Lagi kong sinasabi na masarap mag-aral. Una dahil laging may baon. Tapos araw-araw mong nakikita ang mga kaklase mo. Araw-araw din kayong nagkukuwentuhan kung ano ang napanood ninyong pareho noong kinagabihan. Ulit-ulit na proseso pero hindi nakakasawa. Pwede mag-absent at kahit anong oras, maaari mong idahilan ang iba’t-ibang klaseng sakit na dumadapo sa’yo tulad ng headache, toothache, stomachache, at heartache.
Mayroon akong kaklase noon na hindi pumapasok kapag hindi pa tuyo ang uniporme niya. Mayroon din grupo ng mga studyante na tinawag nilang F4 dahil uso ang F4 noon at apat silang umaabsent kapag Friday para maglaro ng Counter Strike. F4. Friday 4. Marami din ang nag-aabsent kapag wala pang nagagawang project. Magaling tumakas sa mga deadlines. Maliban sa mga absences, mga gurong terror, at mga kaklaseng mahilig mangopya at mukhang walang interes mag-aral… ang isa pang aspeto ng pag-aaral ay ang mga Subjects. Kung walang Subjects, walang pag-aaralan.
Anu-ano nga ba ang mga karaniwang subjects na mayroon sa school? Heto ang ilan sa common subjects na hindi nawawala kahit college na.
1. ENGLISH
Hindi maaaring walang English kahit college. Noong college ako, pinag-aralan pa din namin ang Singular at Plural words. Ulit-ulit nga naman, nagiging mahirap lang ang mga words. Sa English, matututo kang magsalita ng lenggwaheng–Ingles malamang, alanganamang Chinese? Dito malalaman mo na singular pala ang Mathematics kahit na may letter -s ito sa huli. Malalaman mo ang nouns, pronouns, adjective, verbs, at adverbs. May mga idioms pa na hindi mo alam kung bakit pa sila inimbento. Ang pinakaboring sa subject na ito ay ang paggawa ng Formal Theme dahil nauubusan ako ng bokabularyo.
2. Mathematics
Favorite ko ang Math subject dahil dito ako nag-eexcel saka PowerPoint at Word. Pero almost 85% ng mga estudyante ang may ayaw sa Math dahil mahirap daw ito intindihin. Sa Subject na ito matututunan mong magbilang, mag-addition, subtraction, multiplication, division, maghiwa ng pizza para maging fraction, maglaro ng baraha para sa Statistics, mangamot ng ulo dahil sa Algebra, mag-absent dahil ayaw mo na talaga ang Math, magsukat ng mga triangles, hanapin ang values ng “X” sa bawat problem, at mangopya ng Final Answer kahit walang solution.
3. Science
Maraming branch ang Science. High school palang yata, pinag-aaralan na ang mga branch na ‘yun. Bawat branch, may mga branches nanaman hanggang masira ang ulo mo sa kakabisado ng mga branch ng bawat branch. O diba kahit ikaw naguluhan. Ang pinakagusto ko, Chemistry, pero hindi ko kabisado ang Periodic Table. Ang pinakaayaw ko, Biology dahil masyado maraming kinakabisado. Dito matututo kang magdisect ng palaka, magexperiment at dagdagan ang statement na “I therefore conclude…”, gumawa ng kodigo para sa mga formula, at magbasag ng test tube sa laboratory.
4. Filipino
Laging mababa ang grade ko sa Filipino. Sabi nga nila, kapag sarili mong wika, mahirap pag-aralan. Tignan mo ang mga Amerikano, wrong grammar sa English. Tayo pa kayang mga Pilipino na wrong grammar sa Filipino. Maliban sa wika, meron din pagbasa kung saan malalaman mo ang iba’t-ibang alamat, pabula, at kwento. Dito mo din malalaman ang pagmamahalan nina Florante at Laura, ang pagtatae ng Ibong Adarna, at pagiging baliw ni Sisa. Katulad sa English, may mga pag-arte din sa subject na ito kung saan bibigyan mo ng buhay ang isang dula.
5. Physical Education o P.E.
Maraming bata ang may gusto sa subject na P.E. dahil madalas, naglalaro lang sila. Ako ayaw ko ng P.E. dahil madaya ang mga kaklase ko lalo na kapag long jump at sit-and-reach. Minsan may mga larong pinoy kapag Linggo ng Wika. Dito matututo kang mag-exercise, mag-taebo, mag-karate, magballroom dancing, magbasketball, magfishball, at mararanasan mo ang mapilay. Mapipilitan ka ding sumayaw sa harap ng maraming tao tapos makakalimutan mo ang pangalan mo dahil sa kahihiyan.
6. T.L.E. (hindi ko na matandaan ang ibig sabihin)
Nakakatulong daw ang subject na ito para kahit mahina ang ulo ng bata, mahahasa naman ang kanyang kakayahan o tinatawag nilang skills. Maraming subjects ang under ng T.L.E. tulad ng sewing, agriculture, foods, carpentry, at iba pang nakakapagod na gawain. Updated na pala dahil wala ng agriculture ngayon, napalitan na ng mga technical subjects tulad ng computer programming and technology. Mas bumaba tuloy ang kaalaman ng mga tao tungkol sa paghahalaman. Ako masaya ako na naranasan ko magtanim at magpalaki ng okra, labanos, mustasa, at bahay kubo. Nakakalungkot na nawawala na ang agriculture na subject. Ako proud ako na dahil sa TLE, marunong ako manahi at magtanim.
7. Music and Arts
Ayaw kong pag-usapan dahil Base-D ako sa Music, ibig sabihin, walang pag-asa. Pinaganda lang—Base-D. Maraming paaralan na hindi pinag-aaralan ng Music. Natutuwa ako na kahit public school ako noong elementary, napag-aralan namin ‘yon. Dito matututunan mo ang do-re-mi, G-clef, sharp, flat, at flat na gulong. Joke. Sa Arts naman, terror ang teacher ko noong elementary. Mas gugustuhin mo pang maging abo kaysa ipakain niya sa’yo ang project mo. Mataas ang standard niya. Sa Arts, matututo kang magkulay, magpinta, gumawa ng mosaic, papier mache kahit na hindi ko alam ano ‘yon-maganda lang pakinggan, parang sosyal.
8. Character and Living Education (CLE) o Religion o EKAWP sa elementary.
Iba-ibang variations pero tungkol talaga siya sa Religion. CLE para sa mga hindi Katoliko. Sa Religion matututunan mo paano paramihin ang limang-libong tinapay at dalawang libong isda, at saka manghati ng dagat. Favorite ko ang Religion lalo na noong 3rd year kami dahil puro activities. Hindi mo kailangan magreview. Dahil siguro Catholic School ang Assumpta, oras-oras may CLE kami. Sa EKAWP naman ituturo ang kagandahang asal. Lagi akong perfect sa periodical test. Nakakahiya kapag may mali ka.
Ilan lang iyan sa mga subjects na hindi nawawala sa labing-anim na tanong pag-aaral natin. Hindi ko masasabing subject ang Recess o Dismissal dahil wala namang teacher sa mga ‘yon. Hindi mo kailangan maging magaling sa lahat ng subjects para maging successful sa buhay. Hindi rin sukatan ng pagkatao ang Top 10 ng classroom.
Hindi lahat ng 95 sa English ay marunong sa English.
Hindi lahat ng 75 sa Math ay hindi marunong mag-addition.
Hindi lahat ng 90 sa Science ay nagrereview araw-araw.
Hindi lahat ng 70 sa Filipino ay bobo at mahina ang ulo.
Sadyang nagkakataon lang talaga na mahirap ang lesson o kaya mahirap pakisamahan ang teacher.
Magaling ako sa Academics pero hindi ako nagtatrabaho sa bangko, hindi rin ako may ari ng isang kumpanya, o kaya naman principal ng isang school. Nasa diskarte ng tao kung saan patutungo ang buhay niya. Experience is the Best Teacher. Don’t take this literally. Dapat matuto tayo sa mga nakita nating pagkakamali ng iba. Hindi na kailangan ma-experience din natin ang naranasan ng iba bago tayo matuto.
GAWAING PAGSASANAY
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng numero sa bawat pangungusap.
_____ Ang Ibong Adarna ay naoverdose sa fiesta kaya tinaihan niya ang dalawang prinsipe.
_____ Si Amaya ay naging punong babaylan.
_____ Nilusob ang tribo ng mga higanteng kuto.
_____ Naisip ni Florante na pakopyahin si Laura dahil nakalimutan nitong magreview sa Filipino.
_____ Naging matagumpay ang launching ng Noli Me Tangere sa pangunguna ni Basilio.
BINABASA MO ANG
Jomar's Journal (Book I)
RandomSampung maiikling kwento tungkol sa kabataan at pagiging estudyante at mga libangan ng mga mag-aaral ngayon. Nakakatuwa. Nakakaiyak. Pero ilan dito ay katotohanan ng buhay. Isa akong Filipino writer at sa bawat sinusulat ko, may mensahe akong gusto...