Nakatanaw ako sa field kung saan nagprapractice ang team ni dasel ng soccer.isang center midfielder si dasel, kumbaga sa basketball ay point guard at quarterback naman kung sa american football.in short Siya ang pinaka importante(teamleader) sa grupo sunod ang goalkeeper na si miller fronde ang ex ko.
Naging kami ng 4 months ng makipag break ako ,well akala ko kaya kong magmahal ng iba ,akala ko kaya kong ibaling sa iba ang pagmamahal ko kay dasel pero mali ako ,di ko pala kaya ,kaya ang kinalabasan nasaktan ko na sarili ko nakasakit at nandamay pa ako ng iba. Well we make some mistake.
Simula non di na ako nag kaboyfriend hinayaan ko nalang ang sarili kong mahulog ng mahulog kay dasel kahit alam ko namang di niya ako sasaluhin.Di ko nalang pinigilan ang nararamdaman ko pero di ko sinasabi sa kaniya syempre wala pa akong lakas ng loob.Nabalik ang huwisyo ko ng makarinig ako ng malakas na palakpan sa field.mukhang tapos na ang pagenensayo nila.tumayo na ako at naglakad na palapit sa bench nila.
"Dasel!"
Tawag ko sa kaniya habang kinakaway ang kamay ko.napatingin siya sa akin kaya mas binilisan ko ang lakad papunta sa kaniya ng may malaking ngiting nakapaskil sa mukha ko.
Napatigil ako sa paglapit sa kaniya ng magmadali siyang nagpaalam sa mga kateam mate niya.unti unting nabura ang ngiti ko ng umalis siya at lagpasan lang ako.
Napalingon ako sa likod at tinanaw siyang papaalis.Nakita niya naman ako diba? Bakit ganun yun di ko naman siya inaway? Wala din naman akong maaalalang may hindi kami pagkakasunduan?problema niya?
"Nag away ba kayo non?"
Napalingon ako sa likod at nakita ko si miller na nakatanaw rin sa papaalis na dasel.
Nagkibit balikat lang ako at napabuntong hininga nalang.Kahit naging magkarelasyon kami ni miller (ex) hindi naging mahirap sa aming dalawa na maging magkaibigang muli ,dahil seguro ganun lang talaga kami o baka dahil hangang doon lang ang maiibibigay ko.
"Loves kain na—"
Natigil siya sa pagsasalita ng tingnan ko siya ng masama.tumawa lang siya at inakbayan ako.ang hilig niya akong asarin.
"Tara kain nalang tayo siena hayaan mo na yung dasel na yun"
"Libre mo ba?"
Nakatingalang tanong ko sa kaniya.matangkad siya at halos hangang balikat Lang Niya ako. Ikain ko nalang to ,baka masama Lang loob noon pagbigayan ko nalang muna.
"Oo naman loves"
Biglang tumalim ang tingin ko sa kaniya. He really love teasing me.
"Isa pang loves mo babaliin ko yang braso mo"
Pagbabanta ko sa kaniya kahit alam ko namang di ko magagawa.panakot lang.
"Hahaha ang cute mo kasi pagnagsasalubong yang mga kilay mo tapos namumula yung mukha mo kamukha mo si tsientie Hahahaha"
Poker face lang akong pinapanood siyang tumatawa dahil di ko alam kung papuri ba yun o ano.by the way si tsientie pala yung aso niyang pandak.
"Bilisan mo na nga malate pa ako sa next class ko"
Sabi ko saka hinila ang laylayan ng damit niya.
"Uy teka lang mahubaran mo ako dito e"
Sigaw niya sa akin. Binitiwan ko siya at nauna Ng maglakad. Tumingin ako corridor sa taas at nahuling nakatingin si dasel sa Banda namin. Ng Makita niyang nakatingin ako ay agad agad na siyang umalis at di na muling lumingon samin.
Isang linggo na siyang di nagpaparamdam sakin. Porke ba may Daila na siya e iiwan Niya na ako. Noong kami naman Ni Miller di ko siya iniwasan. Ang sakit na Kaya Niya akong tiisin.
***
2:48 pm
Gusto Kong magliwaliw at naisipan kong maglakad pauwi. Dumaan ako sa children's park. Balak ko sanang tumambay don pero nagulat ako Ng Makita Kong magkasama si Daila at dasel. Pareho silang nakaupo sa magkabilang swing. Mag ka hawak din Ang kamay nila at parehas na tumatawa.
Para akong tanga at naisipan pang lumapit sa puno at sumandal. Pinanuod ko silang dalawa Kung paano sila maglandian. Tumayo si dasel at pumowesto sa likod Ni Daila. Dahan dahan niyang tinulak Ang swing niya. Kahit di ko narinig Ang pinaguusapan nila sigurado akong masaya Yun. Unti unti ko namang naramdaman Ang sakit. Gusto ko mang umalis na pero ayaw sumangayon Ng katawan ko. My heart want to calm down but my mind is being stubborn again. Ilang minuto din akong Nasa ganoong ayus Ng mapagdesisyonan ko Ng umalis. Tinalikuran ko sila at dama ko Yung sakit. I don't want to spoiled this feeling. I should start accepting the fact that they are meant to each other and im just a plain friend here.