Batang 90's

88 0 0
                                    

Eugene. Vincent. Taguro. Natatandaan mo pa ba ang mga pangalan na ito? Tito Piccolo, Tito Vegeta, at Baby Trunks? E si Tom and Jerry? Kilala mo pa ba ang mga ito?

Gusto ko lang i-emphasize ‘yung 90’s dahil dito ako kabilang. Masarap balikan ‘yung nakaraan lalo na ang kabataan. Maliban sa paglalaro, isa sa mga hindi makakalimutan sa kabataan ay ang mga anime o cartoons. Kailan lang, nalaman ko na si Marco ay favorite pala ang Tom and Jerry. Kahit sabihin niyang hindi, tawa pa din sila ng tawa pati si Toto na kabisado ata lahat ng episodes. Tuwing Biyernes ko lang napapanood ang Tom and Jerry noong bata ako. Sigurado akong Biyernes ‘yon dahil munggo palagi ang ulam namin kapag iyon ang palabas.

Dismissal o uwian ang favorite subject ng mga estudyante at nakakasigurado akong hindi Recess. Noong grade school pa ako, ang last subject palagi ay H.E. o Home Economics kung saan ang ginawa namin ay mag-cross stitch kaya ang kamay ko, puro stitch na. Pinagdadasal ko palagi na magkaroon ng meeting ang teacher namin para maaga kami umuwi. Palabas kasi sa T.V. kapag hapon ang Ghost Fighter at iba pang anime. Kahit na replay, pinapanood ko pa din

May time pa nga na nagkaroon ng Anime Marathon sa channel 7 kung saan ang palabas kapag Lunes ay Lupin III, Flame of Recca kapag Martes, Vision of Escaflone kapag Wednesday, Master of Mosquiton kapag Thursday, at ang Friday… Anime Night: May Pokemon, Fushigi Yuugi, at Bubble Gang (Ang longgest running show). Hindi ko alam kung na-mix up ko ‘yan.

Minsan pinapalitan din nila ng Voltes V, Daimos, Combatler V, at isa pang cartoon na robot din ang bida. Eto ‘yung mga palabas na sa drawing palang, alam mong sinauna pa at nasa panahon pa ng bato. Maliban sa cartoon na ang bida ay palaging robot, meron din mga show na tinatawag nilang Sentai. (In English, it is a word for a military unit and may be literally translated as “squadron”, “task force”, “group” or “wing”.) Dito, mga totoong tao ang mga gumaganap kung saan pwede silang magtransform at magiging instant super heroes.

Maraming Sentai noon tulad ng Maskman, Jetman, Fiveman, Bioman, at iba’t-ibang super heroes na pwede mong lagyan ng suffix na “-man” tulad ng Ipisman. Maliban sa kanilang kakaibang pangalan, meron silang identity sa pamamagitan ng kulay. Sa palabas na Jetman, ang pinakalider ay si Red Hawk, tapos mayroong Blue Swallow at Pink Swan. Hindi ko na matandaan kung anong hayop si Black at Yellow pero alam ko ibon din sila. Tuwing Sabado ko lang napapanood ang bakbakan ng mga super heroes na ito at sa Channel 5 pa. Sabi nga ni Pings, ang Red laging bida. Ang Pink, laging magandang babae, at ang Yellow naman ay ‘yung babae na hindi kagandahan. Ayaw kong sabihin na pangit pero ngayon nasabi ko na. Si Black, Blue, o Green ay magiging karibal ni Red. Pero hinula ko lang dahil hindi ko sila kilala. Hindi kami close.

Kapag sila ay nagtatransform, isa-isa silang magdidive sa parang tubig. Mayroon din silang formation bago nila Mayroon din silang mga equipment at sasakyan noon. Mayroon din katangian ang mga sasakyan nila–may kulay din. Tapos magkakaroon ng formation parang sa palabas na Voltes V. Magsasama-sama sila at bubuo ng isang malaking robot na kayang pumuksa ng higanteng garapata, tuod, at kung anu-ano pang halimaw na naimbento ng direktor. Siguro kapag wala siyang magawa, naiisip nalang niya ang mga ganoong bagay. “Ang lamok naman ngayong araw na ito, ah! Naisip ko na, magkaroon tayo ng higanteng lamok for this episode.”

Meron din mga super heroes na nagsasarili tulad ni Shaider, Mask Rider, at Ultraman. Last year nakita ko may Ultraman pa sa T.V. pero makabago na. Mas gusto ko pa din ‘yung lumang palabas kung saan ang mga bida ay kimpi pa ang buhok at ang mga babae, nagpapalda pa–parang Maria Clara.

Wala pa ding papantay sa mga palabas na sinauna at antique. Sabi ng Teacher ko sa Science noong 1st year high school ako, puro violence daw ang napapanood ng mga anak niya sa T.V. tulad ng Dragon Ball Z. Lagi nalang nawawasak ang mundo at laging may patayan. Kaya nga may Rated PG sa ibaba ng cartoons. Kailangan pa din gabayan ang mga bata sa panonood.

Ngayon, kahit sa Internet, pwede mo na panuorin ang mga cartoons through YouTube. Kung ang bata, pupunta sa computer shop at doon manonood ng mga ganitong palabas… Paano pa magkakaroon ng Parental Guidance? Iba na talaga ang mundo ngayon. Napakamoderno. Lahat ng tao nakadepende na sa teknolohiya. Tandaan natin na lahat may hangganan. Hindi tayo dapat magalit kapag walang kuryente dahil noon, wala naman kuryente. Hindi ka dapat mainis kung wala kang pang-load, dati naman walang cellphone. Pagdaan ng panahon, patuloy ng nagbabago ang mga tao at nawawala ang tinatawag nating “tradition”, “values”, at “traits.”

Jomar's Journal (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon