iyon kay Padre Isidro?" Naguguluhan kong tanong. Pwede niya naman sabihin na ako ay isang kaibigan niya lamang.
"Mas ayos na iyon. Narinig ko na tayo ay nasa taong 1941. Ano ang gagawin natin? Hindi kaya hinahanap na nila tayo doon?"
"Hindi ko alam Jio. Hindi ko alam. Pero alam ko, kailangan nating bumili ng bagong mga damit at magpapanggap tayong dalawa na magasawa upang di nila tayo kwestyunin." Sa totoo lang naiiyak na ako pero kailangan kong maging matatag at kailangan naming malaman ang rason kung bakit kaming dalawa ay narito sa panahong ito.
Makakabalik pa kaya kami sa kasalukuyan?
----------------------------------ITUTULOYYYYY----------------------
BINABASA MO ANG
1941 - Magbalik
Historical FictionIpaglalaban ang sairling kapayapaan. Pero ang kanilang pag iibigan, maipaglaban kaya? - I will revise the story soon. :)