Chapter XVI

6.1K 133 33
                                    

Chapter 16

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong na katayo sa harap ng kwarto ni kuya Reigan. Nag dadalawang-isip ako kung kakatok ba ako o aalis na lang. Pero nag aalala ako dahil ngayon ko lang nalaman na may allergy siya sa chicken at ayaw niya ng mayonnaise. Ang pinag tataka ko, bakit siya kumain kahit hindi niya gusto at bawal sa kaniya? I sigh. Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa isip ni kuya Reigan.

Ano bang gagawin ko? Bahala na!

Dala ang cold compress at soothing cream para sa allergy niya ay lumapit ako sa pinto at kumatok ng dalawang beses. Bumilang ako ng sampung segundo pero walang nasagot. Muli akong kumatok pero talagang walang nag bubukas kaya naman nag desisyon na akong buksan ang pinto. Nabigla ako kasi hindi naka lock. Luh! Bukas naman pala!

Malamig at madilim na kwarto ang bumungad sa akin, tanging bukas na Tv lamang ang nag bibigay liwanag sa malawak na kwarto ni kuya. The bed is clean and empty. Wala siya sa kahit saang sulok ng kawarto. Nasaan siya?

Ibinaba ko muna ang lalagyan ng cold compress sa beside table niya at tska ako lumingon-lingon sa kabuuan ng kwarto niya. Ang tagal na rin nung huli akong makapasok sa kwarto ni kuya Reigan, hindi na kasi siya madalas dito sa bahay dahil may sarili na siyang condo. Hindi man kami ganong kalapit sa isat-isa pero nami miss ko siya lagi dito sa bahay kahit hindi niya ako madalas pinapansin.

Napansin ko na ang makapal na kurtina ang dahilan kung bakit hindi makapasok ang liwanag sa kwarto niya. Kaya naman lumapit ako para buksan ito.
Bago ko pa mahawakan ang kurtina ay may humawak at humila na sa kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay napa tili ako at napasampal sa hangin.
Pero mukahang hindi hangin ang nasampal ko. Mukhang may natamaan ang kamay ko. Hindi lang 'mukhang', mukha talaga ang natamaan ko. Yung mukha ni kuya Reigan ang nasampal ko. OmyGod!

Nanlalaking mga mata akong napatingin sa mapula nang pisngi ni kuya. "You have the guts to slap me woman?" He spat. Nasisinagan ng ilaw ng tv ang gilid ng mukha niya kaya kita ko na may mangilan ngilang rashes sa mukha niya. Naka kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. "Sorry kuya, bakit mo kasi ako ginulat?" I defended my self

"And now you're talking back? Tss! What are you doing here anyway? Tumalikod siya at lumapit sa closet para kumuha ng damit. Ngayon ko lang napansin na naka towel lang pala siya mukhang ka gagaling lang niya sa bathroom base sa basa niyang buhok. Nag init ang mukha ko ng maisip na kami lamang dito sa room niya at naka half naked pa siya..

Lumunok ako at umiling sa pumapasok sa isip ko. Nahahawa na ako kay kuya. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga pula pula niya sa katawan na sa tingin ko ay rashes dahil sa allergy niya.

"Hmm.. Hindi mo sinabing may allergy ka pala sa chicken at hindi ka na kain ng mayo."

"Paano mo naman nasabi?" He then asked.

Bigla akong natawa. Marunong pala siyang mag joke. Mukhang nairita siya sa pagtawa ko.

"What's so funny? Are you laughing at me?" He shot back

"Ha?! Hindi. May na alala lang akong nag viral sa facebook" I continue laughing. Grabe, ang lakas na nga ng sex appeal niya, malakas pa siya sa sense of humour. Hindi ko siya ni-compliment, observant lang talaga ako. "I'm freaking serious!" Lumakas ang boses niya kaya na tigil ako sa pagtawa.

"Sorry po. Nadito ako kasi nalaman ko sa mga kapatid natin na may allergy ka sa chicken kaya nag dala ako ng cold compress and cream para sa rashes mo." I explained

Matagal siyang napatitig sa akin. Naka kunot pa din ang noo niya at naka isang linya ang labi. Bakit mukhang lalo siyang nairita? May nasabi ba akong mali? "Kuya?" Nalilito kong tanong.

My brother's Obsession (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon