day 4

1.1K 35 4
                                    

Dasel

October 10,2018

Ngayun na ang araw nang pagbisita ko sa bahay nila dasel.kinakabahan ako dahil baka di siya matuwa bukod dun ay dahil mag isa lang ako di ko na kasama sila mama.nagpaalam ako sa kanilang kaya ko na.

*ding dong*

"Oh ikaw pala rye ,kamusta kana antagal munang hindi pumupunta dito ah.nag dadiet ka na ba?"

Takang tanong ni tita amanda habang sinusuri ang buong katawan ko.

"Haha hindi po"

Awkward natawa ko.

"Eh bakit pumapayat  ka ata?wag mo sabihing hindi ka pinapakain ni maring roxann?aampunin na lang kita kung ganun"

Hahaha grabe di parin nag babago si tita napaka o.a.niya padin .pumapayat po ako dahil malapit na akong mamatay ,gusto ko yang sabihin kaso wag na. Di pa ako ready

"Andyan po ba si dasel?"

Tanong ko .habang sinisilip silip yung loob nila.
Sana naman andyan siya.

"Ah oo andun sa likod nag gigitara"

Sabi ni tita habang tinuturo yung daan papuntang likod ng bahay nila.

"Puntahan ko lang po tita"

Magalang na sabi ko

"Ah sige sige"

Agad na akong dumeretso sa kinaroroonan niya at tama nga si tita nag gigitara siya.nakatalikod siya sa akin kaya di niya agad ako napansin.

Hinintay kong matapos siya sa pag gigitara.
I was looking at his back intently. I'm gonna miss this clinginess,his boyish smirk, his sweetness all about him ,I'm going to miss you dasel.

*clap* clap*calp*

"That was amazing "

Nakangiting sabi ko.napalingon naman siya sa akin at halatang nagulat siyang makita ako. Aaminin ko subrang na miss ko yung dasel na kaibigan ko.

"Rye ?anong ginagawa mo dito?"

Tanong niya,

"Bakit bawal na ba ako dito?sorry pero di ako aalis"

Taas noong sabi ko sa kaniya.ngumiti siya at parang bumabalik yung dating dasel na nakilala ko ,yung laging nakangiti ,yung palabiro at lagi akong inaaway.na miss kita.subra.

"Dasel may gusto kasi akong sabihin"

Kinakabahang sabi ko .nakatingin lang siya sa akin habang hawak pa din sa isang kamay niya ang gitara.

"Ano yun?"

Malumanay niyang tanong.

"Ano kasi ,dasel wag kang magagalit huh,di mo naman kailangang sagutin to ,gusto ko lang sabihin sayo to kahit sa huling beses.ano kasi..."

Kaya ko to ,its now or never. Ngayun lang naman kahit sa huling pagkakataon masabi ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.ayaw kong maglaho sa mundong ito ng hindi niya nalalaman.

"Ano kasi dasel ...mah....I love you"

Nakatingin lang ako sa reaksiyon niya pero ni isa sa inaasahan ko walang lumabas .nakatingin lang siya sa akin ng walang reaksiyon .ang sakit.

"Since when? And you know—"

I cut him off

"Oo alam ko ,diba sabi ko gusto ko lang sabihin sayo ,di mo kailangang sagutin o kwestsunin,dahil kahit ngayun lang gusto kong malaman mo yung tunay na nararamdaman ko. This feeling never gone dasel kahit ilang bear ko Ng pigilan pero di ko Kaya mas Lalo pa nga along nahuhulog pag pinipigilan ko"

Left Behind(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon