Chapter XV

8.5K 161 28
                                    

Chapter 15

"Ate Eila" nabaling ang atensyon ko kay baby Kristoff na tumawag sa akin. Matamis na ngiti ang isinalubong ko sa kapatid ko na mabilis na tumakbo sa gawi ko at agarang yumapos sa kaliwang binti ko. Kasunod nito ay si baby Jenie na yumapos naman sa kanang binti ko. Hindi ko mapigilang matawa kasi nag aagawan sila sa mga binti ko. Kamuntikan pa kaming matumba kung hindi lang sila bumitaw sakin.

"Ate Eila pasalubong po" magalang na sabi ni baby Kristoff habang nakalahad ang dalawang kamay sa harap ko na wari mo'y nanlilimos tapos naka puppy eyes pa siya. Napangiti ako dahil talagang ng cute-cute niya. Kinuha ko ang bag pack ko mula sa likod at may nilabas na candy para sa dalawang bata. Lumuhod ako para magkapantay kami. Nilahad ko yun at binigay sa dalawa, pero bago yun- "kiss ko muna" I pouted. They giggled at mabilis akong hinalikan sa lips. Tuwang tuwa naman sila sa pasalubong ko na marshmallows chocolate "thanks ate" they chorused

Sabay nilang hinigit ang parehong kamay ko palapit sa dinning table kung saan sila nag hahapunan.

Hinalikan ako ni Mommy Yanna sa pisnge "I'm glad! You got home safe Sweetie" She mummbled before she hug me tight sabay na binalingan ko si Daddy Lucas na matipid na naka ngiti sa gawi namin. Magalang akong ngumiti sa bisita ni kuya na bahagyang naka ismid sa akin kaya kumunot ang noo ko at napatingin kay Kuya Reigan na mukang kanina pa ako pinagmamasdan. Nginitian ko siya ng tipid but he avoided he's gaze on me. Hindi ko alam pero parang may kumirot na kung ano sa dibdib ko sa hindi pag pansin sakin ni kuya.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Mommy Yanna. Pinaglagay niya ako ng kanin at ulam at nagsimula na kami sa pagkain. Panandalian kong nakalimutan si Kuya Reigan at masayang nakikipag usap sa dalawang nakababata kong kapatid pero ganunpaman ay sikreto akong nakikinig sa usapan nila lalo na kay kuya Reigan at sa bisita niyang si Trisha daw. Pinakilala siya ni kuya Reigan as a business partner nila sa bagong branch na itatayo nila abroad, mataman akong nakikinig at panaka-naka'y tumatango pag napapasok ako sa usapan.

Naramdaman ko ang pares ng matang matamang nakatitig sa gawi ko pero nilabanan ko yun at hindi siya binalingan ng pansin. Pero hindi nakaligtas sa gilid ng mata ko kung gaano ka sweet yung Trisha sa kanya at naiinis ako dahil hinahayaan niya lang na landiin sya ng buwisita niya. Ngumuso ako at huminga ng malalim. Ang sama ko, kung anu-ano ang naiisip kong masama sa bwi-bisita ni kuya eh wala naman siyang ginagawang masama puwera na lang sa pag irap niya sa akin kanina. Isipin ko na lang na may diperensya sya sa mata, tama! tama! baka may mali lang sa mata niya.

Hndi lang siguro ako kumportable na may ibang kasamang babae si kuya maliban sa amin ni Mommy Yanna. Siguro umaandar lang ang pagiging concern ko as a sister. Kasi syempre kapatid ko siya lahat ng babaeng ma li link sa kanya dapat dumaan muna sakin, sa amin ni Mommy para kampante kami na mapupunta siya sa matinong babae.
Pero bakit parang tutol ako sa kaisipang sa ibang babae mapupunta si Kuya Reigan? Ano ba itong kirot na nararamdaman ko sa tuwing iisipin ko na may ibang babaeng mamahalin si kuya Reigan? I sigh. Masama na to.

Hindi ko napansin na napatulala na pala ako sa malalim kong pag iisip. Nang tapikin ako ni Mommy Yanna sa balikat

"Are you alright Sweetie. Hindi mo ba na gustuhan ang pagkain?" Nag aalalang tanong sa akin ni Mommy. "Hindi po. Ok nga po yung pagkain. Thank you po." Marahan kong tugon, sumulyap ako kay kuya Reigan na kunot noong nakikipag usap kay daddy. Iniling ko ang ulo ko at tinuon ko na lang ang pansin sa pagkain at sa dalawa kong kapatid na parehong makulit sa tabi ko.

Natapos ang hapunan ng puro business ang usapan ng mag ama. Magiliw din sa pag sagot ang bisita ni kuya na si ate Trisha dahil involve siya sa topic about business. Hindi maipagkakailang napakaganda ni Ate Trisha, kailangan kong maging magalang yun ang turo ni nanay kahit labag sa loob ko na I acknowledge siya as an ate. With her heart shape flawless face sa may pagkasingkit nyang mata sa ilong niyang matangos hanggang sa nakaka akit niyang mapupulang labi sino bang hindi maiingit sa angkin niyang kagandahan plus her sophisticated aura na mukha talgang galing sa isang  matino at marangyang pamilya. Wala kang maipipintas sa kanya. I want to be like her when I grew up. Sigurado ako na magugustuhan siya ni kuya walang duda dahil mukhang gusto rin siya ni mommy at daddy, I can see it in their eyes that they like her for kuya Reigan. At may kung ano sa sistema ko na hindi sang-ayon.



My brother's Obsession (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon