•••
umaagos ang tubig na galing sa ulan
sa bubong ng bahay na aming tinutuluyan
pag-agos nito ay kasabay ng mga luha ko
na parang pinipiga na ang mga mata ko
sinilip ang bintanang ngayon ay bukas
habang tinatanaw ang mga dahong nagliliparan
dahil sa hangin na sobrang lakas
hindi na makita ang taong dumadaan
biglang bumalik ang mga ala-ala
na hindi ko na gustong balikan pa
sa sobrang sakit na dinulot nito
hindi ko na magawang alalahanin ito
binatawan na ang nakaraan
kahit alam kong mahirap iwanan
ngunit kaya ko itong kalimutan
hanggang sa hindi ko na maalala kailanman
•••
Continue Reading? don't forget to vote!
Thankyou, lovelots!
BINABASA MO ANG
Aking Mga Tula
PoesíaIto'y naglalaman ng mga tula na aking ginawa. Nais ko lamang na ibahagi sa inyo ang mumunti kong tula at umaasang inyong magugustuhan. • ENGLISH AND TAGALOG
