Ikaapat na Kabanata

6 1 2
                                        

---ANCELLA---

Nadirito kami sa labas ng simbahan at ang nakakagulat pa ay mayroon ditong tindahan ng mga saya.

"Jio, Paano tayo bibili kung yung perang dala natin eh yung pera sa panahon natin?" Di naman pwedeng manghingi kami ng damit diba. Hays bakit pa kasi kami napunta sa panahong ito.

"Baka tanggapin nila ang mga perang iyon. Sabihin nalang natin na tayo ay dayo lamang sa bansang ito." Iba din tong magisip ha. Kaya crush ko to eh. Haha charot.

"Teka nga lang, asan ba ang pitaka ko. Paki tingnan nga kung nailagay ko ba sa backpack ko." Backpack???diyosko po bat nagka backpack ako. Eh sling bag dala ko nung nagsimba. Aish bahala na nga. Dami ko nang iniisip na dapat di ko naman iniisip.

Labis kaming nagulat ni Jio nang makita namin ang aming pitaka na punong puno ng mga lumang pera. Siguro dahil na rin nasa nakaraan kami kaya naiba. Pero bakit hindi ang mga kasuotan namin? Hays.

Madaming magagandang saya ang nandito, balak kong bumili kahit mga 7 para na din madami dami. At tsaka marami naman ang perang nasa akin.

Naalala ko na nasa taong 1941 nga pala kami. Ang taon kung saan sinakop ng mga hapones ang Pilipinas. Bukas. Bukas sila darating dito. Hindi ko ito maaring sabihin sa mga taong narito marahil mababago ang nakasulat sa ating kasaysayan.

"Tara na Jio. Ay! Oo nga pala simula ngayon Jose na itatawag ko sa'yo. Para makaluma talaga. At Selya naman ang itatawag mo sa akin. At kapag tinanong nila kung taga saan tayo sabihin mo nalang dayo lang tayo dito. Tsaka magasawa tayo ah. Magasawa. " Napakswerte ko naman kasi sa lahat ng makakasama ko sa pag time travel eh yung crush ko pa.

Ito na. Magsisimula na ang aming paglalakbay sa panahon ng pananakop ng mga espanyol.

"Jio este Jose. Humanap muna kaya tayo ng bahay na matututuluyan. Alangan namang sa kalsada tayo matulog." Pero may mahanap kaya kami? Makituloy nalang kaya kami sa isa sa mga bahay dito. Tutal bukas, lilikas din kami.

"Manang, ano pong lugar ito?" Alam kong wala kami sa Naga ngayon. Dahil nakakapanibago ang lugar na ito at hindi ako pamilyar. "Malate, Maynila iha, Oh siya, isasara ko na ang tindahan ko at ako'y uuwi na." Pwede naman siguro kami makitulog kila manang kahit isang gabi lang diba?

"Ah Manang! Maari ho ba kaming makitulog ng aking asawa. Wala ho kasi kaming matutuluyan dahil kami ho ay dayo lamang dito." Sana pumayag si Manang. Kung hindi sa kalsada kami matutulog ni Jio. "Sige, pero maliit lamang ang silid na hindi na ginagamit sa aming bahay. Ayos lang ba sa inyo iyon?" OO NAMAN YES MANANG!! Di naman papalampasin ang pagkakataon na ito. "Ayos lang ho iyon. Eh, magpapalipas lang naman ho kami ng gabi." Jusko, edi magkatabi kami ni Jio?????Siguro medyo maluwan naman yung higaan doon. O kaya sa sopa nalang ako.

Tinulungan namin si Manang na ilagay sa loob ang mga panindang nasa labas ng kaniyang tindahan. Nakakahiya naman kung makikituloy kami sa bahay nila tapos di kami tutulong diba?

Mga 10 minuto lang ang layo ng tindahan ni Manang Salome sa kaniyang bahay. Nasabi na niya kanina ang kaniyang pangalan pati ang pangalan ng kanyang asawa at mga anak. Nakakahiya ding makituloy sakanila ng di namin alam ang kanilang mga pangalan.

---JIO---

Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa ibang panahon kami.

Medyo naninibago pa ako dahil hindi ako sanay sa klase ng pamumuhay sa gantong panahon. Bukas na din darating ang mga hapones dito.

Ang gagawin ko lang ay protektahan si Ancella kahit ano man ang mangyari at di ko hahayaan na mapahamak siha ulit.

Napag-usapan din naming dalawa na kami ay laging magsusulat sa kanya-kanya naming talaarawan.

Natutuwa ako kasi siya ang nakasama ko sa panahon na ito at hindi ang baliw na si Lalaine.

Matagal ko na din namang gusto si Ancella, Ngayon ko lang kasi nalaman na siya pala si Ella na kalaro ko dati nung mga bata pa kami. At dahil magkasama kami ngayon at nagpapanggap na mag asawa. Ipaparamdam ko sakanya kung gaano ko siya kamahal. Papahalagahan ko siya at hindi iiwan. Sisiguraduhin kong magkasama kami hanggang sa kami ay makabalik sa kasalukuyan.

Nandito kami sa kusina nila Manong salome dahil inalok nila kami na kumain. Nakakahiya man pero kailangan namin ng enerhiya para bukas. May mga binili na din kaming mga gamot,biskwit,kendi at gatas para sa sanggol.

"Paano nga pala kayo napadpad dito sa Maynila? Eh ang layo pa ng Bicol dito ah." Kasalukayan kaming tinatanong ni Mang Fredo. Si Ancella na ang sumagot sakanya, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sakanila. "Ah, eto ho kasing asawa ko eh magtatrabaho dito. Sumama nalang ako sakanya kasi ayaw ko at ayaw niya ding magkalayo kami. Napaka biglaan po kaya di kami nakahanap ng bahay na matitirhan namin."

Magasawa nga pala kami. Jusko di ko alam kung ano ang gagawin ko. Makikisakay na lamang ako sa kanyang mga sinasabi at sasang ayunan na lamang siya.

Tapos na kaming kumain at kaming dalawa ni Ancella ang nagpresinta na mag lilinis ng lamesa at maghuhugas ng mga pinggan na ginamit.

"Ang simple lang pala ng pamumuhay nila noong panahon no? Jio. Di ko akalain na ganto pala mamuhay sa makalumang panahon." Napatingin ako sakanya at makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Kakayanin ba natin tumagal dito? Hindi tayo sanay sa ganitong klaseng pamumuhay. Tapos, bukas. Bukas na darating ang mga hapones at di man lang natin sila masabihan na sasakupin ng mga hapones ang Pilipinas." Ang hirap hirap kapag di mo pwedeng tulungan ang ibang tao.

"Jioooo, gusto ko nang makita sila Mama, pero alam kong bawal pa dahil alam ko ding mayroon tayong misyon kaya tayo ay napunta rito sa nakaraan." Ako din, Ancella. Gusto ko na din bumalik para malinawan ako kung bakit di mo ko maalala at kung bakit matagal kitang hindi nakita.

"Ancella, tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas, kailangan natin bumili ng mga karagdagang suplay ng pagkain at gamot." Tinapos na namin ang mga huhugusan at tsaka bumalik sa silid na nakalaan para saamin. Malaki laki naman ang kama kaya ayos lang.

Disyembre 7, 1941

Isang araw bago ang pananakop sa ating bansa. Ang araw na napunta kami ni Ancella sa taong ito. Hindi ko pa din lubos na maisip kung bakit kami bumalik sa nakaraan. Ano ba ang dapat naming gawin?

O Panginoon ko! Ako ay humihingi ng gabay galing sa'yo. Itong aming paglalakbay ay iyong basbasan. Wag mo sanang hahayaan na may mangyaring masama sa amin. Lubos akong nagpapasalamat sa isang panibagong araw na ito. Sana ay gabayan niyo ang paglikas namin bukas.

Para sa aking minamahal na Ancella, gusto kong mabasa mo ito kapag tayo ay nasa kasalukuyang panahon. Aalagaan at pprotektahan kita hangga't sa makakaya ko. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Lubos akong nagagalak na ikaw ang kasama ko sa panahong ito.

Nagmamahal,
Jose Antonio

----------------------------ITUTULOY-------------------------------

1941 - MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon