Alamat ng Jomar's Journal

128 0 0
                                    

Marahil maraming nagtataka kung saan nagmula ang mga bagay-bagay. Dahil ang dyaryo kong ito ay muling nabuhay, nais kong ikwento kung ano ang kasaysayan nito at pinagmulan nito. Noong unang panahon, dalawa palang ang nilalang sa mundo, si Malakas at si Maganda. Tapos biglang dumating ang mga mahihina at mga pangit, pero nagbibiro lang ako. Walang kinalaman ang mga naunang pangungusap sa alamat ng dyaryo ko.

Noong elementary ako, uso ang MTV at si Donita Rose pa ang VJ. Every Saturday nakakapanood ako ng MTV Asia Hitlist kung saan ipapalabas ang Top 20 Videos of the week. Ang unang number one sa napanood ko ay Baby One More Time ni Britney Spears, tapos pinalitan ng Pretty Fly for a White Guy. Nakakatuwang panuorin ang mga video, pwede ka din maki-sing-a-long. Simula noon, ginagastos ko ang mga page ng notebook ko para ilista lahat ng mga title at singer.

Elementary palang ako noon, at pagdating ng High School, sinimulan ko na gumawa ng mini-dyaryo. Mini siya kasi parang nasa lengthwise na pad paper lang sinusulat, handwritten pa ‘yon, at ang tawag sa dyaryo na ito, “Pop Up”. Si Daphne McCoy ang una kong reader dahil siya ang unang kaibigan ko sa high school. Hindi nagtagal, naging hit ang mini-Pop up ko dahil maraming nahiwagaan anong meron sa pinamimigay kong paper. Nagkaroon ako ng typewriter at lahat ng kwento ko, typewritten. Mahal pa kasi ang print noong unang panahon, 10 pesos per page. Lahat ng kaklase kong computerized ang project, mayayaman.

Ano ba ang nakukuha ko sa pagsusulat? Una, gusto ko lang talaga ipaalam sa mga tao kung ano ang Top 10 songs at kung ano ang mga bago. Lagi akong updated, sinusunod ko ang mga date ng song releases. Meron kasing ibang tao na nakikipag-contest pa sakin kung anong bago, pero pag nalaman ko hindi pa talaga nare-release as single. Kaakibat ng Top 10 songs, meron din akong mga random stories tulad ng una kong kwento na “Saging na Matuling”, para sa mga hindi Pampango, ang matuling ay maitim. Tungkol sa unggoy na matakaw ang kwento kong iyon. Meron namang moral lessons bawat kwento ko.

3rd year high school, mas dumami ang pinagbibigyan ko ng dyaryo ko. This time, nasa long bond paper na siya, typewritten, at de-fold. Xerox copy din ang mga pinamimigay ko, ‘yung original tinatago ko. Pop Up pa rin ang pangalan ng dyaryo ko, ang Top 20 songs, naging Top 40 para mapuno lang ang isang page. Mahina pa kasi ulo ko noon, hindi pa malawak imagination ko sa paglikha ng mga may sense na article. Noong 4th year na, nagbigay ng suggestion si Kristine Joy Ramos, kasama ni Stefanie Leuterio at Jester Guanlao, na i-improve ang dyaryo ko.

Rakista. Ito ang pangalan na naisip nina Kristine Joy para pamalit sa nalugi kong Pop Up. Note: Wala akong kinikita sa mga dyaryo kong ito, walang donasyon, wala lahat. Galing sa sarili kong puhunan…ang baon ko. Kahit na wala akong kinikita, masaya ako, hindi ko naman kailangan ng pera. Hindi ka naman matatandaan ng tao dahil sa dami ng perang hawak mo. Ang Rakista ay naging successful kahit na hindi consistent ang pages. Hindi ko alam kung nasaan na ang original copy nito, pero alam ko, nawala na ang soft copy. Ang computer lang kasi ni Kristine ang inaasahan namin. Napublish ang Rakista bago graduation. Unfortunately, isang issue lang ng Rakista ang nagawa.

Noong college naman, habang nasa typing class kami at abalang-abala ang mga kaklase ko sa pagpipindot ng FFF, JJJ, kami ni Michie Roño, ang classmate kong mabilis din magtype, ay gumagawa ng mga kakaibang kwento. Mahilig kasi siya sa Harry Potter. Ang title ng kwento niya ay “Harry Potter and the beautiful princess named Michie who became his wife.” Sa title palang, alam mo na kung ano ang naging ending. Naisipan kong buhayin ang Pop Up ko noon pero iniba ko na ang pangalan, “Masaya Ka Na Nyan?” Wala akong maisip na title pero ang pinag-ugatan nito ay ang araw-araw naming tawanan.

