•••
wala pa ring makakatalo
sa pagkakaibigang nabuo
hindi mawawakasan
ang kanilang pinagsamahan
ayaw maghiwalay
hanggang sila'y nabubuhay
pangako sa isa't-isa
na sila'y magsasama-sama
may pangako man sila
hindi maiiwasan
na sila'y magkakalayo
sa darating na panahon
ngunit magkahiwalay man
hindi mawawala ang pagmamahalan
na kanilang binuo, kahit magkalayo
ay wala paring magbabago
•••
Continue Reading? don't forget to vote!
Thankyou, lovelots!
BINABASA MO ANG
Aking Mga Tula
PoetryIto'y naglalaman ng mga tula na aking ginawa. Nais ko lamang na ibahagi sa inyo ang mumunti kong tula at umaasang inyong magugustuhan. • ENGLISH AND TAGALOG