Marami din akong readers noong college, isa na doon si Chenee Jose at Monique Mendoza na kaklase din namin. Nagkaroon pa ako ng series o kwentong may kabanata sa bawat issue ng dyaryo ko. Nakakatawa  dahil hanggang ngayon, buhay pa ang mga original version ng dyaryo kong ito. Nakita ko nasa cabinet ni Richneil, pinabasa ko kasi sa kanya noong 1st year palang siya. Naiuwi pala niya. Dahil nadedevelop ang skills ko sa pagfoformat ng Microsoft Word, hindi ko rin alam bakit ako gumagaling, naisip kong computerized na ang dyaryo ko. Moderno na ang mundo, dapat ko na ring gamitin ang mga modernong gamit.

Sabi nila, “Past is past”, ang sabi ko naman, dapat mo ng iwan ang past pero gamitin mo ito para mapagbuti mo ang future. Ang mga old style kong pagsusulat, ginamit ko pa din para makagawa ng isang bagong dyaryo. Habang nagkaklase kami sa Management, ang mga assistant ko, sina Nhesz, Gladizie, Lesyl, Michael, at Jayson (talagang natandaan ko pa pala.) naging busy sa pag-i-stapler. First time ko kasi magpublish ng computerized na dyaryo at hindi ko alam kung papaano ko sila pagdidikitin. Buti nalang, naimbento ang stapler. Nakita ng teacher ko ang ginawa  kong dyaryo, terror ang teacher namin na iyon, si Mrs. Aviñante. Kapag tinignan ka niya, pakiramdam mo kakainin ka niya ng buo. Pero nagbibiro lang talaga ako. Mabait naman siya kahit lagi kaming kwatro at tres sa kanya.

Patuloy pa din ako sa paggawa ng dyaryo, usually every February at March ako nakakapagpublish. Dito ko naisipang include ang Friends Encountered. Gusto ko lang i-recognize ‘yung mga taong lagi kong nakakasama, laging nakakausap, at laging nakikita kahit hindi ko talaga ka-close. Noong high school kami, ginawa ko na ito kaso sa notebook ko lang sinusulat. Ginagamit ko ang mga tirang pages ng notebook ko noong mga nakaraang taon pa. Hindi ko alam kung buhay pa ang notebook ko na ‘yon o ginawa ng tirahan ng mga anay.

Dahil naging busy na ako sa trabaho at halos office-bahay nalang sistema ng buhay ko, tinamad na akong gumawa ng dyaryo. Naisip ko nalang gumawa ng mga article at ipost sa Facebook notes. Okay naman, wala masyadong pumapansin dahil alam ko namang wala talagang interes ang mga tao sa pagbabasa.

Nagresign ako sa trabaho dahil gusto nilang magmigrate ako sa Laguna. Hello? Laguna, ang layo. Maho-homesick ako kahit hindi. Ayaw ko lang sa malayong lugar at magmumukha akong martian doon. Gusto ko pala magmigrate sa San Pedro, San Simon. Actually accident lang na napadpad ako sa San Pedro. Homebased naman ang trabaho ko kaya sa bahay nalang nila Tita Baby Bravo ako nag-office. Naexperience ko maging tambay at maging alien. Naisip ko na gumawa ulit ng dyaryo para magshare ng kwento sa mga tambay. Ang una kong article ay ang mga Best Dota Players. Maraming natuwa sa unang dyaryo ko kahit seven pages lang siya, naisipan ko pang dagdagan ito at magpublish buwan buwan. Dito nagmula ang pangalang Jomar’s Journal. Para kasing naging diary ko ang dyaryo ko na ito.

Para marami ang makabasa ng mga kwento ko, pina-publish ko din ito online. Nagdidistribute ako ng PDF format para pwede idownload ng iba kong kaibigan. Alam kong successful ang ginawa ko dahil marami ang nagbabasa kahit hindi ko kakilala. Ngayon, matatapos na ang taon, heto ang Yearend Journal. Enjoy reading. Maraming salamat pala sa mga tumutulong sakin sa dyaryo ko. Una kay Richneil Bravo dahil siya ang masipag na taga-xerox. ‘Yung unang dyaryo ko, si Tito Rod Bravo ang nagpa-xerox. Tapos ‘yung sumunod, si Paolo Sanga at Jomay Maglanque ang nagxerox kaya long at malabo pa. Salamat din kina Tin Santiago, Sha Angeles, Christy Dalaodao, Lesly Pacia, at Carmel Catacutan dahil nagda-download sila ng PDF file ng dyaryo ko.

Marami kang matututunan kahit puro kalokohan ang mga nakasulat dito. Ginawa ko lang masaya ang pangangaral. Kahit na napakabayolente ng mga tao ngayon, alam kong ang pagsusulat ay isang epektibong instrumento para magbigay ng aral.

Jomar's Journal (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon